Pinukaw na damdamin sa tamis ng dila nadala,
Pangakong sa puso, iingatan, 'di maaangkin ng iba,
Habang nabubuhay, iibigin, magsasama,
Kapit kamay bukang liwayway haharapin na may pag-asa.
Kalayaan binigay pati pagtitiwala,
Hinayaan maabot ang pangarap na malaya,
Kalinisan ng pagkatao saiyo ipinakita,
Upang pagharap sa unos 'di bara-bara.
Pag-ibig na pinalago, pinagyaman iyong dinispatsa,
Matibay na pundasyon ng moralidad, natibag , nasira,
Inisip mo'y sariling kaligayahan at pagpapahalaga,
Paano na ang puso'y saiyo umasa?
Matalim na punyal,tumarak sa dibdib sakit nadama,
Malalim na sugat, namanhid ang katawan, lumabo ang mga mata,
Milyang layong iyong tinahak, daan pabalik naligaw ka,
Sa ibang pugad nakatulog, nakalimot at nagpakasaya.
Nakalugmok na sarili 'di makabangon, nagluluksa,
Saan nagkamali sa isipan gumagambala,
Lahat binigay gabundok na pang unawa
Ngunit dinayang pag-ibig saiyo ang napala.
Madalas sarili nagmumukmok muntik pang maloka,
Minimithing kaharian,'di mapasyalan, madaming gwardya
Inakyat na hagdan limitado sa pag tanggap ng bisita,
walang magagawa kundi ang saiyo tumingala.
Matayog na tore, antigong gusali doon ka dinala,
Karangyaan nalasap, inambisyong sa itaas nababagay ka,
Kaya tingin mo sa baba mabahong basura,
Nalunod ka sa makamundo at hiram na ligaya.
Kapalaran sadyang kay hiwaga,
Malakas na bagyo kastilyo mo'y naitumba,
Bumagsak sa ibaba, yumukod muli sa lupa,
Pati pader na pagitan, sa isang kisap mata nagiba.
Paa mong nasanay sa marmol, nakaapak muli sa lupa,
Muling bumalik sa dampa kung saan ka nagmula,
Sa dating tahanan ika'y nagmakaawa,
Ngunit sa tagal ng pinaghintay, pagmamahal nawala.

8 Share your thoughts
maligayang puso... bawal mapagod. :D
@ empi, baka ang puso niya ang mapagod sa akin. haha!
happy weekend!
kapag napapagod ang puso, anong dapat gawin.. magpahinga ba? hindi... ibig sabihin lang, paganahin na ang isip.. :)
gandang araw ate bhing.. at maligayang bagong taon ng mga tsino.. aheheh..(tagalog super)
@ istambay, tagalog na tagalog tlga. haha! tnx sa dalaw!
ang pusong napagod sa pakikipaglaban
ay nararapat lamang na magpahinga naman kahit minsan.
God bless u :) abangan ko ang paguwi mo ng Pinas :D
@ midnight driver, noon pa yan.ngayon in good hand na :) tnx!
@Bino,kita kits sa chowking.lol!