Latak



Bakit hindi ka bumibitaw?
Bakit hindi iniiwanan?

Sa bawat yapak sa tahanan,
Isang bakas ang pinaparamdam,
Pag-asa muli mong ikinikintal,
Sa larong ikaw ay sanay.

Bakit hindi na lang pabayaan?
Bakit pilit sinasabi na maunawaan?

Maglakad ka ng diretso,
Ang paglingon kalimutan ito,
Para isang patak ng luha,
Ang itatapat lang saiyo.

Isa ba pang pagkakataon?
Isa pa bang pagkukunyari?

Dahan-dahan na gumapang,
Maingat na naisakatuparan,
Ang plano walang palya,
Ngunit ang nasa Itaas nakakakita.

Paano nasakop ang sistema?
Paano buburahin ang mga alaala?

Ang anay nagmumukhang Diyosa,
Abot tenga ang ngiti at tawa,
Halakhak nakakagimbal,
Boses tuksong kumakaway.

Ilang beses kailangan magbilang?
Isa, dalawa tatlo o limang segundo?

Panlilinlang gawa ng isang sadista,
Isip pinasok ng makasariling pantasya,
Puso nalusaw, nadaya at namanipula,
Sa harot ng sayaw ng Magdalena.

Latak itong maituturing,
Tira-tira kung tawagin,
Latak na kikitil,
Sa kapwa salarin.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

11 Share your thoughts

wow galing ng tula ano ba talaga ang latak na ayaw bumitiw..ano ba ang naka sanayan mo?...haha ingatzz!..

@ kuya lenz, imahinasyon lng yan...

matindi na yan latak kahit chlorine di kayang tangalin.... hmmmm ano ba talaga?????

lutuin nalang kaya sa asupri hahahha.... galing mo talaga idol talaga kta....

isa kang latak sa utaks ko.....

ching

@ kuya ching, salamat kc sa bawat tulang ginagawa ko hndi mo nakakalimutan mag iwan ng komento...

happy father's day sau!

Bravo.

Walang kupas talaga ang husay mo sa paggawa ng tula.

Ano ba yang latak na yan? Tila kalawang na hindi ko maunawaan, o isang bawal na gamot na nakakapit sa isip.

A blessed Saturday to you.

@pope salamat!

latak ay ang kalawang na sumisira sa magndang pagsasama....

ganda ng latak...malalim at matalas ang diwa.

wowww.. klap klap kalp..ang husay mo talaga ate bhing...

dinaanan lng kita busy ksi..


brixxx

@everlito,salamat sa dalaw at papuri...

@brexx, maglagay k n ng entry sa page mo para may mabsa n rn kmi...

salamat!

ang galing talaga ni ate bhing ang lalim ng pinanggagalingan ng latak na yan ah

harot ng sayaw ng Magdalena.
ang tarush naman

ahahahahahaha

great job!

keep it up!
POWER HUG!!!!!!!

@ emel, salamat!

wow, my blog kn rn!

welcome!

Ads2