Ibinabaon
Ng galit
Ng hinagpis
Ng poot.
Andito ang kalbaryo,
Itinutulak papalayo,
Ngunit dibdib napupuno,
Ang nakaraan ang pasimuno.
Tapang ang simbolo,
Salita man ibato,
Tamaan man ngunit hindi malulumpo,
Sarili hindi nabuwal, bagkus nakatayo.
Nakangisi pa rin ang anino,
Sumisilip na para bang tukso,
Nagmamayag sa bawat kilos at laro,
Handang itakas ang kamay na ginto.
Dinaklot ang puso,
Sa salita muling naengganyo,
Ssip mas lalong nalito,
Ang nangyayari ayaw ba o gusto?
Mabulaklak na karinyo,
Sinayawan ang pagdapo,
Kumpas na gamit ay bago,
Nalulong muli kahit hindi wasto.
Nakapaligid sumisigaw, ipako,
Kruz na pinapasan, itakwil at ilayo,
Ngunit nakahandusay na anino,
Tinanggap muli ang pagkatalo.
16 Share your thoughts
hndi ka makakaalis sa anino kong lagi mo inaayunan,nakikinig sa matatamis na salita..
kumain ka na lang ng chocolate mas matamis po un kesa sa salita ng isang anino?...ingatzz
hahaha!
bow, kuya Lenon!
clap.clap.clap!
parang ikaw dn lng yan...nagmana kaya ako sau(LOlz)
awwww! awwww!
NAGMAMATYAG (4th stanza - 3rd line)
__________________________
sabi nila.. hindi ka daw makakaalis sa anino ng nakaraan kung palagi kang nasa arawan!
minsan na akong umalis sa anino ng nakaraan ko... anak ng teteng sinundan pa ako hanggang dubai! nasundan muli ang mali... pero sadyang hindi itinulot ng tadhana... minsan akong nagsalita at nagpalayas... literal! at dun lang ako nakawala sa nakaraan!
kailangan mo ng tibay ng dibdib para magawang alisin sa sistema mo ang nakaraan. at kailangang buo ang loob mo ate bhing! buong-buo. walang alinlangan. walang panghihinayang.
kita mo naman.. masaya na ako ngayon... ikaw kailan???
bhing,
"dinaklot ang puso,
sa salita muling naengganyo,
isip mas lalong nalito,
ang nangyayari ayaw ba o gusto?"
Ahay puso nga naman at sa matamis na salita ikaw ay na enganyo at muli ikaw ay nalilito...(lols) ANO BA TALAGA ANO BA GUSTO MO?????? SAGOT!!!
saan kaba masaya wawawawa.....
ching
@ azel, galing! ginwa n nmn nyong para sa akin ang tula ko...(lolz)
parang hndi lng b guilty!(hahaha)
tuloy lng ang laban, san dalhin bahala n c batman sa gitnang outer space!Lolz!
@ kuya ching, parang MYSTERY LNG YAN... ikaw po anu po ba tlga dn ang gsto mo....
may nakita ako oh, pag ako'y pinilit sasabihin ko rn(lolz)
bhing,
wawawa wala ako gusto ikaw ang tinanong ko saa kaba masaya SAGOT? lols..
ang nakita mo isa lang kathang isip... huwag baka mabuking wawa sila...
ching
@ kuya ching, saan ako masaya? sa noon, sa ngyon at sa bukas!lolz!
sige n nga tahimik n ako, pero hndi ung kathang isip eh, nakita ng 2 mata ko...nyahahaha!
gudluck kuya! ingata cla sau!
ganda ng tula..
p.s.
oka yung comment ni azel
Nice...
Patayin ang ilaw, siguradong gudbye and aninong yan... ahehehe... :)
@ Oracle, wow! galing nmn ng logic mo...
tnx!
@ everlito, salamat sa pagdalaw & pag iwan ng komento...
yeah, gnda nga ng advice ni azel kinarer nya...
Grabeng anino yan, hindi kaya isang stalker yan, hahahaha.
Do not dwell on your yesterday, you have your today - use it and enjoy it, tomorrow will be another day - face it.
Life is beautiful.
@ pope, stalker n cguro eh...kc lagi nasa tabi ang anino...
tnx!
mahirap nga naman iwan ang anino, kaya san ka magpunta pilit na humahabol ito.
may kilala akong may kpangyarihang tungkol sa anino...
yung sa ghostfighter kalaban ni eugene.lols ang korni,hehe
@hari ng sablay, mahirap tlga ewan ang anino...cguro in time...
tnx sa pagbisita!