Chien's Family

One of my memorable moment. Dumating sa Taiwan ang cousins, brother and sister ni Yiyeh form China para personal akong makita bago umuwi ng Pilipinas. Napakasarap sa pakiramdam na madama ang tunay na kahalagahan ko sa kanilang pamilya.
Kumain kami sa isang Thai Restaurant. (ako ang namili ng lugar). Mula sa umpisa puro ako ang topic nila, magaganda at papuri sa pag-alaga ko kay Yiyeh. Buong ganap kong naramdaman ang kanilang pasasalamat. They wish me all the luck and they're looking forward to see me again in Taiwan. Kung di na daw ako makakabalik ng Taiwan, we can meet half way. Pwede nila akong dalawin sa Pilipinas or ako ang pumunta sa kanila. Napakaswerte ko, mula noon at magpa hanggang ngayon hindi sila nagbago ng pakikitungo sa akin bagkus mas lalo nilang pinakita at pinaramdam ang pagturing bilang kapamilya.

Kahit kailang, hindi ko makakalimutan na minsan naging parte sila ng aking pakikibaka, naging susi sila para maibigay ko ang magandang buhay sa aking pamilya at naging daan sila upang mas lalo kung pahalagahan ang aking pakikipagkapwa. Sa kanilang mainit ng mga yakap, buong galak kong nadama ang panghihinayang na hindi na ako makakabalik, sa pagpatak ng kanilang mga luha nakita ko ang kanilang sinseridad at pagpapahalaga sa akin.

Sila ay magiging inspirasyon ko sa muling pagtahak at pagyakap ng pagbabago. Uuwi akong handa at matibay ang pundasyon ng aking paniniwalang makakaya ko lahat. Sa pag-apak ko muli sa unibersidad at pakikipagsapalaran sa kursong gusto kung kunin, nakatatak sa isip ko ang kanilang pagnanais na matupad ko ang aking minimithi. Sa pagkakataon ito, muli kong buuuin ang mga pirapirasong pangarap at nawasak na kumpeyansa sa sarili. Babalikan ko ang mga ideolohiyang naisantabi at muli kong tatahakin ang landas ng pagiging isang volunteer. Ito ang makakapagbigay sa akin ng pagkakuntento at kaligayahan.




Bigay sa akin ng kapatid ni Yiyeh. Ako ang bida kahapon, ako ang center of attraction. Salamat sa kanilang valuable gift (bawal sabihin kasi ayaw nilang isulat ko sa blog). Most especially, salamat sa pagkupkop nila at pagbigay sa aking ng tahanan.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

3 Share your thoughts

Maganda raw ang book na yan. peram! :)

Ikaw ay pinagpala dahil nakilala mo sila. Mahirap makakita ng mga taong katulad nila. God bless sa daang tatahakin mo at nawa'y magawa mo kung ano ang nararapat sa abot ng iyong kakayahan. :-D

Maswerte ka sa kanila, the same way na maswerte rin sila sayo. Bihira lang ang mga employer na ganyan. Kahit siguro ako ang lumagay sa kalagayan mo, talagang mahihirapan akong umuwi. Pero dahil mahal ka nila naiintidihan nila na may mga kailangan kang gawin at isakatuparan.

Ads2