Tuesday, March 31, 2009

Reflection

Katotohanang dapat nating hawakan kahit gaano kadilim
ang ating kinakaharap sa buhay.


Ang liwanag na iyan ang sumisimbolo na hindi pa huli ang lahat para magbago. Na sa bawat pagsubok maaaninag ang pag asa galing sa Kanya.




Sunday, March 29, 2009

Bukas Na Katotohanan


Kahapon, kumain kami sa Brother Hotel & Restaurant around Taipei. Umorder ako ng gusto kong pagkain, ganun din si Yiyeh iyong alaga ko ( 96yrs old) a cancer patient pero nagchechemo siya. So far, sabi ng Doctor he's stable kaya allowed kami gumala ng alaga ko.

Masaya ako kasi nakikita ko ang eagerness ng alaga ko na makita ulit ang ibang sorroundings, makapamasyal, after 6 months confinement sa Hospital. Nakakain na niya lahat ng gusto nya, nakakapnta kami sa bookstores, library, parks & mall.

Pero kahapon iyong saya ko nabahiran ng lungkot dahil sa nakita kong kapwa ko OFW. Paano siya tratuhin ng boss nya. 'Di ko malunok ang pagkain, mga fav ko na pagkain sa harapan ko, awa ang nagingibabaw sa akin. Isang Filipina, nakatayo sa gilid ng table ng nagkakasayahang pamilya. Parang posteng nakatayo lang, hindi maalok ng pagkain samantalang ang dami naman pagkain sa table nila. Hindi ko lubos maisip bakit ganun ang treatment nila, tao din iyon, may pakiramdam, nahihiya, nasasaktan & may pride din naman. Gusto ko siyang lapitan, alukin ng pagkain pero 'di ko magawa kasi baka pagmulan pa iyon ng sanga-sanga niyang problema.

Isipin nyo nalang, nakatayo siya sa isang tabi, buti sana if pinaupo man lang, kahit tea di rn mabigyan ng mga waitress. Kapag inuubo iyong alaga nya lalapit siya, pupunasan, tulad ng pagmamalasakit ng isang nagmamahal na kasambahay pero siya asan ang konsiderasyon ng kanyang Amo? Alam kong Pinay siya kasi pasimple ko siyang tinanong, tumango lang siya & pasimpleng ngumiti pero sa ngiti niya mababanaad ang takot na baka mahuli ng amo.

Napaisip ako ng husto, ito ba talaga ang realidad na dapat pagdaanan ng ibang OFW para maibigay ang magandang kinabukasan sa pamilya? Kapalit ba ng dolyar ang dignidad bilang isang tao? Alam ba ng pamilya sa Pilipinas ang tunay na pinagdadaan o sadyang itinatago lamang sa larawan na nakangiti, magandang kasuotan at pekeng halakhak kapag sila'y nakakausap? Hindi ko lubos maisip na may ganito pala talaga, nakita ko. OO, madami akong nababasa na mas masahol pa dito ang sitwasyon, ngunit iba pala sa pakiramdam na ikaw mismo ang nakasaksi, nakakita. Ramdam ko ang dinadala ng taong iyon. Nasa publiko na nga silang lugar ganun pa siya ituring paano na kaya kung nasa loob ng bahay? Iyong walang nakakakita, anu pa kaya ang pagtrato nila? Tanging siya lang ang nakakaalam...

Sunday, March 22, 2009

Pagpapasya


Walang permanente sa buhay kundi pagbabago. May mga bagay na gusto nating hawakan, manatili pero sa pag ikot ng araw sadyang umiiba at nagbabago sa ayaw at sa gusto natin. May mga pangakong sinusubok ng pagkakataon, nadadala sa agos ng kapalaran, nabubulag sa ligaw na nararamdaman & siguro may sadyang kahit gaano natin gusto hawakan ang bagay kusa itong aalpas sa ating mga kamay.

