Sunday, November 8, 2009

Sa Piling Ng Nagmamahal

Masarap damhin ang pagsinta,
Ng walang humuhusga at kumukutya,
Parang panaginip, nasa ibang planeta,
Ito kaya'y totoo na?

Busilak na intensyon ang idinudulog,
Makulay na umaga ang hangad,
Pasuyong ni sa guniguni hindi maapuhap,
Ang kasalan ba ay magaganap?

Sa piling ng nagmamahal puno ng ligaya,
Dahan dahan lang ang pag usbong ng gumamela,
Takot unti unting nawawala sa pag-ibig Niya,
Nawa'y may basbas na relasyon, doon ako mapunta.

Tuesday, November 3, 2009

Maligayang Kaarawan


Paggising ngayong umaga,
Naaninag ang pagyabong ng pag asa,
Nagwakas lahat ng dusa,
Sa isang pangako galing sa Kanya.

Sa bawat hagdan na aakyatin,
Sa bawat daan na tatahakin,
Gabundok man ang balakid,
Hindi masasawi at pagagapi.

Sa pusong nasugatan,
Pagpapatawad ngayon nakalagay,
Walang bahid ng galit,
Itinapon na ang pait.

Mahirap tumayo at lumakad,
Ngunit hindi pala ako nag-iisa,
Madaming handang umakay,
Papasukin ko lang sila.

Ito ang hudyat ng malaking pagbabago,
Sa buhay at prinsipyo mismo,
Buong pagkatao aking isusuko,
Sa Diyos na may Lumikha magsusumamo.

Wednesday, October 28, 2009

Reflections By Migrant

REFLECTIONS
(by: GEMMA G. COMISO)
Taipei, Taiwan


Hindi ako dalawin ng antok. Sa kalaliman ng gabi, naglalakbay ang aking diwa. Samut-saring pangyayari ang naglalaro sa aking imahinasyon. Kanina, nabasa ko sa pahayagan na may Essay Writing Contest ang Pinoy Express. Sasali ba ako sa paghahangad na manalo o bukal sa puso kong ihahayag ang pakikibaka ko bilang isang OFW? Huhubarin ko ba ang maskarang humihila sa akin sa kumunoy ng pagkukunwari? Madaming agam-agam at pag-aatubili subalit may maliit na tinig na tuluyang pumukaw sa aking kamalayan. Gusto kong balewalain at isantabi subalit sa pagdapyo ng malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa bintana, nagpagunita sa akin na ilang araw lang at Kapaskuhan na.

Deep in the night, my mind was on overdrive mode. Earlier in the day, I read a newspaper announcement concerning Pinoy Express essay writing contest. I had thought of joining the competition but what were my motives? Was i after the prize or the oppurtunity to share my personal struggle with my fellow migrants? Did i have the guts to take off my mask and reveal my true self? I was filled with doubt & uncertainty. A small voice however was insistently telling me to do it. I felt the cold night caressing my face. It's nearly Christmas.

Ang pasko sa Taiwan ay pagsasalamin sa iba't-ibang hamon sa buhay, pakikibakang hindi natutuldukan bagkus lalong sumasangang pakikipagsapalaran. Nasanay akong ipinagdiriwang ang Pasko sa piling ng aking mga mahal sa buhay--- magulang, kamag-anak & kaibigan. Kahit gaano kahirap ang buhay sa atin sa araw na ito buong pagmamahal na pinagsasaluhan ang handa na nakayanan. Sa musmos kong isipan, nakakaakit ang pagiging buo ng aming pamilya. Tila ba sa araw na ito lahat nagsasaya. Naririnig ko ang mga halakhak, awitan, tunog ng kampana, mga paputok, ingay ng kwitis at nakikita ko ang mga ngiti sa labi ng mga batang lansangan. Natatalos ko sa kanila ang walang hanggang kasiyahan.

To Migrants like me, Christmas in Taiwan is just another string of many. I was used to celebrating the holidays sorrounded by my loved one--- parents, relatives & friends. Despite of our finacial difficulties, we still managed to have a Christmas feast. You could hear Christmas in the air. The ring of laughter, music being played in the radio,bells ringing, firecrackers exploding. There was a smile in everyone's face.

Pansamantalang kinakalimutan ang hidwaan, pagkakaiba at samaan ng loob. Napapiyak ako sa tuwing naaalala ko kung paano ko pinahahalagahan ang kapanganakan ni Hesus & kung gaano kasimple ang pananaw ko. Habang tumatagal kinain na ako ng paghahangad at ambisyong magkaroon ng magandang buhay. Wala na sa isip ko ang payak & may dignidad na pamumuhay. Natuto na akong lakaran ang landas na hindi naaayon sa turo ng Simbahan at benalewala di lang ang kahalagahan ng Pasko pati na rin ang tunay na pakikipagkapwa tao. Pinagtitibay ako ng pagsubok ngunit mahirap aminin na ibinabaon din ako ng pansarili kong interes. Pikit mata kong ipinagwalang bahala ang kagandahang asal & daing ng kapwa. Maligaya nga ba ako? O sadyang nakikipaglaro lang sa agos ng panahon?

I could not help but cry whenever I remember the Christmas of my youth. Life was simpler then, Jesus was the focal point of the season. As I grow older, I changed. I grew selfish ang I got caught in my own needs ang desires. I was not content with my life. I wanted more. I veered away from the teachings of the church and threw aside not just Christmas but Christian values. I shunned my neighbors ang turned the deaf ear to their cries. Am i happy? Or am i simply coasting along?

