(red envelope from Yiyeh, handwritten po niya yan. Tinakpan ko lang ang amount (~.~)
"Kung ang problema minsan dumarating sa di inaasahan na pagkakataon, ang pagpapala ay ganun din"
Ang aga ng Chinese New Year bonus ko (di ko naman pwede sabihin na hindi ako nag eexpect kasi sa tagal ko na dito sa Taiwan, bawat okasyon may regalo sa akin si Yiyeh). God really works in mysterious way. 2 days ago katetext lang sa akin ni Mama, iyong malapit daw sa lugar namin na palayan sinasanla for emergency reason, sa amin gustong isanla ng may-ari kasi noon andun pa ako sa bicol nasabi ko na iyon sa kanya na kung ibebenta nila or isasanla sa amin na lang. Kaya lang wala akong hawak na ganung halaga sa kadahilanang iyong kapatid ko nag-aayos din ng papeles papunta dito sa Taiwan. (ang savings nasa peso account naman, w/c is maganda kasi di ko nakukuha dahil kung pwde ko mawidraw baka umuwi akong walang pera) haha! Kagabi naisip kung hingan ng favor si ***Ehem pero nag-alangan din ako kasi ang laki na ng puhunan na nailalabas niya para sa negosyo nila ni Mama (tapos nasa account ko na rin ang ibang pera niya, ganun siya katiwala sa akin na hindi ko nanakawin ang pera niya) pero di pa rin ako mapakali kasi i really want it so bad na makuha iyong palayan. Unang-una sa amin talaga iyon, pero noon nagkasakit si Papa naibenta para sa pagpapagamot niya, hanggang naubos ang aming mga lupain at nalaman ko na lang may kulang pa sa hospital. (tsk, tsk, tsk) Although, almost 2 dekada na ang nakalipas nanariwa pa rin sa akin iyong alaala ng paghihirap. (ang haba na ng post ko, ano ang konek sa title??) hahaha!
Dahil sa hompao (chinese bonus ko) mapapasa amin ulit ang lupa na nawala. Wala lang pero nagiging emo ako, masaya na unti-unting naibabalik iyong dating nakagisnan ko na life. I am so blessed. Dati ang bitter ko, laging nega pero mula ng nakaahon ako sa buhay na di dapat inuulan ako ng pagpapala. Kanina naiyak pa nga ako ng binuksan ko kasi doble sa bonus na binibigay niya sa akin. (higher daw kasi baka ito na ang last chinese bonus ko na matatanggap) Tsaka ko na iisipin ang pag-uwi kasi malulungkot lang ako, for the meantime ang saya saya ko.
Thank you Lord for always guiding me, for being my great provider.
10 Share your thoughts
yeah,,, :).. Kiong Hee Huat Tsai... :)
happy chinese newyear ate.. aba maganda ngang pagsalubong yan.. ang swerte mo ate, masayo ko para sayo (totoo yan) yun nga lang, malungkot ako sa nangyari sa isa nating kaibigan.. (ka-swak ok lang yan, pera lang yan.. maibabalik pa natin yan)..
ooppsss ayan naiba komento ko.. at ate isa lang ang masasabi ko, hmmmm ang laki ng bonus mo ha.. makakabili ng isang palayan... hehehe.. paburger ka naman ate.. ^_^,
hongyomon! maraming lupain...lolz!
galing galing naman!!!ganyan lang siguro kapag mabait na bata, pinagpapala...
happy weekeend ate & ingat!
@ superG - tnx! happy chinese new year dn :)
@ istambay - lucky i have them :)
tnx sa dalaw.
@rhyckz, so funny! dk maintndhan. bwahaha!
have fun sa paggala ngyong weekend! :)
ayun oh! tuloy na burger natin nila empi!!! lolzz
@ CM, db ikaw ang manlilibre naka 2 based na ako sa blog mo eh. (binibilang ko talaga) lol!
Congrats nakatanggap ka ng bonus. :)
@ kwentoniwaltz, thank you! happy chinese new year!