Ano ang mga Pinagdaanan mong Paghihirap sa Pag-apply para Maging OFW?



Ano ang mga pinagdaanan mong paghihirap sa pag apply para maging OFW? May suhestiyon ka ba para maiwasan ito?

 Narito ang mga naranasan ng ating Bagong Bayani bago sila umalis papunta ng ibang bansa:

Erwin Bernal Novero Issue sa height, ang qualification ay atleast 5’6 ang taas ko ay 5’5 lamang. Sa 100 na aplikante, 5 lamang ang kailangan. May mga ilan na nawalan agad ng pag asa sapagkat hindi tugma ang height nila at umuwi na lamang. Pero ako naniwala ako na kaya ko lampasan ang qualification kahit pa 5’5 ako, ang ginawa ko may malapit na mall sa agency agad akong bumili ng sapatos na may mataas ang swelas. Kaya nang sumalang ako sa interview, hindi naging hadlang ang height ko.. Sa 100 na aplikante, sinewerte ako na matanggap kasama ang 4 pang aplikante. Tiwala sa sarili at gabay ng diyos ang aking puhunan.. Hope u learned something sa akin na always think positive. “It’s better to try than wonder”.

Aqua Amors Madi noon mgaaply ako
-pila wla maupoan
-gutom at pagod kc dami nilalakad noon tulad noon mgapply ako pa middle east pero un alaka ko na hind magyayari sakin noon ntapos ko ang contracta ko sa middle east ganon rin pala kahit ex -abroad ka ganon rin madami hirap lalo na una ko dto sa hongkong minalas malas pa ang gatos mo ng apply dto sa hongkong na maabot sa 100 k dahil d ka pinalad sa amo ang maibabalik lang n pera sau 10 k lang tapos papamermahin kapa na wla ka na habol kc naibigay na nila ang 10k ng agency ko inap layan..

Mharjie Biaco Mahirap talaga maging ofw sa pinas pa nga lng sa dami ng documents nilalakad enterview. Training pa kung first timer ka pedus owwa medical tapus pagdating mo sa bansang patutunguhan mo mamalasin kapa sa amo.

Bain Uming pgkuha ng mga ducument pbalik bik pila nauubusan ng time kgya ng Pagkuha ng NBI CLEARANCE PASSPORT

Amme Rellat halos lahat ng processing napakahirap lalo n pagdating dito s amo lalong napkhirap naranasan na nga ang gutom sa pag-apply lalo na dto sa Amo gutom hirap, puyat, lungkot, dito ko naranasan masaktan at tratuhin parang aso tira ang ipapakain alang alang sa mga anak titiisin.

Zandro Yaoto
Madami tulad ng local ducument & passport &  pinaka kailangan mong lusutan ang employer interview at exam at tradetest. At ang huli medical.

Gilbert Jaranilla medical. Mahaba ang pila at pinapaulit ulit kahit na wala naman sakit.

Betty la Pia Pagkuha ng passport

Florante Bonzo Ang placement fee ay mataas.

May Dy Pagkuha ng passport. Iyong time na pumupunta pa sa likod ng DFA para pumila ng napakahaba. Ikaw na ang nasa counter para magpasa ng requerment bigla lang sasabihin na kulang pa ang mga documento mo. Sabi sa list na binibigay nila un ang dalhin. Sa POEA daming clinic na ipapasok ka para sa check up. Ang dami naman sa Ortigas papupuntahin ka pa ng UN Avenue. Pag take ng language 3 days wala kang natutunan pasado ka parin dahil sa 6500 na binayad mo.
Yan ang hirap na dinaanan ko bago makaalis.

Marilyn Simon Dami ay..jn ung khit gutom na pro need mo tapusin ung papers mo.sa med pa lng pahirapan.taz ang accdn nio ang liit lng prang sardinas na.daming hirap talaga.then pagdating sa pupuntahan d mo pa sure sitwasyon na dadanatnan...

Rosiete Vicente Rosalia 3am luluwaas na para makaabot sa eksakto oras at hindi pa nag almusal basang basa pag uwi hating gabi na dahil sa traffic.

Lhyn Oas Pagod hirap dami ko naranasan na hindi ko makakalimutan. Pabalik balik ka, gutom at sa sobrang traffic pag-uwi mo sa bahay waisted ka na.

Bhing Bhing Iyong mag hintay ka ng result na napakatagal halos buong araw ka naghintay tapos sasabihin sau sorry...

Jlc Ivy Mahirap kausap ang agency, pababalikin ka nila tapos wala pa namang updates. Bakit hindi na lang nila itext.

Iglupas Brian Dodong Hindi lang hirap sa pag apply, ang sirwasyon ng ofw mahirap

Christopher John Pasol Mahirap ngunit kailangan nating magtiyaga para makaalis dahil ang hirap ng buhay sa Pilipinas. Tumataas ang unemployment rate tapos ang baba pa ng sahod pero ang mga bilihin pataas ng pataas.

Don Aires KringCot Sa aking pag aaply bilang isang ofw po ay masasabi kong ginabayan talaga ako ng maykapal dahil lahat po ay nag simula sa maganda wala pong naging husle kaya nag papasalamat po ako ng marami yun lang ang nahing sabagal ay ung pag online at pag kuha ng oec at pag pila ng pag kadami dami pagod at stress sana po maayus ng ating gobyerno ang hirap at pag babayad ng mahal sa owwa ng ofw

Aima Santos normally pera po...sa mga needs na requirements.

Ji Mhe Ordonio Yong parteng magpaparegister ka sa POEA para maging ganap ka nang OFW.... dahil noong una talagang Hindi pa ganun kadami ang offices nila at kailangan mo pang bumiyahe talaga ng pagkalayu layo at kailangan mong dumating ng umaga at kailangan dala mo talaga ang complete documents at ang maabutan mo pang officer parang pinagkaitan ng tadhana ang ugali....yan ang mahirap na ginagawa ng mga OFW na tulad natin noon at sa panahon ngayon Aba nag put up ng mga satellites POEA sa mga SM pero Hindi pa din ganu kadami medyo kailangan pa din natin mag sacrifice... my suggestion is sana mag karoon ng online processing send na Lang natin ang mga documents na kailangan online then verify nila...... para wala na masyadong pahirap pa total pagdating sa airport may immigration naman na nag Che-check ng documents natin kung na accomplished natin or Hindi bago nila tayu paliparin....... yan lang po.

For more info please visit our official facebook page @ Radyo OFW


Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

Ads2