Tinig ng Pakikiisa

"Hindi namin kailangan ang papuri ng isang MIKE AVENUE o parangal ng gobyerno ngunit hangad namin ang RESPETO ng kahit sino sa pagigi naming OFW"


Pinag-isipan ko kagabi kung kailangan kung sumagot sa paratang ng isang bloggero. Noong una kung nabasa iniisip ko blog nya iyon, karapatan nya magsualt ng gusto niya ngunit sa ikatlong beses kong pagbabasa aking napagtanto na isa ako sa OFW na simple lang ang hangad sa kapwa tao RESPETO.

Aaminin ko isa ako sa tagahanga ng kanyang obra lalo na mga tula, very vocal din ako sa pagsasabi na magaling siya gumawa ng tula (at least sa pananaw ko) Ngunit ang entry niya kahapon nagpabago ng lahat. Wala ako sa sitwasyon para humusga sa kanyang opinion o kuro-kuro, o komontra sa nais niyang ilagay sa blog pero nakikiisa ako sa lahat ng OFW na nasaktan dahil sa pansariling entry.

Madaming rason bakit kami nasa bansang banyaga, o kahit pa sabihing kaya kami nasa dayuhan dahil sa PERA o pansariling interes wala pa ring may karapatan para ibaba ang tingin sa amin, walang sinuman ang may karapatan na ilublub o maliitin ang aming pagkatao kasi tulad nyo rin kami. Nagmamahal sa bayan, nagmamahal sa pamilya, at nangangarap nang magandang bukas. Kahit nasa banyagang lugar kami dala pa rin namin ang pagigi naming makabayan, buong puso naming ipinagmamalaki na kami ay isang Pilipino. Pinagbubutihan namin ang aming trabaho para sa ikakaangat ng lahing Pinoy, dala namin ang dunong at kapasidad ng pagiging dugong Pilipino. Kung may mga pagkakataon man may ilang OFW na mas mahal na nila ang banyagang lugar, (sinu tayo para husgahan sila?) Sana wag lalahatin kasi ako bilang OFW may ambag pa rin sa lipunan.

Inambisyon ko bang matawag na bayani? Taong bayan mismo ang nagbigay ng bansag na yan, hindi kami, hindi namin hinangad mas lalong hindi namin hiningi. Respeto at pang-unawa ang aming dinadaing, dinadasal na sana kami na ang huling OFW na lalayo sa bayan. Na sana kami na ang huling sandata ng gobyerno para maiangat ang ekonomiya.

Isa akong aktibista dyan sa Pilipinas, halos nagi kong tahanan ang kalsada. Ang pagluwas ko sa bansa ay malaking hamon sa aking pagkatao ngunit pikit mata kong kinaya para sa aking pamilya. Sa pagigi ba naming OFW nangangahulugan na hindi na namin mahal ang bansa? Sa pagigi ba naming OFW nangangahulugan na traydor na kami sariling bayan?

By the way, ito ang ambag ko sa pagiging OFW. Nabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking kapatid & pamangkin. Pwede ko naman silang papag-aralin na hindi lumuluwas ng bansa ngunit hindi ko sila mapagsasabay sa kolehiyo at hindi ko maibibigay ang kursong gusto nila. Pera nag lang ba ang dahilan? sasagot ako ng HINDI, kasi kaya ako lumuwas ng bansa dahil sa pagmamahal ko sa aking pamilya.

Bunso kong kapatid, Bachelor of Science Nutrition Dietecians (BSND) (2006)

Panganay kong pamangkin Bachelor of Science Office Administration (BSOA) (2007)

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

16 Share your thoughts

Maraming salamat sa pakikiisa sa panaghoy ng mga uring manggagawang OFW, sana ay magbigay aral ito sa lahat ng Pilipino, sa isang malayang pagpapahayag sa pamamagitan paglikha ng blog. ito ay laging kaakibat na responsibilidad sa kanyang tagapagbasa, na maihatid ang kanyang kaisipan na may katotohanan at makatarungan, hindi padalus-dalos, hindi mapanghusga at hindi nakakasakit ng damdamin ng mga nakararaming uring manggagawang Pilipino tulad ng OFW.

Isa ka rin palang aktibista, kaya pala may laman at dating ang iyong mga panulat.

Purihin ka Bhing.