Sa aking pagbabalik tanaw, marami akong nadiskubre. Mga nakaligtaan kong gawin, maling desisyon, at kung paano ko inapura ang bawat pahina ng aking buhay. Bigla akong nagulantang sa malakas na buhos ng ulan at sumagi sa aking isipan kung ano ang hirap na pinagdaanan ni Joseph & Maria at ang hiwaga kung bakit si Hesus ipinanganak sa sabsaban. Tiniis nila lahat, nagpakaaba samantalang ako, gusto ko laging nasa taas. Nahihiya akong angkinin at matawag na anak Niya. Hindi ko naisakatuparan ang totoong diwa ng Pasko.

Looking back at all things that I have done, I come to realized that I have messed up with my life. Wrong decisions, missed oppurtunities. I was rushing through life that I missed out on the things that were truly important. The rain woke me from my reverie. Thats's when I remembered Joseph & Mary and the baby thatwho was born in the manger. They were humble of heart & spirit. Me? I always wanted to be number one, to be ahead of the pack. I felt ashemed, I have no right to called as His daugther for I have failed Him. I have never lived the true meaning of Christmas.

The joy of giving. Have I ever given something without waiting for anything in return? How about those peolpe who are in deathbeds? Have I ever uttered a prayer for them while i was having fun in the dancefloor? When a fellow migrant sought financial help, did I lend a money without charging any interest?

Forgiveness. Have I forgiven those who have wrong me? Am I willing to give someone a second chance? Or i am too busy cooking up vicious schemes that would hurt those who have hurt me? Have I ever swallowed my pride?

Pagmamahal. Nagmahal na ba ako ng walang sini-sino, walang inuuri? Ipinadama ko na ba ang busilak na pang-unawa & pag aaruga sa pasyenteng inaalagaan ko? May katapatan ba ako sa aking amo & aking trabaho? Inisip ko na ba na ang kaakiabat ng pagmamahal ay sakripisyo at pagpaparaya? Nagawa ko na bang mahalin ang sarili na may respeto at pagpapahalaga sa dignidad ko? Ipinadama ko na ba ang pagmamahal at paggalang sa magulang ng hindi nagdadabog o kaya'y nagmamarunong?

Love. Do i choose the people whom I think are deserving for my attention & love? Or I am too busy judging people? Have i really felt true compassion for my patient? Or i consider it as just a chore, a paycheck? Am i fulfilling my duties to the best of my ability? Have I ever love myself? Do I value my dignity as a person? Have I been a good daughter? Or have i become too proud that I treat them with derision?

Mag-uumaga na pala. Sa aking pagmumunimuni, ang dami kong natututnan. Nakakahiya pala ako. Lagi ko na lang nakikita ang mali ng iba, mga kapintasan at kahinaan nila. Nakalimutan ko na ako din ay may sariling hangganan. Marami akong pagkukulang sa aking magulang, kapatid, kaibigan at Inang Bayan. Nawa'y sa pagsikat ng umaga, matuto akong tumanaw ng utang na loob at makipagkapwa tao.

Nagpapasalamat ako sa Pinoy express dahil sa pakulo ninyo natauhan ako.Sinalamin ko ang aking pagkatao.Totoo nga siguro ang kasabihang hindi natin alam kong kailan & saan tayo magigising sa katotohanan. Sa magandang serbisyo & accomodating na staff salamat. Malayo man tayo sa ating pamilya kung may gumagabay sa atin smaliit mn o malaking paraan makakatulong ito upang maibsan ang bigat ng dinadala. Sa Kapaskuhang ito pagsisikapan kong maisagawa ang diwa nito.

It's nearly dawn. I have learned so musch about myself in those last few hours. I ought to be ashamed of myself. I am quick to point out the shortcomings ang weaknesses of other people & i judge them at the drop of a hat. I have been blin to my own faults. I am the one ought tto be judged. I have failed my parents, siblings, friends & country. I pray that as the sun rises on the horizon, I would rediscover & rekindle the spirit of Christmas within me. Thank you Pinoy Express for launching this contest. This is my wake up-call.



Honorable mention in Pinoy Essay Writing Contest 2006 (Taipei, Taiwan)
Published in Taiwan News (Kabayan Section)

Photo grabbed from google

Thursday, October 22, 2009

New Me

I admit I don't pay attention in my looks, in the clothes that i wear and i hate make up. I live a very simple life, simple wants and simple needs. I tend to be just ME. But after all the heartache and humiliation, drastic changes need to be taken in order for me to grow, to live and move on.


Now, i am learning to take care myself (outside and inside). Meet new friends and having fun with them. I'm not getting any younger, I need to catch up in the lost time. Who knows i will fall inlove again but i am not in a hurry to find love, i am more on enjoying the moment i have in my hand.

I am happy for reinventing myself, for embracing a big change and for knowing my worth. Now, i can say i am in a process of healing. I am thankful for my friends in kablogs ( you know who you are). I am very grateful for standing in me inspite of my imperfections, for giving me wisdom and for encouraging me to find my inner beauty. All of you will be part of my life...

As my family and closest friends say, hindi ka na manang ngayon.... (Lol) The good part of being broken, i lost 6kls in the process. I'm loving it!

Wednesday, October 21, 2009

Reason



Question lingers in my head,
Why i am too determined to go,
Walk in the path,
And forget your shadows?

The mask is broken,
I'm not in hiding,
The scars is healing,
For the love i found in Him.

I may encounter lots of judgement,
But why should i care?
If the world will embrace me,
Why should i fear?

