Sa Isang Iglap

Inagaw ng mapagsamantalang balintataw,
Ang nagliliwanag na araw,
Dagling nanahan ang panglaw sa isipan,
Sa pangakong niluray ng kasinungalingan.
'Di sinasadyang nahagip ang pinaghihilom,
Na sugat dulot ng mapangahas na landas,
Litanya nanariwa at umagos,
Nanaig ang baliktanaw sa bangungot.
Nagpalahaw na daing sa ginoong magaling,
Kakarampot na pang-unawa saan huhugutin?
Alikabok nasisinghot, alaala naglalambitin,
Pilantik ng konsensya saan hahagilapin?

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

10 Share your thoughts

Nice poem again. You made my day!

happy thursday folk.

follow my blog here:
http://arandomshit.blogspot.com/

isa na namang masterpiece! gusto ko ang lalim ng tagalog. galing :)

hindi ko kaya to, masyado malalim, di ko maarok :D

@ Bino, tnx lagi k ng present sa blog ko.

@ CM nacarried away ng binabasa kya nilabas ang kumutmot ko sa isipan :) haha!

iniisip ko ateng ang ibig ipakahulugan... sa aking pagkakaintindi, malapit ng magumaga, ginambala ka ng iyong nakaraan. sa tuwing gigising, hindi maaring hindi mo maalala..hmmm ewan ko ate.. hehehe... di pa kaya arukin ng isip ko, madami ibig ipakahulugan.. subalit akam ko iisan ang pinaghuhugutan... :)

@ empi, lagi mo na lang na comment ang lalim. haha!

@ Istambay, ang galing naman. minsan kasi sa mga pagkakataon, nangyari sa atin or sa nakikita lang pag gumana ang ating imahinasyon nagagawa natin ang tula :)

salamat!

Ads2