Ako po si Ms. Susan Vergara, dating ordinaryong OFW. Anak ng magsasaka sa probinsya, lumaki na hindi po nakapag graduate ng kahit na anong course.
Galing ako sa Amman Jordan, umabot po ako ng apat na taon sa pagtrabaho sa boss ko. Sa apat na taon kong tinagal sa kanila nagpaalam akong magbakasyon at pinayagan naman ako. Ngunit naiba ang plano ko pagdating ko sa Pilipinas, niyaya ako ng Ate ko na mag business na lang sa Pier North Harbour. Nagtayo kami ng canteen. Maganda naman ang kita dahil weekly ay sigurado na ang bayad ng mga customer, karamihan kasi ay regular, ngunit nahirapan ako na may kasosyo, minabuti ko pong aralin ang business na mag isang tumayo kaysa naman bumalik pa ako sa abroad. Naranasan ko kasi na kaya palang kumita na madouble ang income ko sa abroad.
Mula 2008 up to 2009 marami akong sinubukan na business, nag buy and sell ako ng mga damit, naglagay ng sari sari store, nag bigasan din, ngunit dahil siguro sa common nang negosyo ito hindi ganun kalakihan ang kinikita ko di katulad ng nasa pier pa ako. May nag-alok sakin na magbusiness sa Agriculture ng isang kaibigan, sabi niya patok ngayon ang mga produkto sa Organic Farming and Livestock, kaya naman binigyan nya ako ng idea ng products, sabi sakin subukan ko lang muna at mag umpisa lang ako sa maliit na halaga.
Sinunod ko ang payo dahil sa totoo lang ay ayaw ko na talagang bumalik pa sa abroad, nararamdaman ko kasi na mas mahirap na naman kasi mag adjust ako ng subra subra hindi katulad noong first time na may kasamang excitement ang paglabas ko ng bansa. Sa madaling salita nag start ako mag distribute ng products na organic para sa farming and livestock, maliit lang inumpisahan ko halos 20,000 lang.
Makalipas ang ilanga buwan ay dumadagsa na ang mga buyers ko, napag aralan kong papatok talaga sya, hanggang lumipas po ang taon ay libo na ang mga user ko ng products at hanggang dumating na sa international na ang market ko, Sa ngayon po ay nagdagdag na ako ng puhunan sa mga products na yong kinita ko rin sa pagbenta ko ay sya ng pinapaikot ko, nilakihan ko na ang puhunan ko halos mahigit 300k na, at katunayan lumalabas na uli ako ng bansa para bisitahin ang mga business partners and user ko na mga urban gardener at mga user ko na mga ofw para sa kanilang mga farming, 5 times na po akong lumalabas ng Hong Kong para pormal na mag conduct ng seminar sa business and organic farming.
Ngayon po ay nakabili narin ako ng 2 hectare na palayan, nakakatuwa po dahil sarili ko na ang aking sasakahin hindi na lamang ang pang pamilya naming sakahan. Nitong nakaraang sept 10, 2017, ay nakasama ko po ang mahit 220 na mga OFW dahil nagkaroon po kami ng paligsahan sa Organic Farming. Napakasarap pala ng mayroon kang na achieved sa mga gusto mong gawin sa buhay, malaking opportunity naman sa akin ang pagiging OFW ko, dahil ito ang nagbukas sa akin ng pintuan para magkaroon ng ganitong opportunity.
Nais ko itong ishare para sana po sa magbabasa ng aking kwento nakapag impart po ako nang kahit kaunting idea sainyo. Napakaganda po ang business sa agriculture, "sa agrikultura meron talagang pera". Sana din po sa mga pamilya natin sa pilipinas, ay maunawaan po sana natin ang kalagayan ng ating mga mahal sa buhay na nangingibang bansa para lang po magkaroon tayo or matupad nila ang mga pangarap natin, gamitin po natin sa tama at pahalagahan ang mga perang pinapadala po sa atin, ganun din po ay sikapin natin na matulungan sila para makasama na natin, napakasarap po ng buo at kasama natin ang ating mga mahal sa buhay.
Maraming salamat po, Good luck po sa ating lahat!
Mabuhay ang lahat ng OFW sa buong mundo
For more info please visit Ms. Susan Vergara Facebook
More inspiring story of OFWs here Dating Buhay ng OFW Facebook Page