Ang makatarungan & masusing pagpapasaya daw ang magiging susi sa payapang kalooban. Sa bawat disisyon na bibitiwan kailangan isang guni sa isip & puso. Milyong beses na pag isipan at pag aralan ang sitwasyon. Ngunit sa sarili kong pananaw mahirap ang magpasaya lalo na kung napaka komplikado ng isang sitwasyon. Iyong pakiramdam na ayaw mo na, gusto mo ng tumalikod ngunit may kirot ng panghihinayang o kaya'y hawak kamay mo na ang isang bagay ngunit andun ang takot na baka magkamali ka ulit. Sabagay paulit-ulit lang nmn daw, madadapa, babangon, sasaya, luluha, may umpisa & wakas.

Nitong nagdaang araw madaming nagpabago sa aking pananaw. Inisip ko bawat anggulo na dapat kung baguhin, talikuran, tanggapin, & dapat kung makasanayan. Dinala ako sa pagkahungkag, agam-agam, at takot. Lahat na yatang emosyon naramdaman ko sa linggong ito. Paano ko ba tatanggalin ang takot? Paano ko ba kakalimutan ang kirot? Sabi ng isa dyan, kng nagmamahal ka daw ng totoo, ung pagmamahal na iyon ang magdadala sa akin sa assurance na gusto kong maramdaman. Ngunit sabi naman ng kaibigan ko, bakit ka susugal ulit kung nagdududa ka pa rin?" Iyang duda na yan makakasira ng lahat, magtiwla ka."sabi naman ng akin puso pero iyong isip ko minsan natatalo talaga ng puso. Naalala ko tuloy sa librong nabasa ko, PAANO DAW KUNG ANG PUSO MAY SARILING UTAK, O KAYA'Y ANG ISIP MAY SARILING PUSO? Di ba pwedeng gamitin sila ng pantay?

Paano ba magmamahal, masasabing tunay ang nararamdaman? Sabi ng kausap ko kagabi, ang pagmamahal daw ay pagpaparaya. Kahit gaano daw nya kamahal kung hihingin ang paglaya bibigay nya. Napa wow ako kasi bibihira ko marinig ang sagot na ganun, ngunit habang hinihimay ko napaisip ako. Nagmamahal nga ba siya para masabi iyong ganun O sadyang malalim lang ang pang-unawa nya sa salitang pag-ibig? Sa isang relasyon ba kung bibitaw na ang isa kailangan bang umayaw na rin ang isa? O kailangan pang ipaglaban? Alam ko sasagot nyo depende.

Siguro ito ang hiwaga ng buhay na hindi natin masasagot hanggat wala ka sa sitwasyon. Ito ang hiwagang dapat kung tuklasin na sadyang panahon lang makakapagsabi sa akin kung aling landas ang dapat kong tahakin. Sabi naman ng Mama ko sa bawat pagpapasya na aking gagawin dapat kaya kong panindigan, iyong daw ang magsusukat ng totoo kong karakter, ng aking pagkatao.

Sa lahat ng aking pagkalito, sa lahat ng pinagdadaan ko, alam ko 'di ako bibitaw basta basta kasi andyan ang aking pamilya.

Tuesday, March 17, 2009

Sulat Kamay


Azel, ito na iyong tagged mo sa akin, pasensya na medyo natagalan. Madami kasi akong inayos na mga bagay-bagay. Huli man daw ang duling, duling pa rin (hahaha). Gusto ko lang maging masaya sa araw na ito, dahil nitong mga nagdaang araw ang daming nangyari na hangga't maaari ayaw ko sana mangayari pero nangyari na....ang gulo!
I tag no one, kasi halos lahat ng friend ko meron na sila ginawa. Sino kaya nagpasimuno nito? Parang virus na kumalat, ang bilis nga eh, sana ganito tayo kapit bisig kahit saang laban. Natutuwa ako kasi may bago na namang tag legs naman ngayon. Ano kaya ang susunod? Abangan....

Monday, March 16, 2009

Nakikiisa


"GOD WILL MAKE A WAY WHEN THERE'S SEEMS TO BE NO WAY"

Wednesday, March 11, 2009

BROKEN SILENCE


Lately it seems to be going through the motion of uneasiness, like my body & mind is not in the deep sense of connectedness. I'm grasping for breath in the exhaustion of my own strength. I'm caught in the middle of nowhere; no place to go, no one to turn to. Should i go further? Should i step backward or should i remain in my chosen path? My thoughts are racing should I unmask my struggle?

