Pagkamuhi sa sitwasyon,
Niloko,pinaasa sa pangakong patay,
Inalipusta, kinain ng buhay.
Ang pangil nakaabang,
Handang manakal, manibasib,
Sa gitna ng gutay gutay na dangal.
Di alintana ang sikdo ng damdamin,
Lakas ay balewala sa isang kampay,
Nang sadistang manlalakbay.
Bugso ng damdamin umiiba,
Komokontra sa dapat na ruta,
Iba ang tinitibok sa nakikita.
Ibig ipahiwatig ang isang himig,
Pagpapatawad, ngunit puso ay nasaid,
Paglimot ang dapat kaysa pagpanggap.
Niloko,pinaasa sa pangakong patay,
Inalipusta, kinain ng buhay.
Ang pangil nakaabang,
Handang manakal, manibasib,
Sa gitna ng gutay gutay na dangal.
Di alintana ang sikdo ng damdamin,
Lakas ay balewala sa isang kampay,
Nang sadistang manlalakbay.
Bugso ng damdamin umiiba,
Komokontra sa dapat na ruta,
Iba ang tinitibok sa nakikita.
Ibig ipahiwatig ang isang himig,
Pagpapatawad, ngunit puso ay nasaid,
Paglimot ang dapat kaysa pagpanggap.
7 Share your thoughts
bugso ng damdamin, di mapigilan..
masakit, masaya..ano bah..
lolz..lalim po nito ha..pero ganda..
bhing,
Sano anurin ang damdamin niya sa tabing dagat.... at ikaw ay mapunta sa malayang lugar kung saan naghihintay ang isang magiting sa gitnang silangan..
ching
kung hindi kita kilala ng wanport.. hindi ko maiintindihan ng sandaang porsyento ang tulang ito.
may punto si Ching... "baka" doon ang kapalaran mo. kinailangan lang talagang masaksihan ng iyong mga mata ang mga bagay na dati'y hindi mo alam para mas malaman mo kung saan ka pupunta.
gayunman, magpatawad ka sa kabila ng lahat. madami ka sanang natutunan... kagaya ng... "laging bukas ang pinto sa Gitnang Silangan!"
para sa taga-gitnang silangan: (magkano ba ang porsyento ko nito, ha!) lolz!
gisahin ba ako dito, sige sasagot ako....
para sa gitnang silangan, tuloy mo lng laban!(HAHAHA)MAKIKITA MO MAY PATUTUNGUHAN!
awwww...awwww.. i smell romance... ahihihihi!!!
love sequel!
@ azel, maloko ka tlga!
sinu ba kc un?
gawin bng chat box ang comnt page ko...
tnx!
huwaww. Ramdam ko ang bigat ng damdamin. Haaay pag-ibig... :)