Showing posts with label My Own Tagalog Poems. Show all posts
Showing posts with label My Own Tagalog Poems. Show all posts
Naligaw
Lumakad ng matulin,
Sa kalsadang madilim,
Ang isip lumulutang,
Sumabay sa takipsilim.
Naligaw ang aba,
Sa kaway ng bida,
Sinuong na kalsada,
Kontrabida ang may gawa.
Ligaw na Alaala
Biglang kinalabit ng lungkot.
Ang diwang naglilimi-limi,
Pinapalingon, ngunit pilit nilalabanan,
Ang dikta ng malumbay na awitin.
May naalala,
May gustong sambitin ang mga labi,
Piping sigaw ang pangalan mo,
Ngunit di pagagapi o kaya'y patatalo.
Buntong-hininga,
Nababagot,
Nalulungkot.
Tinitingnan sa gilid ng silid,
Ang iyong obra,
Ang larawang masaya.
Subscribe to:
Posts
(
Atom
)

