Maligayang Kaarawan! Nawa'y masaya ka sa araw na ito at sana lahat ng hinihingi mo ay matupad.
Hindi ko alam paano ko sisimulan ang sulat na ito. Kailan ba tayo huling nagkausap ng personal? Matagal na rin at ang huling mga kataga na ating binitiwan sa isa't-isa ay hindi ganun kaganda. Bilang Kuya ko alam kung ninanais mong maging mabuti ang aking buhay at magkaron ng relasyon na magiging sandalan/kaakibat ko sa pagtanda. Alam ko rin isa ka sa naghahangad na maging masaya ako ngunit sinalungat ko ang iyong mga pangaral bagkus tinahak ko ang landas na inyong kinakatakutan.
Bihira kita kausapin o etext sa maraming dahilan. Nangingibabaw sa akin ang "hiya" na sa kabila ng lahat hindi ka nagkukulang. Nasasaktan din naman ako tuwing nasa bahay ka at nagkataon na tumatawag ako pero hindi ko makayang kausapin ka. Ayaw kung magbreakdown na kausap ka sa telepono dahil makakasama na saiyo. Sana hindi nangyari ang aksidente ng sa ganun kaya ko pa rin sabihin saiyo lahat. Natatandaan mo pa ba? Noong mga bata pa tayo, ikaw ang "idol" ko. Gusto ko maging kagaya ng Kuya ko. Ikaw ang partner ko noon sa halos lahat ng ginagawa ko. Ikaw rin taga hatid sundo sa skol, tagagawa ng projects, kahit na sa gardening ikaw pa rin (kasi gusto mo ako ang may pinakamaganda at matabang tinanim sa buong klase). Pati hilig mo ginaya ko, tinuruan mo ako magboxing, basketball and arnis. Lagi kong bukambibig noon "the best si Kuya ko".
Kaya lang nabago ang lahat ng mamatay si Papa. Gumuho ang mundo natin para makasurvive kailangan natin harapin ang mga pagbabago. Tumira ako sa ibang bayan at madalang na tayo magkausap. Hanggang nakasanayan ko ng mag-isa, na sarilinin ang lahat ng problema. Noon nasa high skol na ako, natutunan kong kumilos lalake, manamit lalaki doon na nag-umpisa ang hindi natin pagkakasundo hanggang kung gaano tayo kaclose dati siya naman ang layo ng pagitan natin. Lagi mong sinasabi babae ako, kumilos ng tama, manamit ng tama. Sabi mo noon 2007 "hindi ka na galit sa mga desisyon ko pero hindi nangangahulugan na hindi ka naghahangad na balang araw nasa tamang daan ako"
Kuya, Bakit po ganun? Nasa tamang daan na po ako pero hindi ko pa ring magawa na sabihin saiyo lahat. Nagbibiro ba ang pagkakataon? Pero hindi ako susuko, pag-uwi ko dyan ipapakita ko saiyo at ipaparamdam kung gaano kita kamahal. Ngayon alam ko na lahat. Ako ang mali hindi ikaw. Patawad sa ilang taon na hindi kita kinausap. Patawad sa lahat ng mga pagkakamali ko,mga panahong nasayang dahil sa aking pride. Madami akong gustong sabihin at ikwento saiyo. Malapit na iyon mangyari, ilang buwan na lang. Namimiss ko kayo, pangako pag-uwi ko babawi po ako sainyo. Matagal ko itong hinintay, pag-uwi ko alam kung kaya mo na akong ipagmalaki (kahit pa lagi mo sinasabi sa ibang tao na proud ka sa akin, pero this time around would be different kasi ako mismo ramdam na nasa tamang daan na ako) Kaya ko na pong sabihin saiyo na "Kuya, nagbago na po ako". Be strong Kuya.
Ang iyong kapatid,
Bhing
9 Share your thoughts
Naks. Adopt mo ko para maging kapatid din kita. hehehe
@empi, bakit mo denelet iyong 1st comment? adik ka.
tnx! sige ba adopt kita pero hindi ako mag-aalaga sau. lol!
tinext ko na kuya mo, binigay ko url ng blog mo lolzz
habang maaga gawin mo na ang dapat mong gawin bhing, wag mo nang hintayin ung araw ng pag uwi mo...
mas madalas sana ako dito kung nag-a-update ung link mo sa blogroll ko, kaso hindi :( kaya sa fb na lang ako naghihintay ng new post mo :D
@ Cm, tnx! im trying my best na sulitin iyong lost time nmin bilang magkapatid.
wow ate, for sure naiintindihan ka ni kuyang...
hindi talaga naguupdate ang url mo sakin ate, pero di bale, araw araw naman ako nadalaw dito... :)
@istambay,salamat sa pagbisita lagi. sa uulitin :)
such a wonderful sister. :)
@ MangPoldo, salamat ng marami.have a great day!