Isang araw na naman ang malalagas,
Ang ngayon magiging alala nalang bukas,
Isang hakbang sa isa pang landas,
Sa indayog ng kantang kupas.

Sa tuldok nag-umpisa doon din magtatapos,
Likha ng makata, ngayon nakagapos,
Ang umaga ang maghuhusga at tatapos,
Aabangan ang huling pagtutuos.

Ang hampas ng alon sa dalampasigan,
Tila ba perlas kung pagmamasdan,
Tulad ng buhay, ito'y gintong dapat paghirapan,
Bawat butil ng pagpupunyagi ay isang kasaganaan.

Ang orasan hindi mapipigilan,
Iikot ang mundo, kahit pa hawakan,
Ang pagsapit ng hapon, isa na naman katanungan,
Umaga kaya'y muling masilayan?

Iguguhit ang obra-maestrang larawan,
Magagandang nangyari hindi iwawaglit sa isipan,
Mamamahay sa puso at katinuan,
Ang buhay ay mahiwaga, walang nakakaalam.

Lahat ng nangyari ay magtatapos,
Ang kwentong nilikha, mga aninong nakagapos,
Magiging malaya sa lahat ng dahas,
Sa isang bigkas ng tinig ng nasa Itaas.

Ang dapithapon ay sumapit na,
Paglubog ng araw, dala ang alaala,
Ang bakas nakakintal sa darating na umaga,
Bukas sisikat ang araw na masaya.
Read More »
Mahiwagang Ulan



Ayaw ko ng ulan dahil kahit gaano ako kasaya pag umuulan nadadala ang aking emosyon. Inaanod ang sayang aking nararamdaman at dadalhin ako sa ilalim ng mga agam-agam sa buhay. Ito na ang nakasanayan kong mundo. Ang mga nakakakilala sa akin ng totoo, alam na nila na pag umulan bigla, malungkot na din ako.

Sa bawat tunog ng patak ng ulan para bang dinadaganan ako, iyong pakiramdam na nanghihina at natutuliro ang isip ko. May pagkakataon pa pag ako nag-iisa, habang umuulan sinasabayan din ng patak ng luha ko. Siguro dala ng kabataan ko, alaala ng malakas na bagyo at pangyayaring gumimbal sa akin sa panahon ng tag-ulan.

Ngayon habang ginagawa ko ito, malakas ang ulan dito. Nagtataka ako kasi wala akong maapuhap na lungkot sa aking puso. Ni hindi ako umiyak, o nagsara kurtina para 'wag kung makita ang buhos ng ulan bagkus tinitigan ko ang bawat patak. Tiningnan ko ang daloy ng tubig at ang mga dahon na gumagalaw dulot ng hangin at ulan.

Wala na ba talaga ang takot sa aking dibdib? Ito ba'y hudyat na nag muli kong pagharap sa buhay na masaya at walang pag-aalinlangan? Kinakapa ko ang aking emosyon subalit parang tinangay na rin ang pait ng alaala ng lumipas. Tumingin ako sa salamin, tinatanong ko ang aking sarili, ngunit ang nakikita ko ang ngiti ng aking mga mata. May pag-asa pa. Muli kong yayakapin ang umaga na puno ng saya.

Siguro nga tama sila, nakatayo na muli si Gumamela. Muling mamumukadkad, muling sasaya at muling makikibaka. Nakagapos noon sa nakalipas ngunit ngayon mananatiling bakas na lamang ang lahat. Iisipin kung hindi pa huli ang lahat, na ito ang bagong simula ng mahiwaga kung paglalakbay. Saan man ako dalhin ng aking mga paa, iisa lang ang alam ko sa kasalukuyan, ang pagsuko wala sa aking sistema. Hahawakan kong muli ang aking sarili. Maglalakad na may tiwala at sasandig sa bisig Niya.
Read More »
Tampisaw


Madami ng sinabi na napako,
Sumpang pag-ibig daw ang pasimuno,
Umasa lang at huwag lalayo,
Bagkus maghintay sa isang dako.

Ang isip kusa ng kumokontra,
Kirot na ipinadama walang kasing sama,
Sakit tinarak sa puso't kaluluwa,
Bakit hinihiling pag-asa at pang-unawa pa?

Magtatampisaw sa batis,
Maliligo lang daw ng mabilis,
Sa pag-ahon, mga kalat malilinis,
Bukas pagagandahin ng walang kawangis.

