Showing posts with label Rally. Show all posts
Showing posts with label Rally. Show all posts
One Million March @ Luneta Park
Early morning scene
with Ms. Grace (UP professor) doing Babaylan ritual
the 4 element
Ofw protesters
unexpected bulk of protesters
the PEBA volunteers together with sir Lito Soriano of LBS
United PEBA
PEBA and LBS Ladies
Signing of the petition #scrap pork barrel now
Be Honest
Cabalen Restaurant @ Robinson Manila
Gabi palang nakahanda na ang mga dadalhin ko sa "picnic" sa Luneta. Paggising ko sa umaga, tinulungan ako ni Ate sa paghahanda ng sandwich na nilaan ko sana para sa mga volunteers ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA) pero since ang daming dalang pagkain ni Sir Lito Soriano of LBS hindi ko na nailabas ang bitbit. Sa pag uwi namin doon ko nalang pinamigay sa mga bata lansangan . Ang PEBA ay isa sa active na nanawagan sa mga OFW para magparticipate kahit na nasa malayo sila sa pamamagitan ng social media.
Nanariwa sa akin ang alaala noong nag-aaral pa ako sa PUP. Madalas nagpaparticipate ako sa rally lalo na sa pagtaas ng tuition fees. Noon umalis ako ng bansa, kinalimutan ko na ang pagsali sa mga
aktibidad sa kalsada. I've done my part during early years, I don't want to endure again the misery/pain of not being heard when for the fact what you cried for were for the goodness of others. Kahapon, bumalik ako sa kalsada ngunit hindi dahil makakaliwa ako ngunit gusto kong sumuporta sa laban ng OFW kontra pork barrel. Ilang kaibigan ko ang nagtext sa akin, against ka na naman ba sa gobyerno? Hindi ako kontra sa gobyerno, at kung magkakaron ng panawagan para patalsikin si Pres. Noynoy hindi ako pupunta. Madami siyang nagawa na maganda at hindi pa rin nawawala ang tiwala ko sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas.
Sumali ako sa Babaylan Ritual kahapon sa pangunguna ng UP professor even had a chance of being interviewed by channel 5. Nakakapanibago na ang mga aktibista ngayon, very vocal na sila "LOUD and OUT". Dati, makikita lang namin sa lansangan iyong talagang makakaliwa pero kahapon sa aking obserbasyon naging family picnic ang nangyari. Kahit mga bata kasama ng kanilang magulang sa kanilang martsa sa Luneta.
Ang daming personalidad na pumunta andyan si Willy Revillame, Lozada, former chief justice Renato Corona, Winnie Monsod, Gloria Diaz, former senator Nikki Coseteng, Leo Martinez, at madami pang iba. Lahat naman naging maayos ang pagtanggap maliban kay CJ Corona. The protester boed him kaya napilitan nalang siyang umalis sa pagtitipon.
Sa pangkahalahatan naging mapaya ang rally, may disiplina ang bawat grupo (walang nagkalat na basura) o naghasik ng dahas. Naging matiwasay, kantahan, paglabas ng hinaing, at sayawan.
Makiisa
Sa darating na Lunes, idaraos ang Martsa sa Luneta ito ay ating pagpapahayag na iabolish ang pork barrel ng mga pulitiko. Isa ako sa dadalo sa pagtitipon na ito. Madami akong gustong sabihin at ihayag na sentimiento ngunit hindi pa hinog ang panahon. (baka makasuhan pa ako) hahaha! Dekada na ang lumipas ng huli akong sumigaw sa kalsada. Kinalimutan ko na ito, dahil naniniwala akong hindi ang pagsigaw sa kalye ang solusyon sa problema subalit muling nabuhay ang aking dugo nitong mga nakaraang Linggo dahil sa walang pakundangan na paglapa ng mga "higanteng linta" sa pondong dapat nasa mahihirap nating kababayan.
Dumaan ang Habagat, ang bagyong Maring, dito muli kong nakita kung gaano kakapos ang ating bansa, kung paanong ang mahihirap ay pikitmatang sumasaya sa relief goods na nakukuha. Hindi dapat ganito, kung napupunta sa tama ang bawat salaping binabayad sa buwis.
Sa mga pupunta, konting ingat po. Magsasama sama tayo hindi para pabagsakin ang gobyerno kundi isa ang layunin natin, papanagutin kung sinu man ang buwayang kumamkam ng salapi na dapat mamamayan ang nanginginabang.
Subscribe to:
Posts
(
Atom
)

















