One Million March @ Luneta Park

 Early morning scene

 with Ms. Grace (UP professor) doing Babaylan ritual

 the 4 element

 Ofw protesters

unexpected bulk of protesters

 the PEBA volunteers together with sir Lito Soriano of LBS

 United PEBA
 PEBA and LBS Ladies

 Signing of the petition #scrap pork barrel now



 Be Honest


Cabalen Restaurant @ Robinson Manila

Gabi palang nakahanda na ang mga dadalhin ko sa "picnic" sa Luneta. Paggising ko sa umaga, tinulungan ako ni Ate sa paghahanda ng sandwich na nilaan ko sana para sa mga volunteers ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA) pero since ang daming dalang pagkain ni Sir Lito Soriano of LBS hindi ko na nailabas ang bitbit. Sa pag uwi namin doon ko nalang pinamigay sa mga bata lansangan . Ang PEBA ay isa sa active na nanawagan sa mga OFW para magparticipate kahit na nasa malayo sila sa pamamagitan ng social media. 

Nanariwa sa akin ang alaala noong nag-aaral pa ako sa PUP. Madalas nagpaparticipate ako sa rally lalo na sa pagtaas ng tuition fees. Noon umalis ako ng bansa, kinalimutan ko na ang pagsali sa mga 
 aktibidad sa kalsada. I've done my part during early years, I don't want to endure again the misery/pain of not being heard when for the fact what you cried for were for the goodness of others. Kahapon, bumalik ako sa kalsada ngunit hindi dahil makakaliwa ako ngunit gusto kong sumuporta sa laban ng OFW kontra pork barrel. Ilang kaibigan ko ang nagtext sa akin, against ka na naman ba sa gobyerno? Hindi ako kontra sa gobyerno, at kung magkakaron ng panawagan para patalsikin si Pres. Noynoy hindi ako pupunta. Madami siyang nagawa na maganda at hindi pa rin nawawala ang tiwala ko sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas. 

Sumali ako sa Babaylan Ritual kahapon sa pangunguna ng UP professor even had a chance of being interviewed by channel 5. Nakakapanibago na ang mga aktibista ngayon, very vocal na sila "LOUD and OUT". Dati, makikita lang namin sa lansangan iyong talagang makakaliwa pero kahapon sa aking obserbasyon naging family picnic ang nangyari. Kahit mga bata kasama ng kanilang magulang sa kanilang martsa sa Luneta. 

Ang daming personalidad na pumunta andyan si Willy Revillame, Lozada, former chief justice Renato Corona, Winnie Monsod, Gloria Diaz, former senator Nikki Coseteng, Leo Martinez, at madami pang iba. Lahat naman naging maayos ang pagtanggap maliban kay CJ Corona. The protester boed him kaya napilitan nalang siyang umalis sa pagtitipon. 

Sa pangkahalahatan naging mapaya ang rally, may disiplina ang bawat grupo (walang nagkalat na basura) o naghasik ng dahas. Naging matiwasay, kantahan, paglabas ng hinaing, at sayawan. 

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

Ads2