Ang maharot na magdalena, nakaabang,
Kusang pumulupot sa beywang,
Musikang pumainlanlang, sinayawan,
Inangking tama ang larong bawal.
Read More »




Ibinabaon
Ng galit
Ng hinagpis
Ng poot.

Andito ang kalbaryo,
Itinutulak papalayo,
Ngunit dibdib napupuno,
Ang nakaraan ang pasimuno.

Tapang ang simbolo,
Salita man ibato,
Tamaan man ngunit hindi malulumpo,
Sarili hindi nabuwal, bagkus nakatayo.

Nakangisi pa rin ang anino,
Sumisilip na para bang tukso,
Nagmamayag sa bawat kilos at laro,
Handang itakas ang kamay na ginto.

Dinaklot ang puso,
Sa salita muling naengganyo,
Ssip mas lalong nalito,
Ang nangyayari ayaw ba o gusto?

Mabulaklak na karinyo,
Sinayawan ang pagdapo,
Kumpas na gamit ay bago,
Nalulong muli kahit hindi wasto.

Nakapaligid sumisigaw, ipako,
Kruz na pinapasan, itakwil at ilayo,
Ngunit nakahandusay na anino,
Tinanggap muli ang pagkatalo.
Read More »



Bakit hindi ka bumibitaw?
Bakit hindi iniiwanan?

Sa bawat yapak sa tahanan,
Isang bakas ang pinaparamdam,
Pag-asa muli mong ikinikintal,
Sa larong ikaw ay sanay.

Bakit hindi na lang pabayaan?
Bakit pilit sinasabi na maunawaan?

Maglakad ka ng diretso,
Ang paglingon kalimutan ito,
Para isang patak ng luha,
Ang itatapat lang saiyo.

Isa ba pang pagkakataon?
Isa pa bang pagkukunyari?

Dahan-dahan na gumapang,
Maingat na naisakatuparan,
Ang plano walang palya,
Ngunit ang nasa Itaas nakakakita.

Paano nasakop ang sistema?
Paano buburahin ang mga alaala?

Ang anay nagmumukhang Diyosa,
Abot tenga ang ngiti at tawa,
Halakhak nakakagimbal,
Boses tuksong kumakaway.

Ilang beses kailangan magbilang?
Isa, dalawa tatlo o limang segundo?

Panlilinlang gawa ng isang sadista,
Isip pinasok ng makasariling pantasya,
Puso nalusaw, nadaya at namanipula,
Sa harot ng sayaw ng Magdalena.

Latak itong maituturing,
Tira-tira kung tawagin,
Latak na kikitil,
Sa kapwa salarin.
Read More »




Sa matagal na pagkakakulong,
Nalanghap ang paglaya,
Ngunit pagkampay ng pakpak,
Hindi na alam, hindi na tiyak.

Paglipad nakalimutan,
Kaya sa baba bumabagsak,
Ikampay man ng husto,
Madaling manghina at lumagapak .

Dating lipad na mas mataas pa sa saranggola,
Ngayon walang lakas na makuha,
Mga kuko nakakapit lang sa sanga,
Tkot na takot at nag-aalala.

Ngunit sasanayin ang sarili,
Kailangan maging matapang katulad ng nakakarami,
Pag-asa man kahit patay sindi,
Yayakapin ang paglaya ng walang pag-aatubili.

Mga kapwa ibon minsa'y naiirita,

Kanilang kaway nababalewala,
Dahil ang tigas ng ulo, pinamumukha,
Ayaw makinig kahit pa nadadapa.

Nakagapos ang paa sa alaala,
Panghihinayang nasa puso pa,
Gustong tuldukan at mag-apura,
Ngunit nalilito at nanghihina.

Isang ibon ang umaaligid,
Nakagabay at sa braso daw niya kumapit,
Subalit pag-ibig hindi nya makakamit,
Dahil kahit kanino ayaw sumandig.

Mag-isang babatahin ang lahat,
Muli mang malugmok,
Tatayo ng kasing tatag,
Aahon sa putik, lilipad ng mataas.

Read More »
Hanggang Kailan?

Isipan ay naglalakbay sa alaala ng nakalipas,
Madaming gustong sagutin ngunit sadyang kumakaripas,
Kaway ng isang anino gustong isipin na malas.

