Showing posts with label Radyo OFW. Show all posts
Showing posts with label Radyo OFW. Show all posts



Ano ang mga pinagdaanan mong paghihirap sa pag apply para maging OFW? May suhestiyon ka ba para maiwasan ito?

 Narito ang mga naranasan ng ating Bagong Bayani bago sila umalis papunta ng ibang bansa:

Erwin Bernal Novero Issue sa height, ang qualification ay atleast 5’6 ang taas ko ay 5’5 lamang. Sa 100 na aplikante, 5 lamang ang kailangan. May mga ilan na nawalan agad ng pag asa sapagkat hindi tugma ang height nila at umuwi na lamang. Pero ako naniwala ako na kaya ko lampasan ang qualification kahit pa 5’5 ako, ang ginawa ko may malapit na mall sa agency agad akong bumili ng sapatos na may mataas ang swelas. Kaya nang sumalang ako sa interview, hindi naging hadlang ang height ko.. Sa 100 na aplikante, sinewerte ako na matanggap kasama ang 4 pang aplikante. Tiwala sa sarili at gabay ng diyos ang aking puhunan.. Hope u learned something sa akin na always think positive. “It’s better to try than wonder”.

Aqua Amors Madi noon mgaaply ako
-pila wla maupoan
-gutom at pagod kc dami nilalakad noon tulad noon mgapply ako pa middle east pero un alaka ko na hind magyayari sakin noon ntapos ko ang contracta ko sa middle east ganon rin pala kahit ex -abroad ka ganon rin madami hirap lalo na una ko dto sa hongkong minalas malas pa ang gatos mo ng apply dto sa hongkong na maabot sa 100 k dahil d ka pinalad sa amo ang maibabalik lang n pera sau 10 k lang tapos papamermahin kapa na wla ka na habol kc naibigay na nila ang 10k ng agency ko inap layan..

Mharjie Biaco Mahirap talaga maging ofw sa pinas pa nga lng sa dami ng documents nilalakad enterview. Training pa kung first timer ka pedus owwa medical tapus pagdating mo sa bansang patutunguhan mo mamalasin kapa sa amo.

Bain Uming pgkuha ng mga ducument pbalik bik pila nauubusan ng time kgya ng Pagkuha ng NBI CLEARANCE PASSPORT

Amme Rellat halos lahat ng processing napakahirap lalo n pagdating dito s amo lalong napkhirap naranasan na nga ang gutom sa pag-apply lalo na dto sa Amo gutom hirap, puyat, lungkot, dito ko naranasan masaktan at tratuhin parang aso tira ang ipapakain alang alang sa mga anak titiisin.

Zandro Yaoto
Madami tulad ng local ducument & passport &  pinaka kailangan mong lusutan ang employer interview at exam at tradetest. At ang huli medical.

Gilbert Jaranilla medical. Mahaba ang pila at pinapaulit ulit kahit na wala naman sakit.

Betty la Pia Pagkuha ng passport

Florante Bonzo Ang placement fee ay mataas.

May Dy Pagkuha ng passport. Iyong time na pumupunta pa sa likod ng DFA para pumila ng napakahaba. Ikaw na ang nasa counter para magpasa ng requerment bigla lang sasabihin na kulang pa ang mga documento mo. Sabi sa list na binibigay nila un ang dalhin. Sa POEA daming clinic na ipapasok ka para sa check up. Ang dami naman sa Ortigas papupuntahin ka pa ng UN Avenue. Pag take ng language 3 days wala kang natutunan pasado ka parin dahil sa 6500 na binayad mo.
Yan ang hirap na dinaanan ko bago makaalis.

Marilyn Simon Dami ay..jn ung khit gutom na pro need mo tapusin ung papers mo.sa med pa lng pahirapan.taz ang accdn nio ang liit lng prang sardinas na.daming hirap talaga.then pagdating sa pupuntahan d mo pa sure sitwasyon na dadanatnan...

Rosiete Vicente Rosalia 3am luluwaas na para makaabot sa eksakto oras at hindi pa nag almusal basang basa pag uwi hating gabi na dahil sa traffic.

Lhyn Oas Pagod hirap dami ko naranasan na hindi ko makakalimutan. Pabalik balik ka, gutom at sa sobrang traffic pag-uwi mo sa bahay waisted ka na.

Bhing Bhing Iyong mag hintay ka ng result na napakatagal halos buong araw ka naghintay tapos sasabihin sau sorry...

Jlc Ivy Mahirap kausap ang agency, pababalikin ka nila tapos wala pa namang updates. Bakit hindi na lang nila itext.

Iglupas Brian Dodong Hindi lang hirap sa pag apply, ang sirwasyon ng ofw mahirap

Christopher John Pasol Mahirap ngunit kailangan nating magtiyaga para makaalis dahil ang hirap ng buhay sa Pilipinas. Tumataas ang unemployment rate tapos ang baba pa ng sahod pero ang mga bilihin pataas ng pataas.

