Hanggang Kailan?

Isipan ay naglalakbay sa alaala ng nakalipas,
Madaming gustong sagutin ngunit sadyang kumakaripas,
Kaway ng isang anino gustong isipin na malas.

Sa gilid ng kwarto nagmumukmok sa pangungulila,
Pait ng kahapon hindi maisara, pilit na bumubukas pa,
Sinisilip ng pagkukunwaring saya.

Mas domodoble ang hinagpis sa gabing nag-iisa,
Hinahanap yakap ng taong nakasama,
Iniisip,sumasayaw sa maharot na musika.

Dantay ng kamay parang magnetismo,
Dinadala sa alapaap, pakiramdam nagbabago,
Naigupo muli ng sariling pagkalito.

Hanggang kailan huhugutin ang punyal na nakatarak?
Nanlalatang katawan pilit pa rin lumalaban,
Pag-asa muling pinanghahawakan.

Hanggang kailan kakayanin tumawid?
Sa makitid at marupok na lubid,
Sa daang puno ng hinanakit.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

12 Share your thoughts

hangga't hindi mo natatanggap ang mga pangyayaring masaklap
hangga't hindi pinapakawalan ang baho ng hanging nilanghap
hangga't hindi mo minamasdan ang maliwanag na alapaap
hindi mawawala ang hinagpis ng puso mong umiiyak!!!

let go ate bhing!
let go...

hanggat hindi mo kakainin ang burger kong pinadala.....

di mawawala ang hinagpis na poot sa iyong puso....at itoy magdudulot lang ng walang kapayapaan sa iyong buhay....

kainin mo na kasi ang burger para matikman mo ang kasarap sarapan burger sa gitnang silangan....

ching

ps.... burger ni dodong namin yan..

hahahhahahhaha


ching

@ azel, tama lht ng sinabi mo...

let go, pero bakit ang hirap,napakahirap!(huhuhu)

@ching, maloko ka tlga mag isip cla ng kung anu jn....bleeeh!


salamat sainyo!

You should not dwell on the past but rather take whatever is there at present and move with your life toward the future.

Life is Beautiful, please never forget to smell the flowers.

A blessed Tuesday morning.

walang mahirap dun ate bhing kung gugustuhin mo. lahat tayo nasasanay sa mga bagay-bagay... pero isipin na lang natin na dati naman wala ang bagay na yun pero nakaya nating mabuhay...

alam ko mahirap ung process dahil maraming dapat gawin, madaming "divisions" na mangyayari. pero kung gusto mong maging happy, it should not always YOU who will work for it! dapat dalawa kayo! at kung nasasaktan ka na ng sobra... at sa tingin mo talagang dapat ng tuldukan... gawin mo.

masarap maging masaya... tama si kuya george... smell the flowers!!!
tingnan mo ako.. lagi ko inismell ung flowers dito sa dubai! lolz!

@ the pope, life is beautiful!

@azel sa dami ng sinabi mo ung last ang nagtatak sa isip ko...lol!

hindi kuna binasa...kc alam about na naman sa pusong nakagapos hehehe...go go go ate bheng...


isa hindi mo man lng ako binati..hmm

puno ng pag-ibig dito,hehe

ganda ng tula... :) kip it up.

@ rodel, happy bday! binati nmn po kita! gudluck sa career!tnx nakilala kita. kht sa net lng i can fel ur sincerity.

@hari ng sablay, puno b ng pag-ibig? hndi nmn yta, pusong tanga lng cguro kht alam nmn n ang sagot ngtatanong p rn...

salamat!

depende sayo yan kabayan!

pwedeng forever...
o di naman kaya ay
hanggang kaya mo...

ingiti mo lang..

@ kosa, sige daanin lng ntin sa ngiti...


tnx sa lahat tlga, highly appreciated lhat ng inspiring words nyo. kht hndi nyo alam ang pinagdadanan ko, nakaktaba ng puso namalaman kong madaming ngmamahl sa akin kht sa net lng.

tnx a lot!

Ads2