Sa gilid ng kwarto nagmumukmok sa pangungulila,
Pait ng kahapon hindi maisara, pilit na bumubukas pa,
Sinisilip ng pagkukunwaring saya.

Mas domodoble ang hinagpis sa gabing nag-iisa,
Hinahanap yakap ng taong nakasama,
Iniisip,sumasayaw sa maharot na musika.

Dantay ng kamay parang magnetismo,
Dinadala sa alapaap, pakiramdam nagbabago,
Naigupo muli ng sariling pagkalito.

Hanggang kailan huhugutin ang punyal na nakatarak?
Nanlalatang katawan pilit pa rin lumalaban,
Pag-asa muling pinanghahawakan.

Hanggang kailan kakayanin tumawid?
Sa makitid at marupok na lubid,
Sa daang puno ng hinanakit.
Read More »







"MILYA ANG NILALAKBAY LAHAT SINUSUONG,
PAGSUBOK KINAKAYA, PAG-ASA SINUSULONG"



Mga Palaisipan:


Tama bang desisyon ang mangibang bansa?
Paano ang pamilyang pansamantalang 'di makikita?
Daang tatahakin, ito ba'y landas ng pagbabago?
Propesyon isasantabi, tama ba o wasto?

Mga Hamon:

Mataas na broker's fee pikit-matang tatanggapin,
Ari-arian isasanla, bahay o maging bukirin,
Kahit pa mabaon sa tubo pilit iisipin,
Sa ibang bansa, matutupad mga hangarin.

Impit na pag-iyak sa paglisan,
Dala-dala'y panibugho sa pupuntahan,
Sa takot sanay 'wag maigupo, mapagpalabanan,
Ito ang hamon na napakahirap malampasan.

Ibat-ibang disenyo ng tao ang pakikisamahan,
Tradisyon at kultura malayo sa nakagisnan,
Wikang banyaga, panibagong pakikipagsapalaran,
Kinukutya ng pag-iisa at bagwis ng kalungkutan.

Minsan kapalaran 'di nakikiayon, daan napakakitid,
Sa paanan nakahilera gabundok na balakid,
Trabaho'y napakahirap, amo pa'y sobrang lupit,
Panaghoy ba'y maririnig, daing ba'y masasambit?

Ang liwanag minsan din sadyang nagdadamot,
Katawang napapagal at nauupos,
Sa matinding homesick, luha'y umaagos,
Pananabik sa pamilya sa konting pang-unawa mamamalimos.

Subalit sa gitna ng mga dagok at pagsubok,
OFW hindi susuko at taas noong titindig,
Pagka Pilipino ipapakita kahit ang daming balakid,
Sa Poong maykapal aasa at sasandig.

Pag-asa:

Magandang bukas maibibigay sa pamilya,
Anak makakapag-aral, buhay ay mapapaganda,
Sa magulang makakatulong, mga kapatid mapapasaya,
Sa lipunan may ambag at mabuting gawa.

OFW pag-asa ng bayan, handog sa mundo,
Ekonomiya'y iniaangat at nagbibigay saklolo,
Bansang nakalugmok parte kami ng pag-asenso,
Basta para sa bayan, OFW magsasakripisyo.
Read More »
The Reality

Lupang hinirang bayan kong mahal,
Bayang sinakop ng mga dayuhan,
Dumanak ang dugo sa digmaan,
Buhay man masayang kapalit ng kalayaan.

Inang bayan nakalugmok sa katotohanan,
Tunay na paglaya hindi nya nahahawakan,
Nasaan na ang ipinaglaban noong araw?
Bakit ating bansa nakakulong pa rin sa dayuhan.


Everyone of us have the rights & duties in ourselves, to others & to our nation. We deserve to live according to our will, according to the laws of human and most especially according to the will of God. The rights ang the resources are equally given to us. It's up to us how should we deal in different obstacles and tribulations that might block our way.

The largest part of freedom is making wise and ethical decisions. The ethic of it depends in our willingness & commitment in respecting others rights.

Today we are facing the particular challenge WAR. War darken the future of our generation. Beacause of war we are facing life and death at any moment, fear is our everyday companion. Terrorist & bandits, these people have mentalities that i my self can't relate. They fight for what they called FREEDOM but with hidden agenda and vested interest. Our government officials uses power to corrupt. They didn't portrayed as in position of authority & lack of concern in the policies they had implemented. PRESERVE OUR DEMOCRACY, DEPEND OUR FREEDOM" we almost heard from them everyday. What's really the truth? Perhaps, (in my opinion) they are the first one who abuses our democracy.