I am a lost soul. I am imperfect. Everyday I'm trying & searching for the path that will satisfy my being. I've encountered so many tribulations, self doubts, morale conviction, expectations of the family and my desire to find my true happiness. Confusions are too muct to bear. My journey is a very tough one. I've traveled a rough road, short distance, and miles away. I've met strangers that touches my life, eventually become my friends. My fate cried & laughed at me. I'm still struggling & trying to cope in my chosen way.

I am a woman. I have the duty to exhibit grace, compassion, and fearlessness. A woman is a light in the darkest home, a hope. As for me being a woman is a very hard task. Our culture pressured me to have kids & family; a model family so to speak. My society expects me to behave according to what they suggest is right. They dictate me to seek solace, contentment in what they think is morally correct. In order for me to be classified as a complete person I should bear child, find a man & get married. These matter complicates things, I have no desire to get married & bear child. Don't get me wrong, I like kids, I love seeing children & I'm happy being with them. Their smiles, laughters & innocent comforts me but I don't have the burning passion in getting pregnant. I dream having a child but through adoption. I'm confident I will be a good mother but I can't offer a model family.

I'm not expecting everybody to understand & like me. I don't clamor for attention & achievement, all I'm asking is a token of respect as an individual. Am I different from others? Am I less human being because of my sexual orientation? Like everybody else I dreamed & longs for being loved, cared, respect & being happy.It just happened I felt it not in a guy. I am not perfect, I have many flaws,I can't claim anything just the fact I'm trying to be fair. Every now & then I commit mistakes,I am a failure, I am a sinner but trying my best to stay true to what I feel. I cry for true acceptance from others. I want harmonious relationship not discrimination in any forms. Oftentimes I am rejected & being judged. They condemned me for being a homo but this is my own choice, my own struggle, my own journey, my chosen direction & my own path. Besides at the end of our lives I'm the only one who will answer Him, who's accountable in my actions & deeds. Sometimes, I'm in the verge of collapsing, too weary to decide & too tired to believe. They say it against the doctrine, how i wish it isn't part of me but i can't keep on pretending because homosexuality is part of me, running in my veins.It is the truth that is too hard to handle. I feel that myself is starting to drift away, the situation is beginning to swallow me like it does everytime I hide my own self.

I am very grateful for those who showed concern & understanding, for all their advices, for the enlightenment, & for the prayers. I am so sorry for not fulfiling their expectations. I really tried hard to followed what they taught me was right but something is missing, deep in myself I'm longing for something. In truth no matter how i tried to ignore my identity, I'm just running away from my true feelings & the most painful part I'm just fooling around betraying my being.

I'm not saying that this is right nor good but this in my personal choice, personal plight, mine alone. Before I'd decided to walk in this path I think a million times the advantages & disanvantages, the effects & results, & the consequences. I won't deny it scared me, it took a lot of courage before I could even admit to myself that this is me. I've begun hating myself. I heard say nasty things about me, gossips, & rumors. They even said I'm disgusting & shameful, the pain is really excruciating to take. Who has the right to say whom should i love? Who has the right to say what's wrong & what's right, who's good & bad? Most of the time I feel I don't really belong, I'M AN OUTCAST. Sometimes treated like a contagious disease abnormal and don't even exist. Equality is far from reach. Perhaps, they're correct & I'm very wrong but everyone of us has the freedom to choose, we are all entitled for free will. What hurt me most when they question my upbringing, no one influenced me or manipulate to become who i am. I am still very fortunate because my family supports me all the way. One way or the other I hurt them but it would hurt them more if I live in shadow, in utopia. I'm willing to risk in order to survive because hiding the real me means death to my being. I'm still trying to do good to others in the way that i know is right but why my personal journey is always being question? Why they keep degrading me? Letting me down no matter how I act in kindly manner? Why can't be all choices simple? I stick to one relationship my very first serious affair. I'm single without any hidden baggage. Why they keep condenming me? What's the difference of being treated as a woman but have multiple partners or married but practice infidelity? Why our society easily accept polygamous affair but rejecting ours? Why it's easy for them to point-out someone flaws not their own? Should i keep mum about it? And accept that this is my mere fate?

