"MILYA ANG NILALAKBAY LAHAT SINUSUONG,
PAGSUBOK KINAKAYA, PAG-ASA SINUSULONG"
Mga Palaisipan:
Tama bang desisyon ang mangibang bansa?
Paano ang pamilyang pansamantalang 'di makikita?
Daang tatahakin, ito ba'y landas ng pagbabago?
Propesyon isasantabi, tama ba o wasto?
Mga Hamon:
Mataas na broker's fee pikit-matang tatanggapin,
Ari-arian isasanla, bahay o maging bukirin,
Kahit pa mabaon sa tubo pilit iisipin,
Sa ibang bansa, matutupad mga hangarin.
Impit na pag-iyak sa paglisan,
Dala-dala'y panibugho sa pupuntahan,
Sa takot sanay 'wag maigupo, mapagpalabanan,
Ito ang hamon na napakahirap malampasan.
Ibat-ibang disenyo ng tao ang pakikisamahan,
Tradisyon at kultura malayo sa nakagisnan,
Wikang banyaga, panibagong pakikipagsapalaran,
Kinukutya ng pag-iisa at bagwis ng kalungkutan.
Minsan kapalaran 'di nakikiayon, daan napakakitid,
Sa paanan nakahilera gabundok na balakid,
Trabaho'y napakahirap, amo pa'y sobrang lupit,
Panaghoy ba'y maririnig, daing ba'y masasambit?
Ang liwanag minsan din sadyang nagdadamot,
Katawang napapagal at nauupos,
Sa matinding homesick, luha'y umaagos,
Pananabik sa pamilya sa konting pang-unawa mamamalimos.
Subalit sa gitna ng mga dagok at pagsubok,
OFW hindi susuko at taas noong titindig,
Pagka Pilipino ipapakita kahit ang daming balakid,
Sa Poong maykapal aasa at sasandig.
Pag-asa:
Magandang bukas maibibigay sa pamilya,
Anak makakapag-aral, buhay ay mapapaganda,
Sa magulang makakatulong, mga kapatid mapapasaya,
Sa lipunan may ambag at mabuting gawa.
OFW pag-asa ng bayan, handog sa mundo,
Ekonomiya'y iniaangat at nagbibigay saklolo,
Bansang nakalugmok parte kami ng pag-asenso,
Basta para sa bayan, OFW magsasakripisyo.
13 Share your thoughts
bhing,
tadhana di nakapagsabi ngunit ofw jan ka pinagpala...
OFW pareha ang ating minimithi sa hamon ng buhay kailangan lang maging matapang...
ofw ako at ito ang landas ko kaya nasa tama desisyon ako....
ching
tnx ching!
wlang nagkakamali pag ang ginagawa para sa pamilya...
mabuhay taung lahat!
pinag mamalaki ko isa akong OFW pag asa ng pamilya at bayan!!!
ingat ka!
Thank you for joining PEBA Ate Bhing.
Alam kong living proof ka ng sinulat mo! halata kaseng hinugot sa PUSO ang pagkakagawa ng tula...
at ang video... error pa rin saken :( mamaya ko papanoorin sa haus...
Goodluck!!!
@len, ipagmalaki ntin OFW tau...
@ azel, salamat dn sa PEBA comitee kc tinaggap nila entry ko.
gudluck sa ating lahat!
naiyak ako sa photos, taken ba yun sa NAIA?
Maganda ang theme mo for the entry sa peba, it reflects reality of OFWs tunay na bayani !
@ francesca, tnx a lot! gudluck sa atin!
Another great entry, purihin ka Bhing sa pagbibigay pugay sa mga migranteng Pilipino.
Humgaha ako sa iyong ginawang video na naglalarawan sa mga tunay na kwento ng buhya ng mga OFW.
@Pope, tnx sa inspiring words!
really appreciate it.
San man tayo pumaroon hanggat may buhay at may kakayahan iaalay natin para sa ating mga mahal sa buhay...
@ seaquest, tama po kau bsta para sa ating pamilya wlng imposible, lht ggawi ntin...
salamat!
hi ate bhing pa comment naman dito sa gitna
mabuhay lahat ng OFW
magtitiis para sa ikabubuti nlng kinabukasan ng kanilang mga mahal sa buhay
POWER HUG!
Sa desisiyon na mangibang bansa ay depende sa pangangailangan mo at ng iyong family. Second kung ito ay napagkasunduan nyong mag asawa. Para sa may asawa.
It worth decision kapag nakamtam mo ang objective mo sa family.