We are made of complex thoughts feelings & actions but still we can make this world a nice place. We can show our concern in our fellow individual "WE CARE" and we can assume the role of leadership by making ourselves COUNT. We must prepared to live with principles not in egoism or pride. We must accept readily ang react promptly to all facts not only to those we want to hear but what is right to do. Fighting for freedom means fighting for truth with morale-DIGNITY INTACT.

Sometimes we are misguided by strange emotion, revenge. Life is freedom of choice. We struggle and survive. Knowing the right words by respecting others feeling is the basic part of freedom. We may think very simple yet we find it very hard to do because of our ability to reason out and to know by nature. If we want liberty we should lead the way. It originates in little things. How many heroes fought and died for our liberty? They offered as security & peace. Peace begin with self discipline and sincerity in different form of hardship. Cooperation is a powerful act in order to preserve our freedom.

Too often we blame the number of failures to others especially in the politics but we must accept the fact sometimes we just took for granted the policies ang rules they implemented. We don't take enough time and we just keep the distance by not making a chance to participate in the issue. We easily develop the habit of self denial and we refused to join the human brotherhood.

For me, freedom can be define as loyalty and devotion. The joy of living comes from freedom ang freedom brings hope. hopefully, we must never stop teaching the young generation the spirit of love, respect and perseverance. They may learn to appreciate the peace and freedom we constantly fight for freedom comes only from knowlegde and understanding.
Read More »
Bugso ng Damdamin

Pagkamuhi sa sitwasyon,
Niloko,pinaasa sa pangakong patay,
Inalipusta, kinain ng buhay.

Ang pangil nakaabang,
Handang manakal, manibasib,
Sa gitna ng gutay gutay na dangal.

Di alintana ang sikdo ng damdamin,
Lakas ay balewala sa isang kampay,
Nang sadistang manlalakbay.

Bugso ng damdamin umiiba,
Komokontra sa dapat na ruta,
Iba ang tinitibok sa nakikita.

Ibig ipahiwatig ang isang himig,
Pagpapatawad, ngunit puso ay nasaid,
Paglimot ang dapat kaysa pagpanggap.
Read More »






On Mike Avenue Pinoy Blog’s ‘Tsokolate’(bhing) MANIFESTO so that the bloggerworld and everyone may know....
We believe in the right to freedom of speech as a human right.


We believe in the freedom to hold opinions without interference by public authority and regardless of frontiers, either orally, in writing or in print, in the form of art, or through any other media of his choice.


We believe in the right to freedom of expression to receive and impart information.


We believe that the exercise of these freedoms is not an absolute right but carries with it duties and responsibilities, that may be subject to restrictions or penalties on specific grounds as prescribed by law and are necessary in a democratic society, in the interests and protection of the reputation or rights of others.


We believe that majority of the Overseas Filipino Workers have chosen to leave the Philippines to seek and search for better livelihood opportunities abroad so they may be able to support themselves and their families back home.


We believe that the OFW’s search for a greener pasture is not at all that easy and yet hundreds of thousands of OFWs have created names for them and have excelled in their chosen fields of endeavor, setting the world standards for nobility and for hard work.
We believe that there is nothing wrong with doing an honest day’s work as a domestic help or as construction worker or doing any other menial and blue collar jobs.
We believe that OFWs whether professionals or not should be given honor and respect.
We believe that the OFW is the Hope of the Nation, Gift to the World!


With these guiding beliefs:
We regard Mr. Mike Avenue’s Pinoy Blog post on "Tsokolate" as one that lacked research and a flagrant ignorance of the truth about Overseas Filipino workers and expatriates.


We regard this lack of truth and ignorance as especially inexcusable from one who feigns intelligence and high learning and coax people into belief and following.


We regard his statements: “minumura ng amo kapalit ng dolyar” and “humahalik sa paa ng mga dayuhan” as blatant mockeries of the sacrifices of the Overseas Filipino Workers and expatriates and are hasty generalizations of the living and working conditions of the Filipino expatriates and OFWs.