Salamat sa pakikiisa Bhing, di lang alam ni Mike ang nararamdaman natin mga OFW sa artikulong di ko alam kung ano ang naging basehan...

wala pa rin akong masabi sa usapoing ito... pero saludo ako sayo Bhing.. hndi mo hinusgahan si Mike.. lols

yun nga, isa rin akong OFw.. pero kahit papaano, hindi ko naranasan ni isa sa mga mabababang pananaw at opinyon nya tungkol sa pinagdadaanan ng mga ofw sa ibang bansa.

salamat ate bhing...

kagabi pa ako hindi mapakali tungkol sa entry ni Mike...sa pagbabasa nitong entry mo, medyo lumuwag ang pakiramdam ko:D

ang galing ate bhing...
salamat po sa pakikiisa..:D

mabuti po at kalmado ka lang..
hehehe...
ako kase nung nabasa ko yun nag-init ng bongga yung ulo ko ehh..
nyahahaha...

salamat sa pakikiisa ate bhing...

naway magsilbing aral sa ating mga blogero ang nangyaring ito.

Dahil tayong Pilipino kailanman ay di paaapi sa ibang lahi... lalo't higit na hindi natin tatanggapin ang mapanghusgang tinig ng isang kababayan...

___________________________
parang mas masarap magsulat ng PEBA entry sa ganitong antas ng damdamin... ang daming makabuluhang salita ang lumalabas sa ating isipan... subukan mo nga ate bhing.

kahit ano pa man...
pagmamahal pa rin ang talagang rason...
hindi "Tsokolate"

Thank you for this post. One day Mike will know that he has offended a lot, na parang minaliit niya ang isang institution na maraming mang pagkakamali or kahinaan, pero pilit na nagsusumikap, hindi man para sa bayan, kundi sa pamilya at mga mahal sa buhay.

bhing,

galing galing mo sa iyo ako humahanga di kay mike... mas magaling kapa sa kanya (hehehe), baka gusto ni mike sumakay ng mortar dito sa irak.... pag uwi ko pasulubongan ko ng mortar di tsokolate hahaha. (peace!!!)

Mahirap talaga isang henyo dami maapakan, walang respeto sa kapwa pilipino lalo na sa mga OFW.

nakikiisa ako at mahirap pa naman dito sa irak pag may mortar masusub ang mukha mo sa lupa (hehehe)

good luck sa iyo bhing.... galing mo.

ching

bunggang bungga ate bheng...kaya idol kita..kahit ano sabihin nla tayo parin bayani, nagsakripisyo ang sarili para sa lahat..(ang minamahal na pamilya)..ung ang hindi alam ni mike.

proud to be OFW..

maraming salamat ate bheng tunay ka ngang Filipino

brix..bodyofdesire

Bhing tulad mo rin ako hinahangaan ko si Bro Mike kita mo naman siguro yun? nag iba din ang pananaw ko dahil sa post niya di ako GALIT!!! lols bilang O-IP-DOBOLYO nasasaktan rin ako sa mga sinabi niya..

Dinarasal ko na lang maging maayos ang lahat ..
nakapag post na rin.. di man tulad nyang magaling mag sulat for sure tatamaan din siya...heheh

INSENSITIVITIES?


“Nagkasya kasi tayo sa mga second choice dahil ang mga de-kalibre, naroon at kasalukuyang minumura ng amo kapalit ng dolyar.”


“Bayani ka bang tatawagin kung humahalik ka naman sa paa ng mga dayuhan?”


“Isa lang dahilan kung bakit nagpapaalipin sa ibang lahi ang mga Pinoy. PERA. Masasabi kong iyan ang nag-iisang dahilan. Kaya nga mas gusto pang gawing panginoon ang mga dayuhan para sa salapi.”

"Ang totoo, lahat ay sa sariling motibo lamang nabubuhay. Gustong-gusto kasing maging Victoria’s Secret ang ginagamit na pabango ng asawa na dati’y White Flower lamang."

"Lumalaki tuloy sa pangangalaga ng iba na ang itinuturo ay ang matatas na pagsasabi ng salitang pakyu imbes na patsshu."


"Okay lang. Pag-uwi mo at paglaki ng anak mo, saka mo siya samahan para magpatuli kay Dok."

"Nakakalungkot din ang katotohanan na ang mga OFW ang dahilan kung bakit nabansagan ni Tsip Tsao ang Pilipinas na “nation of servants”.

This comment has been removed by the author.

astig ate bhing,,


mbuhay OFW..!




ann of italy..

one of the greatest joy in our life is to give the best to our love ones. Maging ito may ay kalungkutan na malayo sa kanila. 75% of our lives ay nagiging abnormal dahil sa mga sakripisyo natin sa bansang dayuhan.
Sana na ay magkaroon ng konsideration ang mga panuring nakakasakit sa tulad nating OFW.
Saludo po ako sa mga taong tulad mo.
Nice one !

Ads2