Don Aires KringCot Sa aking pag aaply bilang isang ofw po ay masasabi kong ginabayan talaga ako ng maykapal dahil lahat po ay nag simula sa maganda wala pong naging husle kaya nag papasalamat po ako ng marami yun lang ang nahing sabagal ay ung pag online at pag kuha ng oec at pag pila ng pag kadami dami pagod at stress sana po maayus ng ating gobyerno ang hirap at pag babayad ng mahal sa owwa ng ofw

Aima Santos normally pera po...sa mga needs na requirements.

Ji Mhe Ordonio Yong parteng magpaparegister ka sa POEA para maging ganap ka nang OFW.... dahil noong una talagang Hindi pa ganun kadami ang offices nila at kailangan mo pang bumiyahe talaga ng pagkalayu layo at kailangan mong dumating ng umaga at kailangan dala mo talaga ang complete documents at ang maabutan mo pang officer parang pinagkaitan ng tadhana ang ugali....yan ang mahirap na ginagawa ng mga OFW na tulad natin noon at sa panahon ngayon Aba nag put up ng mga satellites POEA sa mga SM pero Hindi pa din ganu kadami medyo kailangan pa din natin mag sacrifice... my suggestion is sana mag karoon ng online processing send na Lang natin ang mga documents na kailangan online then verify nila...... para wala na masyadong pahirap pa total pagdating sa airport may immigration naman na nag Che-check ng documents natin kung na accomplished natin or Hindi bago nila tayu paliparin....... yan lang po.

For more info please visit our official facebook page @ Radyo OFW


Read More »



Naranasan ninyo na bang may makisuyo sainyo? Ano ang ginagawa mo kung may nagpapadala saiyo ng "bitbit regalo" o bagahe pauwi o paalis man ng bansa?
  
Likas na sa ating mga Pilipino ang magpadala o makisuyo sa mga kaibigan natin o kakilala ng kaibigan natin na uuwi ng Pilipinas o kaya palabas ng bansa. Maraming kaso ng OFW na nalagay sila sa alanganin dahil sa bitbit nila. 

Narito ang mga sagot ng OFW sa ating Question of the Day:

Paola Julia Sanchez nakakatakot na ngayon kumuha ng padala ng iba madrug courier ka pa.  


Jenny Rose Ramos 2yrs ago sa Dubai airport mag asawa daw sila uuwi din daw ng Pilipinas. Nakisuyo sakin na kung pwede ko bitbitin iyong iba na lang dala kahit sa hanggang pag check in lang, naawa man ako kasi ng nagmakaawa sila sa akin pero hindi ko tinanggap. Sihin man na lang masama akong klasing kababayan pero ng iingat lang po ako para sa aking kapakanan dito sa ibang bansa wala kang ibang kakampi o aasahan kundi ang sarili mo lang.


Except po yong alam mo ang laman ng ipapadala sau.

Duday Hernandez Tumibay Minsan nasa swelas ng sapatos o tsinelas ang kontra bando mas mabuting wag nyo nang dalhin tabla tabla na, pasensyahan nalang alam naman nila siguro ang dahilan.
  
Aileen Malabad Make sure na Alam mo ang laman pero kung alam mo na ndi mo kita kung ano iyon never kang tatanggap.

Eso Nogulan Sa totoo lang galing kami Buenos Aires Argentina nag sign off kasama ko pinadala ko sa kanya dalawang box ang laman computer binigyan ko ng 150 dlrs incase na magka sobrahan sa bagahe okay naman nakarating din sa bahay ko na walang gasgas ang box.

Alice Glorioso Ako di ko tatanggapin kasi baka drugs basta bagahe ko lang mahirap tumanggap.sa totoo lang lalo at may connecting figth.

Honeymargie Balag Opo pero hindi po ako tumatangap ng padala nila mahirap po magtiwala.

Jesse Quiroz okey lang basta buklatin mo at tingnan, suriin ang nilalaman, ano ang big deal?

Boboy Fqj Magsakay Sorry di ko matatanggap if it's small envelop yes pero 1kgs no way sorry mga kabayan. This is individually vacation nothing personal.

Angie Magnaye Akoy walang dala maliban sa backpack.kaya ng makisuyo sila sakin sinabi ko nlng na "kaya eto lng dala ko kc tinatamad akong magbitbit, kaya pasensya na ha"

Romel Banan may karga pa ho ako kabayan sabay alis. Alam nyang over bagage sya ipilit pa nya, ako nga inisip ko yan. Di sana pina air freight na lang nya kesa istorbohin ibang tao

AR Fidel Nocum no way, malay ko kung ano ang laman ng pinabibitbit mo, kung may illegal  eh di yari ako kasi ako ang may dala.