I have faith,
I believe i am healed,
I may stumble,
Yet I know I am safe.

I don't have all the answerS,
But i have courage to seek,
I don't have all the power,
But i have reason,
It is my FAITH.



photo grabbed from google

Sunday, October 18, 2009

Sa Pagtayo


Nalinlang ang sarili,
Ng anino ng pagkukunwari,
Pinilit na humakbang,
Papalayo sa nakasanayan.

Ikinubli ang hiwaga,
Ang araw sa Kanluran iniluwa,
Ang bahaghari na gustong hagkan,
Ay isa din palang pagkakamali.

Umusbong sa isipan,
Ang pagbabagong anyo,
Alipustahin man ang pagkatao,
Titindig at tatayo.

Respeto ang idinadaing,
Ng gumamelang nagising,
Huwag alipustahin,
O kaya'y dutsain.

Nangingibabaw ang pag-ibig,
Buong buhay,
Nawa'y haplusin,
Ng pagsintang marikit.

Sa pagtayo,
Huwag nawang humarang,
At panlilibak ay kalimutan,
Datapwat paglaya ang ibigay.

Lalayo ng tuluyan,
Sa maskarang bumulag,
Sa pagkatao,
At dignidad.

Friday, October 2, 2009

Believe


Believe in the magic of love
Believe in the power of human brotherhood
Believe that soft voice heals the broken spirit
Believe that miracle happens all the time
Believe in the importance of friendship
Believe in the power of prayers
Believe in the merciful God


BELIEVE THAT EVEN IN TRAGEDY THERE'S A POT OF GOLD!
When reason ends, faith begins!
When we hope, we believe!

Monday, September 28, 2009

A Story Of Bravery

An 18-year-old construction worker braved rampaging floods in the Philippines to save more than 30 people, but ended up sacrificing his life in a last trip to rescue a baby girl and her mother who were being swept away on a styrofoam box.

Family members and people who Muelmar Magallanes saved have hailed the young man a hero, as his body lay in a coffin at a makeshift evacuation centre near their destroyed Manila riverside village.

Philippines residents go to all lengths to escape neck-deep flood waters. Photo: Reuters
"I am going to be forever grateful to Muelmar," said Menchie Penalosa, the mother of the six-month-old girl whom he carried to safety before being swept away himself. "He gave his life for my baby. I will never forget his sacrifice."

Mr Magallanes was at home on Saturday with his family when tropical storm Ketsana unleashed the heaviest rains in more than 40 years on the Philippine capital and surrounding areas.

At first the family, long used to heavy rains, paid little attention to the storm.
But Mr Magallanes and his father quickly decided to evacuate the family once they realised the river 800 metres away had burst its banks.

With the help of an older brother, Mr Magallanes tied a string around his waist and attached it one-by-one to his three younger siblings, whom he took to higher ground. Then he came back for his parents.

But Mr Magallanes, a strong swimmer, decided to go back for neighbours trapped on rooftops.

He ended up making many trips, and eventually saved more than 30 people from drowning, witnesses and survivors said.

Tired and shivering, Mr Magallanes was back on higher ground with his family when he heard Ms Penalosa screaming as she and her baby were being swept away on the polystyrene box they were using in an attempt to cross the swift currents.

He dived back in after the mother and daughter, who were already a few metres away and bobbing precariously among the debris floating on the brown water.

"I didn't know that the current was so strong. In an instant, I was under water. We were going to die," said Ms Penalosa, her eyes welling with tears and voice choking with emotion.

"Then this man came from nowhere and grabbed us. He took us to where the other neighbours were, and then he was gone," Ms Penalosa said.

Ms Penalosa and other witnesses said an exhausted Mr Magallanes was simply washed away amid the torrent of water.

Neighbours found his body on Sunday, along with 28 others who perished amid Manila's epic flooding. The official death toll stands at 100 with 32 missing.
Standing next to his coffin, Mr Magallanes' parents paid tribute to their son.

"He always had a good heart," said his father, Samuel.

"We had already been saved. But he decided to go back one last time for the girl."

His mother, Maria Luz, wept as she described her son as incredibly brave.

"He saved so many people, but ended up not being able to save himself."

copied from: http://www.theage.com.au/

Friday, September 25, 2009

My Own Qoutes


Here's the list of my personal qoutes:
1. I should love myself first because i can only give what i have in my own self.
2. Expectation ruins everything, so i don't need to expect, i just have to believe.
3. I can't dictate the course of the wind but i can always adjust my sail.
4. Determination will always play a vital part in achieving my dreams.
5. What i decide today will affect my tomorrow.
6. Pray hard, it works!
7. Live in reality not in fantasy land.
8. Friends may come and go but my family will stick to my side and will accept me for who i am.
9. Love your work like there's no other job in the whole universe.
10. Life is a puzzle but how to solve it lies in our own hands.
note: image taken from google

Wednesday, September 23, 2009

Pahina

Nakakabagot
Ang pagbuklat
Ng bawat pahina
Ng aking sinulat

Ang bungad ay masaya
Puno ng pag-asa
Nakangiti
Tumatawa
Ang bawat taludtud,
Emosyong sanga-sanga,
Nangangapa
Sa takipsilim

Ang indayog ng bawat kabanata,
Sinasabayan ng musika,
Mabagal o mabilis na tempo,
Kakayanin, hindi tatakbo.

