Liwanag na nanggaling sa bintana, alindog mo'y nasilayan,
Matang mapanglaw naakit ang aking katauhan,
Maitim at mabangong buhok samyu ng mahinhing kabanguhan,
Kakaibang magnetismo binuhay aking kamalayan.
Bituing kayrami makikita sa kalawakan,
Singdami ng buhangin sa dalampasigan,
Ibon lumabas sa kuwebang pinagtataguan,
Ika'y inaaliw, nililibang at inaawitan.
Masasalamin sa mukha payapang kalooban,
Mabangis na hayop, napapaamo sa mayuming kagandahan,
Tinig mo'y tumatagos, sumasagad sa kaibuturan,
Dinaing na kaligayahan ngayon ay natagpuan.
Ala maniking pisngi, sa labi may nakaguhit na saya,
Ngiting kayganda, dulot aliw at ligaya,
Pinong kilos larawan ng kagalang-galang na dalaga,
Sana ito n ang simula ng buhay na mapayapa.
Katulad ng puso hugis ng iyong mukha,
Isinaboy sa Parang pag-ibig na dakila,
Nang ika'y nililok binantayan ng Bathala,
Upang maging perpekto sa paningin ng madla.
Ika'y kumaway, ako'y inanyayahan,
Dinala sa Paraiso ng kalawakan,
Nakita ko mga anghel nag-aawitan,
Buong galak sila pumupuri nag-aawitan.
Mahiwagang pinto gusto kong puntahan,
Ngunit 'di ako makalapit at kinakabahan,
Umihip ng hangin nanuot sa aking pakiramdam,
Ikaw pala'y Dyosa sa panaginip lamang.

12 Share your thoughts
PM mo ko sa comment ko. Hahaha!
ang galing mo talagang magsulat ng tula. la na kong masabi :)
@empi, anong gusto mong PM ko saiyo :) hahaha!
@Bino, maraming salamat!
galing.. ate bhing, naku dami din ako nagawang tula, iba't iba din.. pero pulos patama dito sa comapny ko.. hindi kagaya ng dyosa sa panaginip.. na sa pagtulog mo lang makikita.. riyalidad ang tema ng sakin ahehehe...
galing galing talag.. :)
Nice poem. Sana kaya ko ring magsulat ng ganyang poem. Hanggang mababaw haiku lang ako eh. :-)
Salamat sa pagbisita sa aking blog.
ang galing ng tula. thumbs up!!!!
@ istambay,salamat! ikaw dn magaling gumawa ng essay and mga pilantik sa paligid :)
@ Ahab, try mo dn gumawa ng tula.tnx sa pagdalaw!
@athena, galing ako sa blog. ang ganda ng post about sa mga flowers ang significant color for the occassions.
tnx!
Wow, galing naman. Sana'y may panahon din akong gumawa ng tula sa ngayon. Kaso wala pa kasi dami pa work.
Keep the poems coming :)
http://nortehanon.com
@nortehanon, salamat!
sige try ko ulit :)
Happy Chinese New Year!