Mahiwagang Ulan



Ayaw ko ng ulan dahil kahit gaano ako kasaya pag umuulan nadadala ang aking emosyon. Inaanod ang sayang aking nararamdaman at dadalhin ako sa ilalim ng mga agam-agam sa buhay. Ito na ang nakasanayan kong mundo. Ang mga nakakakilala sa akin ng totoo, alam na nila na pag umulan bigla, malungkot na din ako.

Sa bawat tunog ng patak ng ulan para bang dinadaganan ako, iyong pakiramdam na nanghihina at natutuliro ang isip ko. May pagkakataon pa pag ako nag-iisa, habang umuulan sinasabayan din ng patak ng luha ko. Siguro dala ng kabataan ko, alaala ng malakas na bagyo at pangyayaring gumimbal sa akin sa panahon ng tag-ulan.

Ngayon habang ginagawa ko ito, malakas ang ulan dito. Nagtataka ako kasi wala akong maapuhap na lungkot sa aking puso. Ni hindi ako umiyak, o nagsara kurtina para 'wag kung makita ang buhos ng ulan bagkus tinitigan ko ang bawat patak. Tiningnan ko ang daloy ng tubig at ang mga dahon na gumagalaw dulot ng hangin at ulan.

Wala na ba talaga ang takot sa aking dibdib? Ito ba'y hudyat na nag muli kong pagharap sa buhay na masaya at walang pag-aalinlangan? Kinakapa ko ang aking emosyon subalit parang tinangay na rin ang pait ng alaala ng lumipas. Tumingin ako sa salamin, tinatanong ko ang aking sarili, ngunit ang nakikita ko ang ngiti ng aking mga mata. May pag-asa pa. Muli kong yayakapin ang umaga na puno ng saya.

Siguro nga tama sila, nakatayo na muli si Gumamela. Muling mamumukadkad, muling sasaya at muling makikibaka. Nakagapos noon sa nakalipas ngunit ngayon mananatiling bakas na lamang ang lahat. Iisipin kung hindi pa huli ang lahat, na ito ang bagong simula ng mahiwaga kung paglalakbay. Saan man ako dalhin ng aking mga paa, iisa lang ang alam ko sa kasalukuyan, ang pagsuko wala sa aking sistema. Hahawakan kong muli ang aking sarili. Maglalakad na may tiwala at sasandig sa bisig Niya.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

11 Share your thoughts

ohhhhh galing naman sana lagi na umuulan...may tiwala kana sa sarili mo na kaya mo???

nakatayo na muli si gumamela parang si rosas ka na ngayon may tinik na (lols)... good to hear from you "you can do it".

ching

wow si gumamela mamumukadkad uli...weeeee... lolz..

tapos na ang tag init at ngaun tag ulan nman. yong mga nagyari sayo paanod mo na lang sa ulan...ingatzz

@ kuya ching, paunti unti kaya yan...ako pa... aktibista kaya 2...
salamat!

@kuya lenon, oo c gumamela nakatayo n...sa tulong ng mga kaibigan na patuloy na naniniwala sa akin...isa k dun...salmat!

WEH?!?!?!?! di nga??!?!?!?!

"to see is to believe" ika nga... hahahahaha.. kontra pa si ako noh?

bunso,

opssssss! may kumontra... gawin mo muna kaya tsaka na ako maniwala (lols).

ganun ba yon pag aktibista tigasin pala ha??? baka dumugo ang ilong waaaaaa.

ching

Mahiwagang Ulam...?? lolzz


Lagi na walang ulam? hehe kanta ata yun..


bhing nahihirapan akong arukin talaga.... saan ba pinaghuhugot ang mga sinusulat mo? sa Tadyang? hehehe...lolz...

epal mode na naman ako.... piz!~

wg ng kontrahin ang Gumamela, baka mas maging malala pa....

mental na ang pnta hindi bilibid!

bakit nga ba madaming nagiging emo tuwing umuulan?

binabati kita dahil sa ngayon ay matatag ka na, nakatayo ka na nga.. basta lagi ka lang maging positive at maniwala ka kahit paminsan minsan sa mga sinasabi ng mga kaibigan mo, dahil minsan tama din sila haha

sana tuloy tuloy na ang pamumukadkad ni gumamela!..:)

Ang sarap gumising sa

umaga na may katabing

Mainit na Kape. : )

Magandang Umaga!!

@poging ilocano, sana tuloy tuloy na nga, kiping my finger cross..

@kheed, salamat.minsan kc may mga bgay n madaling sabihin ngunit napakahirap gawin...salamat sa dalaw!

@jasonizers, coffee adict nga ako dati...pero not now.may nagbawal na kc sa outer space..

Ads2