We regard his post as tactless and offensive, trying to make a lame attempt to sarcasm that failed to be funny, at the expense of the Overseas Filipino Workers.
We regard his post as a clear display of arrogance, done in a distasteful manner with blind indifference and unjust condemnation of the millions of hardworking OFWs who work long hours to earn an honest buck.
We regard his post to have overstepped the bounds of sensitivity and responsibility of a decent mind and an accountable and sensible blogger.
Therefore, we as OFW BLOGGER are not dumb to let this kind of humiliation pass just like that.


We strongly condemn this irresponsible blog post and Mike Avenue.


We consider Mike Avenue as an Anti-OFW persona.
We demand a retraction and an apology from Mike Avenue of Pinoy Blogs for this irresponsible blogpost!


We are Filipinos and we should stand together and strive for a better Philippines!
Read More »

"Hindi namin kailangan ang papuri ng isang MIKE AVENUE o parangal ng gobyerno ngunit hangad namin ang RESPETO ng kahit sino sa pagigi naming OFW"


Pinag-isipan ko kagabi kung kailangan kung sumagot sa paratang ng isang bloggero. Noong una kung nabasa iniisip ko blog nya iyon, karapatan nya magsualt ng gusto niya ngunit sa ikatlong beses kong pagbabasa aking napagtanto na isa ako sa OFW na simple lang ang hangad sa kapwa tao RESPETO.

Aaminin ko isa ako sa tagahanga ng kanyang obra lalo na mga tula, very vocal din ako sa pagsasabi na magaling siya gumawa ng tula (at least sa pananaw ko) Ngunit ang entry niya kahapon nagpabago ng lahat. Wala ako sa sitwasyon para humusga sa kanyang opinion o kuro-kuro, o komontra sa nais niyang ilagay sa blog pero nakikiisa ako sa lahat ng OFW na nasaktan dahil sa pansariling entry.

Madaming rason bakit kami nasa bansang banyaga, o kahit pa sabihing kaya kami nasa dayuhan dahil sa PERA o pansariling interes wala pa ring may karapatan para ibaba ang tingin sa amin, walang sinuman ang may karapatan na ilublub o maliitin ang aming pagkatao kasi tulad nyo rin kami. Nagmamahal sa bayan, nagmamahal sa pamilya, at nangangarap nang magandang bukas. Kahit nasa banyagang lugar kami dala pa rin namin ang pagigi naming makabayan, buong puso naming ipinagmamalaki na kami ay isang Pilipino. Pinagbubutihan namin ang aming trabaho para sa ikakaangat ng lahing Pinoy, dala namin ang dunong at kapasidad ng pagiging dugong Pilipino. Kung may mga pagkakataon man may ilang OFW na mas mahal na nila ang banyagang lugar, (sinu tayo para husgahan sila?) Sana wag lalahatin kasi ako bilang OFW may ambag pa rin sa lipunan.

Inambisyon ko bang matawag na bayani? Taong bayan mismo ang nagbigay ng bansag na yan, hindi kami, hindi namin hinangad mas lalong hindi namin hiningi. Respeto at pang-unawa ang aming dinadaing, dinadasal na sana kami na ang huling OFW na lalayo sa bayan. Na sana kami na ang huling sandata ng gobyerno para maiangat ang ekonomiya.

Isa akong aktibista dyan sa Pilipinas, halos nagi kong tahanan ang kalsada. Ang pagluwas ko sa bansa ay malaking hamon sa aking pagkatao ngunit pikit mata kong kinaya para sa aking pamilya. Sa pagigi ba naming OFW nangangahulugan na hindi na namin mahal ang bansa? Sa pagigi ba naming OFW nangangahulugan na traydor na kami sariling bayan?

By the way, ito ang ambag ko sa pagiging OFW. Nabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking kapatid & pamangkin. Pwede ko naman silang papag-aralin na hindi lumuluwas ng bansa ngunit hindi ko sila mapagsasabay sa kolehiyo at hindi ko maibibigay ang kursong gusto nila. Pera nag lang ba ang dahilan? sasagot ako ng HINDI, kasi kaya ako lumuwas ng bansa dahil sa pagmamahal ko sa aking pamilya.

Bunso kong kapatid, Bachelor of Science Nutrition Dietecians (BSND) (2006)

Panganay kong pamangkin Bachelor of Science Office Administration (BSOA) (2007)

Read More »

Ads2