Ano ang first impression mo sa salitang OFW noong hindi ka pa nagtatrabaho sa ibang bansa at ngayong ganap ka ng OFW?
Madalas nating marinig na hanggat wala ka sa sitwasyon hindi mo talaga malalaman kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging OFW. Hindi biro ang kanilang sinuong para sa kanilang pamilya at katuparan ng kanilang mga pangarap. Sa pag-abot nito, kaakibat ang sakripisyo at pagtitiis, hindi mabilang na agam-agam at iyak, at hindi maibibigyan ng titik ang lungkot na kanilang naranasan.
Jho Tañoan: Hindi ko pinangarap na maging ofw nun kaso lang ng dahil sa dating
kung partner napilitan me mag, aply abroad.. Kaya ngayun nag, titiis na
aq ng subra subra. Nakapag sisi masarap mamuhay sa sariling natin bansa
na walang amo sarili mo kilos gawa.
Alynna Cubio: Nung
nasa pinas ako gusto kong mag abroad malaki sweldo at makakaipon, noong
andito na ako sa abroad malaki nga ang sweldo lumaki nman ang gastos
nakakaipon naman talaga puro nga lang resibo. Malayo sa pamilya mag isa,
malungko at puro tiis, iyan ang tunay na salitang OFW.
Enrico Bautista: Alam ko na mahirap dahil bago ako maging OFW eh 7 na kapatid ko ang OFW. Pero pinilit ko pa rin pumunta dahil kailangan ng aking mga anak at asawa ayaw ko na umasa sa mga kapatid ko. At isa pa kaya kami pinag-aral ng kapatid ko para makakita g magandang trabaho.
Enrico Bautista: Alam ko na mahirap dahil bago ako maging OFW eh 7 na kapatid ko ang OFW. Pero pinilit ko pa rin pumunta dahil kailangan ng aking mga anak at asawa ayaw ko na umasa sa mga kapatid ko. At isa pa kaya kami pinag-aral ng kapatid ko para makakita g magandang trabaho.
Instrument Maintenance
Safety officer
Proud OFW SAUDI BOY
Safety officer
Proud OFW SAUDI BOY
Rhemy G. Lim Ako
noon iniisip ko ang galing nila ang swerte nila nakarating sila sa
ibang bansa marami silang pera maginhawa buhay. Pero nung ako na ang
nag abroad at gnun din ang tingin ng lahat sa akin hirap ako mag
paliwanag sa lahat kasi MA's matindi pa ang expectation
nila sa iniisip ko dati sa mga ofw. Db tyong mga ofw LNG ang nkkaalam
ng totoo sa ating sarili my mga swerte tlga totoo yun meron nmn sadyang
di pinalad sa bansa ng knilang pinuntahan base po sa aking experience
lahat yan nangyari sa akin.
Rudy Salas nuong
hindi pako ofw,tingin ko sa kanila mapera..pero nuong naging ofw ako
dito ko nakita kung papano kahirap mangibang bansa...malayo sa
pamilya,at nagiisa sa oras na may sakit...super duper sakripisyo talaga.
Babay Budzal ako
sa salitang abroad noong maliit pa ako sabi ko sa sarili ko magtrabaho
ako kasi para makatulong sa pamilya ko at matulungan ko mga kapatid ko
dhil alam kong doon sa malyong lugar ay marami clang pera kc nkita ko
pinsan ko omowe ng pinas pero hnd kopa
alam kong anong date noon parang 1998 noon kong hnd ako nag kka mali
pero ni minsan hnd nya binanggit ang buhay abroad dti ang cna sabi lang
nila mkkaya ko ba mg trabaho at wlang atrasan pero hnd nya tinoloy ang
pg riquis sa akin pero lumowas ako ng manila para mg hanap ng agcy para
mg abroad murang idad kopa noon mg 16 pa ako pero sa awa ng god natuloy
ako.
Ophel Novesteras May
PERA pero ng naging OFW ako hirap na ma hiwalay sa pamilya . Dito ako
naturo maging matatag at mayabang pasensiya sa mga amo
Angel Heart Sabi
ko dati,pg-abroad ka mapera ka kc pg-uwi ng pinas bili d2,bili dun,inum
d2 inum dun,galante parang ang dali ng pera kapag abroad lalo n kapag
ngpadala kna sa pinas..pero ng ako mismo ng abroad,ganito pla Buhay
OFW/Abroad masarap pakinggan pero d2 mararanasan
lahat ng hirap n di mu nararanasan sa pinas ang pagiging independent
mu..tipid sa lahat ng bagay,nakangiti n lng sa harap ng camera,ngkasakit
ka kaw mismo mg-aalaga sa sarili mu,tapos minsan may maririnig o
masasabi din cla sayo kapag d k ngpgpadala o ndi mu pinautang ang
umuutang sayo,sasabihin p nla porker abroad kna ngbago at mayabang
kna..hahaha,masakit man pero totoo ngpabago kmi kc ndi pinupulot lahat
ng pnghirapan namin..god is good all the time,lahat ng pnghrapan may
magandang kapalit, sipag at tyaga lng..mabuhay lhat ng OFW,saludo po ako
sa inyo mga kababayan ko..ingat po!
Aisa Jane Panambay Musa akala
ko ang sarap ng buhay abroad, pero oo minsan masarap minsan mapait,
pero sa dami ng pinag daanan ko dto sa abroad mas lalo akong nagiging
matatag
Imalda Ramos Kala
ko yayaman ako kapag naging OFW. Bahay pera, lupa at
anu anu pa mabibili ko. Noong nasa abraod nko hindi pla ganun kadali kumita ng
pera.. May sahod ka pero may pamilya ka din. Kailangan mong magtiis at magsakripisyo. Di bali ang walang matira
saiyu basta masaya lang sila... Kya ako hangang ngayun resibo lang ipon ko.