Sa darating na Lunes, idaraos ang Martsa sa Luneta ito ay ating pagpapahayag na iabolish ang pork barrel ng mga pulitiko. Isa ako sa dadalo sa pagtitipon na ito. Madami akong gustong sabihin at ihayag na sentimiento ngunit hindi pa hinog ang panahon. (baka makasuhan pa ako) hahaha! Dekada na ang lumipas ng huli akong sumigaw sa kalsada. Kinalimutan ko na ito, dahil naniniwala akong hindi ang pagsigaw sa kalye ang solusyon sa problema subalit muling nabuhay ang aking dugo nitong mga nakaraang Linggo dahil sa walang pakundangan na paglapa ng mga "higanteng linta" sa pondong dapat nasa mahihirap nating kababayan.
Dumaan ang Habagat, ang bagyong Maring, dito muli kong nakita kung gaano kakapos ang ating bansa, kung paanong ang mahihirap ay pikitmatang sumasaya sa relief goods na nakukuha. Hindi dapat ganito, kung napupunta sa tama ang bawat salaping binabayad sa buwis.
Sa mga pupunta, konting ingat po. Magsasama sama tayo hindi para pabagsakin ang gobyerno kundi isa ang layunin natin, papanagutin kung sinu man ang buwayang kumamkam ng salapi na dapat mamamayan ang nanginginabang.