Isang araw na naman ang malalagas,
Ang ngayon magiging alala nalang bukas,
Isang hakbang sa isa pang landas,
Sa indayog ng kantang kupas.
Sa tuldok nag-umpisa doon din magtatapos,
Likha ng makata, ngayon nakagapos,
Ang umaga ang maghuhusga at tatapos,
Aabangan ang huling pagtutuos.
Ang hampas ng alon sa dalampasigan,
Tila ba perlas kung pagmamasdan,
Tulad ng buhay, ito'y gintong dapat paghirapan,
Bawat butil ng pagpupunyagi ay isang kasaganaan.
Ang orasan hindi mapipigilan,
Iikot ang mundo, kahit pa hawakan,
Ang pagsapit ng hapon, isa na naman katanungan,
Umaga kaya'y muling masilayan?
Iguguhit ang obra-maestrang larawan,
Magagandang nangyari hindi iwawaglit sa isipan,
Mamamahay sa puso at katinuan,
Ang buhay ay mahiwaga, walang nakakaalam.
Lahat ng nangyari ay magtatapos,
Ang kwentong nilikha, mga aninong nakagapos,
Magiging malaya sa lahat ng dahas,
Sa isang bigkas ng tinig ng nasa Itaas.
Ang dapithapon ay sumapit na,
Paglubog ng araw, dala ang alaala,
Ang bakas nakakintal sa darating na umaga,
Bukas sisikat ang araw na masaya.
18 Share your thoughts
makata!
dapat lagi tayong handa sa pagsapit ng dapit hapon, panibagong araw na naman ang dapat nating harapin..
ganun din sa ibang bagay, dapat humanda tayo sa pagkawala ng anumang bagay at kung sino man.. mahusay ang pagkakagawa ng iyong tula
@ kheed, maraming salamat sa papuri...
dalaw k ulet!
dapithapon...
kasabay ang paglubog ng araw pero hindi ibig sabihin na katapusan na ng lahat kundi ito'y isang daan para sa magandang bukas na naghihintay sa bawat isa sa atin...
seryoso?! hahahaha!!
maray na hapon ate bhing! :)
@ jee, maray nahapon man saimo daragang magayon!
tama k jn jee, malay mo bukas hawak ko na lahat...naks!
you sure?
masaya ka pagsikat ng araw bukas na bukas?
weh....di nga?
may hinahanap ako ate bhing...
nakita mo ba ung naLIGAW NA PUSO?
NALILIGAW pa rin kaya sya?
o NANLILIGAW na?
para kaseng wala na sa lansangan eh... parang di na "naliligaw"... lolz!
hehehe sa dapithapon ba ang tamnng pag hampas ng katarungan,,
tanong ko lang saan ka ba nakagapos at may himig na paghihiganti ata,,,joke joke lang...
@ kuya lenon, revenge san? baka ikaw yan....naliligaw k nga eh...teka muna pala bka nidid mo ng mapa? alamin mo muna sa puso san ang gsto mung ruta...
canada ba?asia o gitnang silangan?nyhahah
@ azel, hndi nya alam ang daan na tatahakin nya,...yaan mo lng xia maligaw ng maligaw para pag bumalik totoo na...kaysa nmn hndi nga naligaw pero mang iiwan lng nmn...(anu daw) ang gulo!hahaha!
awwww! nabasa mo un... ha... "ligawing" puso! lolz!
bunso na bhing,
nahuli na naman ako pasensiya na busy lang at dapit hapon na naman at uuwi naman para naman sa bagong bukas...
kung sa ngayon pagod sana bukas mag bloging nalang at mag chat... hahaha... dapit hapit sa ngayon alam ko may naghinhintay na bukas para ka masaya... ingat sila sa iyo sobra ka makata waaaaaaaa....
ching
@ kya ching, dinadaan ko n nga lang sa tula ang emosyon ko...
yaan mo n po minsan maging makata(trying hard ako)...
lagi kn late kuya mag comnt cguro my ibang karer k n nmn. taga san mo?
may bukas pa,hehe
gnda naman ng poem pwding gawing lyrics sa kanta... :)
@ hari ng sablay, maraming salamat...
dalaw k lagi sa pahina ko...
bunso na bhing,
ikaw lang kina karer ko waaaaaaa... nabusy lang sa work subsub nga ehhhh...
kaya nga idol kta....
ching
lahat ng nangyari ay magtatapos,
ang kwentong nilikha, mga aninong nakagapos,
magiging malaya sa lahat ng dahas,
sa isang bigkas ng tinig ng nasa Itaas. --- pansamantalang magiging malaya sa lahat ng dahas... jijijijiji... pero ganun pa man.. tama nga, bukas panibagong landas na naman ang ating tatakahin... at ito'y hinahangad na magiging masaya...jijijijijij
tnx i am xprosaic!
gudluck!
wow iba talaga na gagawa pag naliligaw sa lub room
^_^
ingats lagi sis idol talaga kita ganda ng mga tula mo
labas mi na yung iba excited nkong mabsa!
^_^
@ emel, tnx ulet! ikaw dn may laman ang mga gawa....