Ang tangkay ng dahon,
Nalalagas
Katulad ng kandilang
Naupos sa aksaya

Saklaw ng pahina
Ang banayad na ligaya
Ang lalim ng kirot
Ng pusong umasa

Luha'y mistulang tinta
Sa papel na hawak
Kusang dumadaloy
Sa impit na paghinga

Ang pahina ng buhay
Tuloy ang pangungusap
Iba't ibang bantas ang gagamitin
Ang tuldok ay malayo pa.

Friday, September 18, 2009

Hidden Beneath


Early morning starts,
With breaking the brittle spirit,
Unfathomable decision,
Brings rages beneath my soul.

I am here once more,
Deprieved
Tortured
Abandoned

I listen in silence,
As the shadows reappear,
Agony of deceptions,
Reign in my ears.

I ignore the laughter,
To unleashed the pain,
But the inner voice scream,
Now or never.

Wickedness of selfishness,
Brought illusion and wrath,
The castle that once standing,
Gone in the wind.

Shallow mind and fatal assumption,
Somewhere,
The plight begun,
But in my heart a forgotten one.

Hidden beneath, the love that is mine.

Monday, September 14, 2009

Chasing ME


I have plenty of disappointments, eventual achievements and many lessons learned. Today when i woke up i tried to listen to the absolute confidence voice with in me. It's been almost half a year that i live in shadow. Maybe, i'm also in denial. I ignore the truth for it hurts me so much. I put a different image in my mind and from there i created a different scene. Wishful thinking provides significant changed but it never last.

I devoured every books i could lay on my hands to enhance my knowlege in dealing with my broken heart. Dr. Phil Mc Graw, Joyce Meyer, Mitch Albom so many to mention author yet i arrived empty handed. It only helped to relax my mind but the truth on these matter i always go back to the first step. I felt totally disconnected with my body, like my mind has its own world and my heart wants a different environment too.

I was deceived and humiliated in a very lowest form i could imagine but has given forgiveness easilly. Is it because i love the person so much or because i was raised not to entertain madness in my heart? Is it really wrong to get mad? I always keep mum and stay patient even if its suffocates me because hiding my real ordeal give me sense of assurance that i am capable of moving on. But the sad part i forgot the sense of leaning on to somebody. I shut them out in my system for i dont want them to be part of my burden but as my Mama told me, they too can feel the pain. The more i kept it from them, the more i remain powerless to unload my burden.

It just got to the point where i needed to choose and sometimes there isn't a way to compromise. Broken promises and selfish embraces affects my entire existence. My mind was stuck and stunned. I stared myself in a mirror, bewildered. I am trying to understand why my steps remain unsteady. The wide open path in my front confused me futher.

Yes, it is a truth that i'm still hurting but its also a naked truth that i made my first step in closing the door. I did the first move not the other way around. I remembered vividly the promises i made too but i have no option only to break and unlock the chain that put me in imaginary cell.
I don't want to escape and run anymore. I will face it head up high. I'm tired of pretending, tired of waiting for you to change. Sure, its not easy, it doesn't happen overnight but i believe it will come. Acceptance is the key to find my purpose in life and determination will get me there in the rainbow. (hahaha) Today, i am my own master!

The rainbow is waiting. I knew this time around its for real. I will continue chasing my destiny untill time comes i can say, FINALLY I AM HOME!

Thursday, September 10, 2009

Para Saiyo, Maricris


Hindi ka man lubos na kakilala,
Munting handog sanay mabasa,
Mula sa puso nakikiisa,
Dalangin gumaling ka na.

Naghahangad buhay mo'y dugtungan pa,
Palawigin at ipagkaloob Niya,
Nang sa gayong magabayan ang pamilya,
Sa Paskong darating kayo'y maging masaya.

Wala man kaming maitulong sa ngalan ng pera,
Hindi man ako makabigay ng sapat na halaga,
Ngunit taos pusong panalangin, ang maggigiya,
Mga nakapaligid hipuin nawa Niya.

Sa Diyos ika'y magtiwala,
Walang imposible sa May Lumikha,
Kanyang kapangyarihan walang kapara,
Itaas at isuko, manalig sa pagmamahal Niya.

Wednesday, September 9, 2009

Ang Daan

Saan dadalhin ng mga paa
Sa harapan nakahilera,
Ang pasakit,
Ang pagnanasa.
diretso,
liko-liko'
maputik,
sementado,

Isip tuliro,
Nangungutya ang diwa,
Kinukutkot ang saya,
Ng tigmak na pag-asa.

Sa isang pagpapasya,
Ang daan kumitid,
Naging baku-baku,
At nabulid sa dusa.

Naghihikahos na kalooban,
Kinikitil ang gintong butil,
Tinatabunan ng mapangahas,
At ganid na pagmamaniobra.

Sa daan makikita,
Ang madlang dilat ang mata,
Namamalimos ng konting awa,
Sa kapwa aninong masama.

Sa isang banda,
Isang salo-salong hudyat ng simula,
Masaya ang halakhak,
Ng maskarang lumuluha.

Subalit batingaw ng kampana,
Dumagundong sa memorya,
Tamang daan mahirap,
Ngunit itutuloy ang paghakbang...

Aabangan ang susunod na kabanata!

Saturday, September 5, 2009

Listen


laugh,

for i am defeated,
do not frown in my pain,
just smile on your own.

my misery is mine alone,
do not pretend to care,
because love is behind repair.

sing,

sing the song you used to sing,
hurry for my heart is changing,
take the chance while i'm listening.

the lyrics are not the same,
even the tune is not a music to my ears,
but a knife that keeps me bleeding.

dance,

i won't dance now,
for your steps are different from mine,
rather i'll be your audience for the last time.

i am saving my last dance,
don't ask why?
just go ang never ask a chance.