Angel Albren Irallam Pag konti lang namn ok lang, wag lang lampas 1 kilo.. Meron kasi ganun eh kapag nagpadala grabe mas marami pa kaysa bagahe ko.

Pinya D. Pineapple Be assertive, balibad gyud, daghan nabiktima don't be another victim! 

Ayesha Fabroa Sorry marami ako dala.
Read More »

Ang buhay ng isang OFW ay hindi madali. Maraming pagsubok at hirap na kailangan suungin upang makamtan nila ang kanilang pinapangarap na buhay pag-uwi ng Pilipinas. Maraming Kababayan natin ang pinalad sa kanilang pangingibang bansa ngunit hindi rin mawawala ang iba umuuwing luhaan. May mga pagkakataon pa nga bangkay na silang umuuwi sa kanilang pamilya. 

Base sa kanilang mga sagot, sa Gitnang Silangan madalas  ay wala silang day-off. Kahit pa nasa kontrata ito, hindi pa rin nasusunod pero sa abot ng kanilang makakaya tinatapos nila ang kontrata. Ang iba naman buong kontrata hindi nakatikim ng day-off.

 Narito ang kanilang mga kasagutan:
Leorem Devera: Malaysia. 

1. Magsimba syempre kaso d ko naman nagagawa tuwing off day.
2. Window shopping and bonding with friends
3. Picnic po syempre magluluto ng paborito nating pagkain pinoy .
4.tapos ang pinakagusto namin libangan Ay maglaro ng bowling or magiingay sa Karaoke.


Pagsawa next plan naman sa beach kami, kasi yun lang naman po ung nagagawa namin dito sa ibang bansa yung magsaya para maibsan ang kalungkutan


Annie Gathalian Agni: Magluto ng Filipino foods, mag swimming at gumala. syempre maglibang, libangin ang sarili.

 Lourdes Shirakawa: Wala nasa bahay lang. Nakahiga

 Tin Sarmiento:  Magmuni muni ano ang pwede gawin para pagkakitaan. Walang oras magpahinga utak palang dami na trabaho iisip anu dapat gagawin sa mga sasunod na araw babasa ng peso sense usapan sa loob mga idea ng mga dpt gawin para sa pag iimpok.

Dorothy Salazar:  Gala galore at kumain.

Lynn Pangan Pascual: Makipag-usap sa aking pamilya, pagkatapos sa araw ng sweldo pupunta ng Batha sa telemoney para ipadala ang allowance ng pamilya.

Daniel Florendo: magtanim ng mga gulay maglinis sa kuwarto ,,maglaba..at kung ano ano pa na pweding gawin,,,,,,bago maglaro sa mga online games sa fb

Osmail Ditchon Mendoza: Tulog tulog lang para fresh uli sa work kinabukasan.
Irvin Bueno Cooronado: Depende sa lugar, yung mga lugar kagaya ng Dammam, Jeddah, Khobar, siguro nagagawa nila ang gusto nila. Madami kasing lugar eh nagba-bike ka lang, yari k na s Pulis, o kaya pag-tripan ka ng mga bata/teenager dito. Kung sasabihin paglilibangan during offs. Once -in-a-blue-moon lang yun, yun eh ngakayayaan mag swimming sa beach habang naghuhuli ng isda. About Videoke and gatherings, BAWAL. At saka it depends on the type of work you had here, pag barya lang ang kita, laging NGA-NGA, pagkakasyahin lang ang pera, na madami d2 dahil wala nga trabaho sa Pinas. Meron nga suweldo ay 700 Riyal lang. So paano mo magagawa yung naka indicate sa taas kung wala kng pera, kya madami dito hindi na lumalabas.
Ailyn Pandio Corpuz: Isa po akong domestic worker dito sa Saudi wala man lang ako day off kahit  one day sa loob ng 7years.  Hindi talaga pare-pareho ang kinalalagyan dito pero ok lang mabait nman mga amo ko. 
Erick Pana: Ang pinakamasap sa day off sa buong araw kausap ko anak ko at asawa ko mas gusto ko pa na ganun. Minsan pag kapag may pera bili ng damit na afford ng budget kakain sa kabayan restaurant sa Al-Khobar.

Tyra Jane: Dito sa Taif walang day-off, nasa bahay lang ako lagi. Kailangan kong magtyaga para sa kinabukasan ng aking mga anak.
Read More »

 8 Tri-Media Broadcasting Network
 new journey continues


RADYO OFW

Text: 0998-7661754
FB: www.fb.com/RadyoOFW
Twitter: @RadyoOFW
Instagram: @RadyoOFW
Live streaming: http://www.8trimedia.com/broadcast-live
Email: radyoofw@gmail.com

Another door of opportunity for me, another learning and experience to look forward to. Thank you Lord for always giving me a chance to enjoy life.

Read More »

Ads2