Sa matagal na pagkakakulong,
Nalanghap ang paglaya,
Ngunit pagkampay ng pakpak,
Hindi na alam, hindi na tiyak.
Paglipad nakalimutan,
Kaya sa baba bumabagsak,
Ikampay man ng husto,
Madaling manghina at lumagapak .
Dating lipad na mas mataas pa sa saranggola,
Ngayon walang lakas na makuha,
Mga kuko nakakapit lang sa sanga,
Tkot na takot at nag-aalala.
Ngunit sasanayin ang sarili,
Kailangan maging matapang katulad ng nakakarami,
Pag-asa man kahit patay sindi,
Yayakapin ang paglaya ng walang pag-aatubili.
Mga kapwa ibon minsa'y naiirita,
Kanilang kaway nababalewala,
Dahil ang tigas ng ulo, pinamumukha,
Ayaw makinig kahit pa nadadapa.
Nakagapos ang paa sa alaala,
Panghihinayang nasa puso pa,
Gustong tuldukan at mag-apura,
Ngunit nalilito at nanghihina.
Isang ibon ang umaaligid,
Nakagabay at sa braso daw niya kumapit,
Subalit pag-ibig hindi nya makakamit,
Dahil kahit kanino ayaw sumandig.
Mag-isang babatahin ang lahat,
Muli mang malugmok,
Tatayo ng kasing tatag,
Aahon sa putik, lilipad ng mataas.
12 Share your thoughts
bhing,
oyyyyyyy gustong lumaya di makalipad...
kayanin mo at labanan mo at alam ko kaya mo yan pag malampasan mo siguraduhin ko isa kang rockets paglumipad at bagsak ka sa gitnang silangan kung saan naghihintay ang mga masagana mong buhay (SERIOUS YAN)
Ching
@ching, matutu dn ako lumipad, teka bgyan mo nlng kaya ako ng langis...para libre ang paglipad sa madaling araw, pag bilog ang buwan...
tnx ching!
regrds sa fmily mo...
ang daming hinagpis ng ibong ito!
masarap lumipad sa kalawakan.. masarap makipaghabulan sa mga kapwa ibon.
umalis ka sa sangang iyan.. dadating ang panahon may puputol ng kahoy na yan para ibenta. baka lumagapak kang bigla sa lupa...
ayun naman pala at may ibong aali-aligid, bakit ayaw mong sumandig? di naman siguro sya nagpapabayad sa pagsandal mo... ok lng un...
nga pala.. baka umulan... mahirap sa sanga. sisipunin ka....
@ azel, iba ka tlga! yaan mo na muna ung na ung sanga. wla p nmn ung magkakaingin eh, so pwd p ako magstay.
sinisipon ba? baka my bird flu na...
tnx for being a gud frnd!
wow...ate bhing kaya mo yan...basta lagi mong tandaan nadito lng kami kahit anong mangyari nand2 lng talaga kmi..kasi hindi kmi pweding nanjan eh..he he he...
@brexx, salamat! sama-sama lng, tuloy ang laban!
napakalawak ng sakop ng tula...
di ko alam kung pag-ibig, pamilya o kaibigan ang tinutukoy mo...
ang laaaaaaalim.
hehehe...
pero para saan man yan, magiging ok din ang lahat.
@kosa, malawak nga hndi ko rn alam san ang tumbok(lolz)...
tnx!
malaya ka naman lumipad kaw lang ang may gsto na nakakulong..hehe
@kuya len, yeah malaya nga ako pero hndi ko pwd ikampay ang pakpak ng ganun kadali...
it takes time...
bhing,
kailan mo ba ikampay ang pakpak mo? hahaha. di nga madali makulit kasi ang isa hehehe....
ching
@kuya ching, pagdating ng tamang panahon(lolz)!
"di pa cguro bukas, d pa rn ngyon, malay mo balang araw dumating dn un"