Monday, August 31, 2009

OFW AKO

Tsai family, lahat ng anak na yan sa USA na nakatira. Ipinagkatiwala nila sa akin ang pag aalaga sa nanay nila.

5 yrs ko siyang inalagaan. Lahat ng responsibilidad sa akin nakasalalay. Sa kamay ko siya nawalan buhay, hindi ko siya pinandirihan, inaring tunay kong magulang.

Matatawag ba akong mukhang pera dahil sa pagluwas ko ng Pilipinas? Noong nawala siya binigyan ako ng kanyang pamilya ng pamana, enough reason para 'wag na ako bumalik sa Taiwan at mamuhay ng maayos sa ating lugar. Ngunit bakit ako andito?

2nd patient ko untill now, cancer patient. Taken in ICU.

Bakit ako bumalik? Dahil sa kanya, may binitiwan akong salita na ako rin ang mag-aalaga at mag-aaruga. Kung pera ang dahilan makakahanap sila ng de kalidad na nurses or caregiver na kalahi nila mismo para mag-alaga sa kanya ngunit bakit ako ang kanilang pinili, isa lang dahilan PAGMAMAHAL na pinakita ko sa kanilang magulang.




Anumang okasyon na pupuntahan ni Yiyeh kasama ako lagi. Never ko naramdaman ang maging outcast sa kanya.

Itinuring nila akong hindi iba, totoong kapamilya.





Ang hirap iwan ng pamilyang iyong minamahal, hindi rin madali talikuran ang trabahong iyong nakasanayan at mas napakahirap isantabi ang nakagisnan mong prinsipyo sa buhay. Ito ang mga unang pagsubok sa yugto ng pagiging OFW.

Lagyan nating ng sustansiya ang isinulat na artikulo. MUKHANG PERA, yan ang salita na umukilkil sa kanyang imahinasyon. Sige, aminin na rin natin na lumuwas tayo para sa pera at para lang magkapera. Ang tanong ko ngayon makatwiran bang ilagay iyon sa kanyang blog?

Lahat ng lumuluwas ng bansa may mga pangarap na gustong maabot, mga bagay na gustong maibigay sa kanilang minamahal at para sa maunlad na kinabukasan. Sa unang salta mo sa abroad ang nasa isip mo pamilya, pamilya, pamilya. Kaya mong ibuwis ang buhay para sa kanila, kaya mong kalimutan ang pansariling kaligayahan kung ang kapalit noon ang katuparan ng kanilang pangarap.
Personally, bakit ba ako nag abroad? dahil gusto kung mabigyan ng magandang edukasyon ang kapatid ko at mga pamangkin. Magkaron ng disenteng tirahan, at makatulong aking magulang. Naabot ko na siguro iyong goal ko para sa kanila ngunit bakit andito pa rin ako sa labas ng bansa?

Hindi na pera ang dahilan kundi pagmamahal sa pasyenteng aking inalagaan. Sa tagal ng oras at panahon na ginugol ko sa kanya itinuring ko ng tunay na pamilya. Hindi na salapi ang rason bakit ako andito sa Taiwan kundi pagtupad sa pangakong aking binitiwan na mananatili ako sa tabi nya hanggang siya ay pumanaw. Ang aking inaalagaan ay isang kanser patient, anytime pwede siya mawala. Pagmamahal ang nangingibabaw bakit ako nanatili hindi pera.


Sunday, August 30, 2009

United OFW Alliance


Declaration of War

Arvin de la Pena's post on Mukhang Pera is a discriminate, reckless, foolish, rash and irresponsible post of one who claimed to be an ex-OFW. It is a barefaced ridicule and contempt of the sacrifices of the Filipino Expatriates and Overseas Filipino Workers by branding them as money-faced, unprincipled, and good for nothing slaves for money in other more progressive countries.

Whether it was a satire or whatever figure of speech he may have wanted to portray in his post, he failed to achieve it. He may have added the statistics of visitors to his blog but it was done in a very distasteful manner.

He is one blogger who has overstepped the bounds of sensitivity and responsibility of a decent mind of an accountable and responsible blogger.

We therefore declare a blog war against this person who continuously persist in exploiting, abusing, and maligning the Overseas Filipino Worker.

This declaration of blog war will only be lifted upon this person's retraction and an apology for his irresponsible blogpost!
I am one of them, asking for understanding and kindness. Being an OFW is not an easy task. Please visit DESERT AQUAFORCE for more details on this matter. Thanks a lot!

Tuesday, August 25, 2009

Respeto ang Sigaw



OFW kami, isang dakilang manggagawa,
Talino at dunong dala sa ibang bansa,
Pilipino kami sa isip, sa salita at sa gawa,
Kami ba'y dapat pang humingi ng pang-unawa?

Hirap ang kalooban na iniwan ang pamilya,
Dinudurog ang puso sa paglayo sa bansa,
Ngunit masisisi ba kami kung mangarap ng laksa?
Kung ang pangarap ang tatawid sa nahihikahos na bansa?

Sabihin ng lumuwas para lang sa sarili,
Para magliwaliw at sumabay lang sa biyahe,
O kaya'y dahil sa nais makamit perang marami,
Tama bang kaming husgahan at kapwa lahi pa ang umapi?

Hindi kami perpekto at mas lalong hindi santa,
Subalit may mga tao pa ring hangad ay maganda,
Nanatiling mabuti at tapat sa sinumpaan sa dambana,
Kaya hiling namin pagmamahal at pang-unawa.

