Si Mama at Si Ako



Isa akong masunuring anak at mapagmahal na kapatid. Iyan ang kadalasan na naririnig ko sa mga tao, ang nakalakihan kong sinasabi sa akin ni Mama. Sa bawat magandang kataga na namumutawi sa kanilang bibig ay isang hamon sa akin na pag-ibayuhin ang aking buhay. Takot akong magkamali, takot akong madapa, at takot akong madisaapoint si Mama. Lumaki akong busog sa kalinga ng isang ina, maaga mang nawala si Papa subalit nagampanan ni Mama ang pagpapalaki sa amin ng maayos. Kadalasan sa aming magkakapatid ako ang buo ang loob kahit bata pa ako noon. Alam ko ang tatahakin ko, ako ang pinakamatapang sa amin at ako ang laging handang makipaglaban kapag involve ang pamilya.

Sa murang gulang ko ikinintal ni Mama ang salitang "pagmamahalan" at "pagkakaisa". Kaming magkakapatid ay very close. Si ate, si kuya, ako at si bunso ay larawan ng perpektong magkakapatid. Binigkis kami ng pagmamahal ni Mama. Salat man kami sa materyal na bagay ngunit sa pagmamahal sagana ang aming pamilya.

Nakatira kami sa probinsya, mabagal ang usad ng urbanisasyon. Simple lang ang nakagisnan naming buhay, malayo sa kaguluhan. Sa aming magkakapatid ako ang "kakaiba". Mataas ang pangarap at amazona.(hahaha) Kabaliktaran ako ni Mama. Si Mama laging mahinahon magsalita, kahit kailan hindi namin naringgan na magmura, lahat dinadaan niya sa pakonsenysa effect.

Ito ang kadalasan na pagkakamali ko kay Mama noon bata pa ako. Tuwing may pupuntahan ako ganito ang scenario.

Ako: Ma, pwede po ba akong sumama sa mga kaibigan ko, pupunta kami ng beach.
Mama: Saan? Kung malapit papayagan kita. Sinu ang mga kasama? May mga lalaki ba? May alak ba? ......(ang dami niyang tanong)
Ako: Sa kabilang barangay lang po.
Mama: Anong oras ang uwi mo? (dito si mama mahirap kausap)
Ako: 5pm po nasa bahay na ako (syempre, sasabihin ko maaga para payagan ako)
Mama: Sige, umuwi ng maaga. Mag-ingat!


Habang nasa beach na kami or sa kahit anong okasyon pa iyan kapag involve ang gatherings na sa paningin ni Mama wala kaming kasamang matatanda may biglang sumusulpot si Kuya. Di pa uso noon ang motorsiklo, mountain bike pa. Sa kalagitnaan ng pagtatawanan namin biglang may magsasabi sa akin, Bhing, nakita ko si Kuya mo. Sinusundo ka na yata. Sympre sa mga panahon na iyon hindi ko maintindihan si Mama. Minsan ako ang sentro ng kantiyawan ng barkada.
Ako: Mama, aatend po ako ng birthday sa Sabado.
Mama: (dating mga tanong)
Ako: sige, wag na lang po pero masama ang loob ko.
Mama: (aabot ng pera) Umuwi ng maaga.

Ito ang very epic sa mga pakonsensya effect ni Mama. Sabi ko uuwi ako ng 6, pero nakauwi ako ng 8pm na. Pagdating ko magmamano. Si mama walang imik, pupunta ng kusina, paghahandaan ka ng pagkain o kaya nasa lamesa pa iyong tira para saiyo. Wala kang maririnig na pagagalitan ka, wala ka rin maririnig na magtataas ng boses pero habang kumakain ka. Sasabihin niya. Kumain ka, alam ko napagod ka, nag-alala ako saiyo, akala ko kung napano ka na, tinanong ko na ang mga kapitbahay kung nakita ka...... mahabang litanya ang kasunod. In fairness, effective ang pamamaraan na iyon sa amin dahil nagi kaming aware sa binibitiwan namin pangako.

Ganyan si Mama, magpahanggang ngayon ganyan pa rin ang approach niya sa amin at sa aking mga pamangkin. Hindi siya iyong typical na Nanay na dadaan ka sa katakot-takot na rules. May kalayaan kami sa mga gusto namin, nirerespeto niya ang bawat kahinaan at hindi niya kami sinaklawan ayon sa mga ninanais niya.

Minsan, tinatanong ko ang aking mga kapatid. Sumaya ba talaga siya? Alam ba ni Mama na may ibang buhay aside from sa nakagisnan niya? Kasunduan lang kung bakit nag-asawa si Mama at Papa. 15 yrs old si Mama from Masbate, si Papa ay dayo sa lugar, galing siya ng Sorsogon. Pumunta si Papa sa Masbate sa alok na trabaho ng Tito niya, na close kay Lolo. Sa madaling salita, ikinasal sila walang ligawan na nangyari. Natatandaan ko tuwing kinukwento ni Mama, sabi niya naglalaro pa sia noon, hindi niya alam bakit ang daming tao sa bahay nila iyon pala namamanhikan na si Papa. After sila kinasal, dinala ni Papa si Mama sa Catanduanes dahil doon na naman siya maassign. Nagdedevop ng mga palaisdaan sila Papa, sponsored by Korean National. Imagine, hindi si mama dumaan sa pagdadalaga, hindi niya naranansan maging ganap na dalaga. Sinuong niya agad ang maging asawa at ina.

Noon umuwi ako, tinanong ko si Mama masaya ka po ba? Ano po ang makakapagpasaya saiyo? Hindi daw siya ganap na masaya kasi hindi niya naibigay sa amin ang buhay na pinapangarap niya para sa amin. Ang hindi ko makakalimutan ang higpit ng yakap niya sa akin, sabay tanong kung nagkulang ba siya sa pagpapalaki sa akin. Hindi makakaila minsan kung tinahak ang landas na hindi dapat ngunit sa panahon na iyon sinunod ang nararamdam ko kahit na alam kung mali. Takot akong magkamali pero noon naligaw naman ako big time :( Para sa aming magkakapatid mapalad kami at binigyan kami ng Diyos na magkaroon ng Ina na kagaya. Hindi man siya nakatuntong na high school, salat man siya sa pinag-aralan ngunit busilak ang kanyang kalooban. Utang namin lahat-lahat kay Mama.

Salamat Mama dahil hindi mo ako pinabayaan. Ikaw ang sandigan ko, ikaw ang kakampi ko sa oras na pakiramdam ko buong mundo kalaban ako. Ikaw ang nagpapangiti sa akin, nagbibigay inspirasyon kapag ang tingin ko sa lahat wala ng halaga. Excited na akong umuwi para maalagaan ka. Ako na ang magsisilbi saiyo, mag-aaruga at kakalinga. Ipagluluto kita, paghahanda ng pagkain. Higit sa lahat hindi na ako naghahabol ng oras. Makakasama na kita ng matagal. Mahal na mahal ka namin.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

2 Share your thoughts

Hahaha this was nice.. :) Gumawa din kase ako.. hahaha :) At sampaguita naman ginamit ko.. about mother.. (but not yet publish so don't mind looking hahah ) :) Nice

nakakainggit ang mga mayroong pang nanay. ganunpaman, maligaya pa rin ako dahil may mga tiyahin ako'ng itinuring kaming tunay na anak. happy mother's day po. :)

Ads2