Ano Ang Madalas Gawin Nang OFW Tuwing Day-Off?

Ang buhay ng isang OFW ay hindi madali. Maraming pagsubok at hirap na kailangan suungin upang makamtan nila ang kanilang pinapangarap na buhay pag-uwi ng Pilipinas. Maraming Kababayan natin ang pinalad sa kanilang pangingibang bansa ngunit hindi rin mawawala ang iba umuuwing luhaan. May mga pagkakataon pa nga bangkay na silang umuuwi sa kanilang pamilya. 

Base sa kanilang mga sagot, sa Gitnang Silangan madalas  ay wala silang day-off. Kahit pa nasa kontrata ito, hindi pa rin nasusunod pero sa abot ng kanilang makakaya tinatapos nila ang kontrata. Ang iba naman buong kontrata hindi nakatikim ng day-off.

 Narito ang kanilang mga kasagutan:
Leorem Devera: Malaysia. 

1. Magsimba syempre kaso d ko naman nagagawa tuwing off day.
2. Window shopping and bonding with friends
3. Picnic po syempre magluluto ng paborito nating pagkain pinoy .
4.tapos ang pinakagusto namin libangan Ay maglaro ng bowling or magiingay sa Karaoke.


Pagsawa next plan naman sa beach kami, kasi yun lang naman po ung nagagawa namin dito sa ibang bansa yung magsaya para maibsan ang kalungkutan


Annie Gathalian Agni: Magluto ng Filipino foods, mag swimming at gumala. syempre maglibang, libangin ang sarili.

 Lourdes Shirakawa: Wala nasa bahay lang. Nakahiga

 Tin Sarmiento:  Magmuni muni ano ang pwede gawin para pagkakitaan. Walang oras magpahinga utak palang dami na trabaho iisip anu dapat gagawin sa mga sasunod na araw babasa ng peso sense usapan sa loob mga idea ng mga dpt gawin para sa pag iimpok.

Dorothy Salazar:  Gala galore at kumain.

Lynn Pangan Pascual: Makipag-usap sa aking pamilya, pagkatapos sa araw ng sweldo pupunta ng Batha sa telemoney para ipadala ang allowance ng pamilya.

Daniel Florendo: magtanim ng mga gulay maglinis sa kuwarto ,,maglaba..at kung ano ano pa na pweding gawin,,,,,,bago maglaro sa mga online games sa fb

Osmail Ditchon Mendoza: Tulog tulog lang para fresh uli sa work kinabukasan.
Irvin Bueno Cooronado: Depende sa lugar, yung mga lugar kagaya ng Dammam, Jeddah, Khobar, siguro nagagawa nila ang gusto nila. Madami kasing lugar eh nagba-bike ka lang, yari k na s Pulis, o kaya pag-tripan ka ng mga bata/teenager dito. Kung sasabihin paglilibangan during offs. Once -in-a-blue-moon lang yun, yun eh ngakayayaan mag swimming sa beach habang naghuhuli ng isda. About Videoke and gatherings, BAWAL. At saka it depends on the type of work you had here, pag barya lang ang kita, laging NGA-NGA, pagkakasyahin lang ang pera, na madami d2 dahil wala nga trabaho sa Pinas. Meron nga suweldo ay 700 Riyal lang. So paano mo magagawa yung naka indicate sa taas kung wala kng pera, kya madami dito hindi na lumalabas.
Ailyn Pandio Corpuz: Isa po akong domestic worker dito sa Saudi wala man lang ako day off kahit  one day sa loob ng 7years.  Hindi talaga pare-pareho ang kinalalagyan dito pero ok lang mabait nman mga amo ko. 
Erick Pana: Ang pinakamasap sa day off sa buong araw kausap ko anak ko at asawa ko mas gusto ko pa na ganun. Minsan pag kapag may pera bili ng damit na afford ng budget kakain sa kabayan restaurant sa Al-Khobar.

Tyra Jane: Dito sa Taif walang day-off, nasa bahay lang ako lagi. Kailangan kong magtyaga para sa kinabukasan ng aking mga anak.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

Ads2