Masama bang mangarap na umunlad?
Masama bang ibigay ang buhay na may dignidad?
Respeto ang aming sigaw at hangad,
Sa kababayan na tila ba nakapinid ang utak.

Thursday, August 20, 2009

Bagong Simula


Ilang buwan na ang lumipas,
Tinanggap ang pagsubok na wagas,
Sinikmura ang mga salitang mapangahas,
Sa paghahangad na maiba ang balangkas.

Ito ang sarili unti-unti ng nakakabangon,
Sa makasariling nagmamanipula noon nakabaon,
Matalas na pananalita laging bibig ay tikom,
Subalit ngayon nakatayo sa gitna ng mga hamon.

Ang buhay na ito ay pag iigihan,
Makikinig sa dikta ng isipan,
Puso ipapahinga ng sapilitan,
Upang wagas na pag-ibig muling makamtan.

Ang ilaw man na hawak kahit aandap andap,
Ito'y magiging liwanag sa dilim ng pangarap,
Aakyat sa tore, dadamhin ang paglingap,
Pangarap aabutin kahit na napakahirap.

Ito ang bagong simula ng isang gumamela,
Mas matapang, matatag at masaya,
Pait iwawaglit at kakalimutan ang kabanatang nauna,
Aasa sa bahaghari andun ang ligaya.

Monday, August 17, 2009

INSPIRING BLOG AWARDEE



Kahapon may nagpadala ng mensahe sa akin sa YM, tinatanong niya ako kung nakuha ko na daw ang badge. Hindi ko maintindihan ang sinasbai niya kasi una hindi ako aware na makakatanggap ako o mapapasali sa mga mapipili nila. Ang daming deserving na matagal na sa blogshere pero sobra akong natuwa na napasama ako.

Una, matagal kung binasa ang mga nanalo & saang kategorya sila napabilang, iyong iba hindi ko kilala kaya minarapat kung bisitahin ang kanilang pahina. Maraming beses ko pinag-isipan ang nakuha ko INSPIRING BLOG...Dinala ako sa malalim kung pag-iisip ito ba ay isang sign na galing sa KANYA o sadyang nagkataon lamang? Sa hirap ng pinagdadaanan ko naisip ko ng huminto magsulat o mag blog. Kaya napatanong ako sa sarili ko sa dami ng pwedeng mapunta sa akin na kategorya bakit sa INSPIRING BLOG PA.

Ang totoo minsan pag nag-iisa ako masyado na akong pinanghihinaan ng loob. Maraming kawing-kawing na katanungan sa aking isipan na patuloy kung hinahanapan ng sagot. Kaya noon makita ko ang award, sobra akong natouched. Sa kabila pala ng mga nangyayari may magandang bagay pa akong dapat ng ipagpunyagi dahil may mga taong naniniwala pa rin sa aking kakayahan. May mga taong handang magpasaya sa akin at bigyan ng katuturan ang munting bagay na naiaambag ko sa blogsphere.

Ako ang nainspire nyo, ako ang nabigyan nyo ng pag-asa na ituloy ang nasimulan. Aking hahawakan ng mahigpit ang lakas na inyong binigay at patuloy na pagbubutihan ang pagsusulat. Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng KABLOGS. Isa kayo sa magsisilbing inspirason ko para ipagpatuloy at mas lalo pang pag-igihan ang pagsusulat. Tinatanaw kung malaking karangalan ang mapabilang sa ganitong klase ng patimpalak.

Mabuhay tayong lahat!

Friday, August 7, 2009

Nagbabalik ang Gumamela



Ilang linggo na ba akong nawala? Pakiramdam ko ang tagal na...

Nagpahinga ako saglit sa pagnanais na makapag isip ng maayos, iniwan ko muna pansamantala ang blogging dahil gusto kung 'wag magpaka emo sa mga post ko. Habang wala ako sa mundo ng blogsphere nagpaka busy ako sa pagbabasa ng TWILIGHT SERIES, inayos ang mga box na aking ipapadala sa Pilipinas at nagtapon ng mga gamit na hindi ko na kailangan pa.

Ang iba dito may konting idea siguro sa pinagdadaanan ko, ang iba naman sa pamamagitan lang ng sinusulat ko pinagtatagpi-tagpi nila ang nangyayari.

Nagbabalik ako na may masayang pananaw. Mahirap ngunit kailangan kung kayanin para sa mga taong naniniwala sa akin at nagmamahal. Sa mga kaibigan ko na walang sawang sumusuporta sa akin kahit na sila mismo nahihirapan na rin sa katigasan ng ulo ko ngunit hindi nila ako binigo at hindi nila pinaramdam sa akin na nag-iisa ako. Maraming salamat sa mga unexpected friends na hindi ako iniwan. Sila ang aking inspirasyon ngayon. Sila ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin na sa kabila ng lahat ng sakit na aking naramdaman, may mga bagay pa akong dapat ma cherish.

Ang taong buong tapang na dumamay sa akin sa Gitnang Silangan. Maraming salamat, ramdam ko nahihirapan ka rin intindihin ang mga dahilan na sinasabi ko ngunit patuloy ka pa rin naniniwala na lahat magiging maayos. Kapag masaya ako hindi kita masyadong napapansin ngunit sa panahong kailangan ko ng karamay ikaw ang unang taong nagbigay ng kalinga at taos pusong pagmamahal. Salamat sa pagtitiwala at sa tapat ng pagkakaibigan.

