Ako ay si Hazel Rosimo, kauuwi ko lang noong nakaraang buwan. Anim na taon kung ginugol ang panahon sa bansang Malaysia. Hindi ako first timer na OFW dahil noong 2008 nagtrabaho din ako sa Jeddah as domestic worker. Hindi ko tinapos ang kontrata dahil sa hindi magandang treatment ng aking amo sa akin. Nagdesisyon akong umuwi na lamang ngunit dahil sa kagustuhan ko talaga na mapag aral ang aking anak at mabigyan ng maayos na buhay muli akong nakipagsapalaran sa Malaysia.
Maayos ang pakikitungo sa akin ng aking amo sa Malaysia, itinuring nila akong kapamilya. Naisasama ako sa pamamasyal sa ibang bansa, kung ano ang pagkain nila iyon din ang pagkain ko, naibibigay ang personal kong gamit pero kapag usapang sahod na medyo below minimum wage ako. Kung sa trabaho mahirap dahil ang alaga ko ay isang special child, minsa nasasaktan niya ako pero bilang nanay na rin iniisip ko ang sitwasyo niya at ibinibigay ang lahat ng atensyon sobra pa sa pagmamahal at pag aaruga na inaasahan nila.
Last month umuwi ako, at nagdesisyon na huwag na bumalik dahil gusto ko rin mabantayan at maalagaan ang nag-iisa kong anak na lalake. Nasa Senior High School na siya, ayaw ko na lumaki siyang hindi ko nakikita at nakakasama. Ang aking asawa ay katuwang ko din para mapalaki namin ng maayos ang aming anak.
Mahilig akong magluto. Noong nasa Malaysia pa ako, through you tube nag-aaral ako ng baking. Anuman ang napapanood ko, ginagawa at niluluto ko. Ngayon ito ang pinagkakaabalahan ko at dito ako kumikita. May mga umoorder na kaibigan ko, sila na rin ay nagrerecommend ng ibang tao na bumili sa akin. Nag open na rin ako ng facebook page, Angel Cakes and Pastries.
Nag aadjust pa rin ako sa maliit na kita at buhay dito sa Pilipinas. Mahirap pero walang katumbas na makita ko ang sama sama kami ng pamilya ko.