Panaghoy ng Kabataan


(Paunawa: Ang inyong mababasa ay pawang katha ng malikot kung imahinasyon)


Itong Kabataan ay pag-asa daw ng Inang Bayan,
Bansag na iniwan ni Gat. Jose Rizal,
Di kukupas, mapipingas, ilang taon man ang dumaan,
Mananatiling nakatatak sa ating Kabataan.

Pag-asa nga ba sila ng ating bayan?
Saan huhugutin ang kanilang katatagan?
Sinong magsisilbing modelo at huwaran,
Mga tanong na mahirap mabigyan ng kasagutan.

Ugat ng pagkatao nagmula sa tahanan,
Kabutihang asal dito unang natutunan,
Pagmamahal at paglingap ng magulang mararanasan,
Paano ang itinapon ng pagkakataon sa lansangan?

Pamamalimos sa kalye, sa konting awa mabubuhay,
Pamumulot ng basura, umiiyak, humihiyaw sa daanan,
Magnanakaw, bawal na gamot, at hayok sa laman nakakaulayaw,
Sinong makikinig sa hinaing, kung sariling dugo iniwanan, nilublub sa putikan?

Mapalad ang nakatuntong at nakapasok sa silid aralan,
Mabibigyang gabay at malilinang kanilang kaalaman,
Pangarap unti-unitng mabubuo, maisasakatuparan,
Pag-asa at ginuntuang bukas, larawan at abot kamay.

Paaralan minsan makasarili, malupit sa kabataan,
Mataas na matrikula, tanikala ng magulang,
Pasilidad ng pampublikong paaralan, pinagkakaitang laging kulang,
Tumutulong bubong, pisarang butas, upuan pinagtagpi-tagping kahoy.

Guro'y nagtitinda ng kakanin, late pa kung dumating,
Itinuturoy base sa karanasan, hindi sa tunay na aralin,
Minsan laging PE ang asignatura,guro'y makikipagmeeting,
Sa kasamahan magtatanong anong lates at in na in.

Pumasok ka man sa Tahanan ng Panginoon,
Parokya may kalawang, Ministrong sugarol,
Mangangaral ng mabuting balita, walang direksyon,
Kabataan saan sasandig saan paruroon?

Gobyerno, pulitiko, laganap ang korupsyon,
Batas na sinusulong may pailalim na transaksyon,
Inuuna banyaga, malalaking kompnyang may koneksyon,
Sinong tatayo kundi aktibista ng organisasyon.

Pulitikay ginagwang salbabida ng trapo,
Sari saring expose magkakagatan baho'y ibabato,
Sinong tamaan, sisikat, maghahalughog ng bago,
Saka na babawi kapag nanahimik & natulog na ang isyu.

Nakapagtapos ka man trabaho'y napaka ilap,
Lalo na kung walang Padrino na saiyo'y lalakad,
Mamumuti ang mata, pag-asa'y matitigbag,
Sa under the table kalakarang wala na yatang lunas.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

7 Share your thoughts

wow panaghoy ng kabataan...ako masasabi ko naging mabuti ako noon kabataan ko..hehehe hndi nga lang ako naging aktibista...takot ako mag lalabas sa kalsada..

@lenon, ganun, pag aktibista ba hndi n mabuting kabataan?

tnx sa coment!

bhingggggggggggggggg,

mustamos amigas wala na ako masabi sa iyo, idol na kita ikaw na ang tularan ko di na si rodel na bubuyog.... tama lang panaghoy mo baka may mamulat, iba panaghoy ko sa chik chik chik... hahhaha. ayos bhing saludo ako...

ching

Ilang kabataan na ang dumaan, pero ganun pa rin tayo...ung mga guro, pulitiko,mga pari,etc...dumaan din sa kabataan, pero ganun pa rin...

Nasa atin mga sarili ang pag asa ng bayan, matanda ka man o bata

"Gobyerno, pulitiko, laganap ang korupsyon,
Batas na sinusulong may pailalim na transaksyon,
Inuuna banyaga, malalaking kompnyang may koneksyon,
Sinong tatayo kundi aktibista ng organisasyon."

ngayon malinaw na.. isa kang miyembro ng Gabriela!!! hahahaha!

pero gusto ko ang linyang iyan... totoo... mga under the table! sus! been there.. done that!

kumusta sa mga taga-BIR Lucena! Busog ba? hahahaha!

Nakakalungkot ngang isipin na ang kabatang minsan ay pinangarap ni Rizal na syang pag-asa ng Bayan ang syang hindi binibigyan ng halaga ng pamahalaan, na pinababayaan na masadlak sa masamang mga bisyo ng lipunan, anong aral ang matututunan ng mga kabataan kung ang mga nakakatanda ang syang gumagawa ng masama.

Salamat sa pagbabahagi ng tula.

A blessed evening to you.

Nakakalungkot and tula mo. Parang wala ng pag-asa ang mga kabataan. Ang totoo ay ang pag-asa nating lahat ay na kay Jesus Kristo lamang. Hindi sa mga tao. Lahat ng hinahanap mo ay nasa salita niya. Ito ang iniwan niya sa atin na gabay para mamuhay ng masagana sa kanya. Kasama ng Espiritu Santo walang maghahadlang sa atin na makamtan ang tagumpay na buhay sa kanya. Matagumpay si Kristo. Tapos na ang laban. Ito ang pagasa ng bayan natin!

meldy
Tahanan ng Panginoon
ERod

Ads2