Sa bawat butil ng luha na pumatak sa aking pisngi hindi ko pinagsisihan dahil lahat ng nangyari nagbigay sa akin ng madaming pagkakataon para makita at mapahalagahan ang mga bagay na pansamantala kung nakalimutan. Akin ng hahawakan ang aking buhay at mas lalo kung pagtitibayan na abutin ang mga pangarap na aking nakaligtaan.


Katulad ng gumamela sa itaas, mag uumpisa akong baon pa rin ang good values na aking kinamulatan. Pag-iigihan ko pa rin na gumawa ng mabuti sa kabila ng pinaramdam sa akin at pagsisikapan kung abutin lahat ng pangarap ko sa mabuting paraan. Sisikapin kung mapalawak ang aking pakikipagkapwa. Alam ko walang imposible sa KANYA.


"I WILL TRUST HIM"

Thursday, August 6, 2009

Buwan At Bituin


Ang kalangitan ay maaliwalas,
Nahawi na ang makapal na ulap,
Ang mga bituin kumikislap ng may galak,
Liwanag ng buwan ay niyayakap.

Ang talang nagniningning nagtatanong,
Buwan ay malaya at matayog,
Sa gabi naghahari ngunit bituin nalulungkot,
Kapwa tala buwan ay dinudumog.

Sinag ng buwan tala ay natatabunan,
Bituin nakaharang sa daanan,
Buwan gustong lapitan subalit nag-aalangan,
Sa estado ng buhay bituin isang hamak lamang.

Sa isang iglap buwan ay namasyal,
Kanyang kaharian tiningnan at dinalaw,
Ang talang nag-iisa biglang nilapitan,
Doon nagsimula magandang pagkakaibigan.

Ang buwan ay makwento at madaldal,
Ang daming tanong at gustong matuklasan,
Nawili sa pakikipag usap, masasalamin kasiyahan,
Umusbong daw ang paghanga at pagmamahal.

Hindi masagot ng bituin ang dinudulog,
Kailangan pag-aralan ang lahat ng kilos,
Bituin nag-iingat ayaw ng maging marupok,
Minsan ng nadaya, pagkatao natupok.

Friday, July 24, 2009

Gintong Aral



Ang butil ng pakikipagkapwa ay hawakan,
Subukin man ng panahon 'wag pakakawalan,
Ang kapwa ay karugtong ng buhay,
Walang mabubuhay mag-isa sa Sandaigdigan.

Unang gintong aral sa tahanan,
Respeto at pagmamahal mula sa magulang,
Pagtanggap ng lubos at pagiging pantay-pantay,
Mula sa magulang na nagmamahal.

Sa Paaralan nahubog ang pagkatao,
Nilinang ang angking kakayahan at talino,
Magtiwala sa sarili at abutin ang pangarap,
Kabutihang loob itanim sa isip at puso.

Ang Diyos laging nakamatyag,
Sa lahat ng kanyang nilikha,
Tumawag lang sa Kanya,
Ang tulong ay makukuha.

Kaninang umaga pumunta kami sa barber shop ng alaga ko. Madaming tao ngunit inuna nila si Yiyeh sa dahilang matanda na siya. Habang ginugupitan siya, nagbabasa ako ng Twilight Series (nasa book II na ako). Super naadik ako sa novel na ito, na pati sa pagtulog ko dala ko sa aking kamalayan. Hindi ko masyadong pinansin ang gumugupit sa alaga ko kasi lagi naman kami doon pumupunta buwan-buwan. Ngunit bigla akong napatingin, hindi siya ang taong nakasanayan na namin. Tinigil ko ang pagbabasa at tiningnan ko ang kanyang ginagawa. Hindi ako satisfied sa nakikita ko kaya nilapitan ko. Sabi ko hindi ganyan ang hairstyle na gusto ng alaga ko. Sinagot lang nya ako ng walang emosyon na TRUST ME! Tapos sinabayan naman ni Yiyeh, Gemma he's an expert, he knows what hes doing. TRUST HIM!

Bumalik ako sa upuan na lito at parang nagmarka sa isip ko ang sinabi nila TRUST ME, TRUST HIM! Bigla kong naisip paraan ba Niya iyon para ipakita at iparamdam sa akin na kulang na ang aking paniniwala? Kailangan ko nga sigurong ipagkatiwala sa kanya ang lahat. Ipaubaya sa Kanyang kapangyarihan ang mga bagay na sadyang nagpapahirap sa akin.

I will trust HIM!
I will trust HIM!

Tuesday, July 14, 2009

Damdamin



Sumisigaw,
Nananaghoy,

Pinipiga ang damdamin,
Nasaid ang puso,
Pumatak ang luha,
Humalo sa kirot.

Lumiligwak,
Inilulugso,

Nakahandusay sa gilid,
Mata'y dilat sa sakit,
Bulagsak na paniniwala,
Nilamon ng pag aatubili.

Dumanak,
Tumigis,
Layang naamis.

Ang mga mithi at nimdim,
Inaabot kahit madilim,
Laksang pasakit man ang kumitil,
Hahawakan ang gintong butil.

Itatanim,
Isasagawa,

Kaya ako tumakbo,
Hindi para lumayo,
Kundi humarap sa wasto,
At mayakap kung sinu ako.

Wednesday, July 8, 2009

Lost Soul


I am seeking for a path that will lead me to my inner peace. Too much betrayal kills my self worth. Doubts arises like flood. I am trying to pick up all the shattered pieces of my life but along the way the storm crashed me again. I'm so tired of being strong all the time yet i need to walk forward even if it's too difficult.

Would you give up your vengeance against someone you hate if it meant saving someone you love? (from a novel CHANGE OF HEART)

Sunday, July 5, 2009

Pagwawakas




Ang takdang panahon ay sumapit,
Kahit na mahirap, mata'y ipipikit,
Pangakong inilalatag at sinasambit,
Hindi na madadala o makikinig.

Balde ng luha ang nawala,
Sakit na pinadama walang kapara,
Ang panloloko sa isip hindi mawawala,
Sarili nanlumo, nanghina at dapang-dapa.

Iiwanan ang kahapon, hindi na babalikan,
Ang pagtalikod gagawin na ng tuluyan,
Iiwasan lumingon sa gitna ng laban,
Sa piling mo pipiliting kalimutan.

Ang kwento lalagyan na ng tuldok,
Libro isasara, kakalimutan ang dagok,
Muling tatayo aakyat sa tuktok,
Sa itaas ang punta hindi pabulusok.

Pipiliting mag-umpisa na masaya,
Kakalimutan ang bakas ng trahedya,
Mamahalin ang sarili ng walang nagmamanipula,
Pagkatao bubuuin ng may takot sa Kanya.

Sa pagwawakas aral ay napulot,
Sarili ingatan at 'wag ilublub,
Ipaglaban ang karapatan sa taong baluktot,
Huwag hayaang mapuwing ng alikabok.

Friday, July 3, 2009

Lessons In Life


I am a lost soul. My journey is becoming so dim that even my own self question who really I am and the person i want to be...



But in every hardship that comes along my way I still have faith in Him. I may struggle a little bit but in His right time i will be free...



I will always lean on in His promise, Eternity. No matter how wrong I am, no matter how bad i become I'm still counting on His love...His love save me through His only Son Jesus Christ.

Tuesday, June 30, 2009

Kandungan


Para kay Kuya Ching (ito'y kathang isip lamang, walang katotohanan!)

Nagpapakasarap sa hain ni Eba,
Nakalatag na putahe kakaiba,
Sinasabayan pa ng indayog na maganda,
Musikang pumailanlang, nahalina.

Ang Adan nagtampisaw sa saya,
Ninamnam ang lahat walang itinira,
Kinalimutan ang anak at asawa,
Siya daw binata at walang pamilya.

Ang maybahay ulirang ina,
Lahat ginagawa, anak inaaruga,
Asawa pinagsisilbihan buong pusong kinakalinga,
Ngunit pundasyon ng kasal malapit ng masira.

Ang uod sumasayaw sa tukso,
Adan nawiwili, pagtatampisaw naitatago,
Lumangoy sa ligaya, inangkin ng lubos ang bago,
Sumisid sa kailaliman, isip ngayon nalilito.

Ang Adan hindi pa makuntento,
Ang isa naging tatlo umabot pa sa walo,
Nabulag ng pagkakataon at pagnanasang makamundo,
Nakalimutan ang sampung utos dinagdagan ng bago.

Ang kama sumasayaw , umuuga,
Pinagsaluhan bawal na ligaya,
Gabing mga nakaw nakasanayan na,
Inangking bawal ay isa ng tama.

Ang kandungan ng iba nagpapainit ng dugo,
Dagdag pogi points sa pagiging macho,
Ngunit hindi na alam saan magtatapos ito,
Ang karma dumarating katulad ng delubyo.

Dapithapon




Isang araw na naman ang malalagas,
Ang ngayon magiging alala nalang bukas,
Isang hakbang sa isa pang landas,
Sa indayog ng kantang kupas.

Sa tuldok nag-umpisa doon din magtatapos,
Likha ng makata, ngayon nakagapos,
Ang umaga ang maghuhusga at tatapos,
Aabangan ang huling pagtutuos.

Ang hampas ng alon sa dalampasigan,
Tila ba perlas kung pagmamasdan,
Tulad ng buhay, ito'y gintong dapat paghirapan,
Bawat butil ng pagpupunyagi ay isang kasaganaan.

Ang orasan hindi mapipigilan,
Iikot ang mundo, kahit pa hawakan,
Ang pagsapit ng hapon, isa na naman katanungan,
Umaga kaya'y muling masilayan?

Iguguhit ang obra-maestrang larawan,
Magagandang nangyari hindi iwawaglit sa isipan,
Mamamahay sa puso at katinuan,
Ang buhay ay mahiwaga, walang nakakaalam.

Lahat ng nangyari ay magtatapos,
Ang kwentong nilikha, mga aninong nakagapos,
Magiging malaya sa lahat ng dahas,
Sa isang bigkas ng tinig ng nasa Itaas.

Ang dapithapon ay sumapit na,
Paglubog ng araw, dala ang alaala,
Ang bakas nakakintal sa darating na umaga,
Bukas sisikat ang araw na masaya.

Monday, June 29, 2009

Bulaklak at Paru-paro




Isang tanawin sa hardin,
Makulay na bulaklak,
Paru-parung misteryoso ang dating.

Umaalingid
Nagbabantay
Nakaabang

Masayang pinagmamasdan,
Bulaklak na gustong maangkin,
Gustong dumapo ngunit alanganin.

Bulaklak ay nabugbog ng kahapon,
Mapusyaw pa ang kulay,
Hindi pa tamang pitasin.

Ang paru-paro ay lumapit,
Kinausap ang gumamelang masungit,
Ngunit paru-paro hindi makadikit.

Ang paru-paro ay nag-aalala,
Gumamela ay malaya na,
Baka madaming dumapo pang iba.