Should I turn my back & remain in a closet and be a great pretender? Should i sacrifice my chance on being happy once in my lifetime?

I can't say what the future might hold for me but as of now the important thing I'm free from lies. They can say what they want but they can't crash my will & spirit to stand in my chosen path. What matter most I am who I am.

Monday, March 9, 2009

SHADOWS


Like magician it appears,
In my lonely nights & crazy world,
Shadows of yesterday comes running after me,
Put me in prison & deserted isolation

Excess baggage, extra luggage i may say,
Unfulfilled dreams & a person i want to be,
Insufficient answers, lopsided priorities,
Failure & depression is taking & dragging me.

Pain finally enters, along w/ deep & inexplicable longings,
Rejections and abandonment distracting my senses,
Emptiness resides, boredom is certain,
Images of the past too much for my memory.

Self-denial increases my frustrations
Gigantic tribulations causes severe distractions
Commitments that i've made are likely to fail,
I've miscontruend vanished in thin air.

Broken promises of friends & loved ones,
Somtimes block my willingness to persevere,
Create problems that i don't want to entertain,
But shadows are hard to ignore but easy to attain.

While i am bleeding in the other side,
No friend of mine come to rescue me,
The scene crashed & tried to suffocates me,
Little by little killing my self identity.

My time is ticking hope is behind reach,
Shadows overpowered me, clouded my thinking,
Danger is coming in full lenght,
End of the road, nothing more but darkness
.......my emptiness!

Wednesday, March 4, 2009

Pasasalamat Saiyo, Inay




Ma, maligayang kaarawan. Ang tagal ng panahon na 'di kita nakakasama sa oras ng iyong kaarawan. Sobrang pinanabikan ko iyong oras na makasama ko kayo. Ang dami ng Pasko, Bdays na napilas ngunit 'di ko kayo nakakasama. Tinatanong mo ako kung hanggang kailan ako malalayo sainyo, kung hanggang kailan ako hihinto sa pag abroad...siguro malapit na. Nalulungkot ako isang pahina na naman ng kalendaryo ang nalagas ngunit wala pa rin ako sa tabi nyo. Hindi kita maalagaan, hindi kita maipagluto, mapagsilbihan pero kahit po malayo kayo lahat ng 'di ko nagagawa sainyo ginagawa ko sa pasyente, sa inaalagaan ko. Sana makabawi ako pag-uwi ko sa lahat ng oras na wala ako, sana magsama tayo ng matagal. Hindi ko man lagi sinasabi saiyo, pero ikaw po ang sandigan ko, kayo ang nagpapalakas ng loob sa akin. Basta andyan kayo kakayanin ko, magsasakripisyo ako para sainyo...mahal n mahal ko kayo...


Noon ako' y kalong-kalong at hinahagkan,
Pinadadama pagmamahal na walang katapusan,
Kahit itong anak maligaw andyan ka mamsusumpungan,
Dahil sa pag-ibig mong tunay.

Kumislap ang iyong mata, tandang-tanda ko,
Pag akyat sa entablado, karangalang nagpasaya saiyo,
Mga medalyang isinabit ipinagmalaki sa lahat ng tao,
Yapos sa mga bisig sabi mo "ang galing ng anak ko.

Lumaki akong busog sa pagmamahal & iyong kalinga,
Pangangailangan iyong tinustusan at nagpakahirap ka,
Trabahong panlalaki, ginampanan, iyong kinaya,
Pagod na katawan 'di mo ininda.

Naging haligi at ilaw ng ating tahanan,
Mahinahong pakikipag usap sa pagdidisiplina naging batayan,
Hagupit ng pamalo, 'di ko saiyo naranasan,
Kundi init ng iyong yakap naging sandigan.

Sabi mo pakikipagkapwa-tao 'wag kakalimutan,
Matutong magpakumbaba at mgbigay galang,
Apihin man ng iba, wag magmataas, wag gagantihan,
Ipagdasal at ipasa Diyos na lamang.

Maraming beses akong naging sakit ng iyong ulo,
Damdamin sinugatan, damdamin saiyo binato,
Luha'y naging kasama mo sa paglaki ko,
Sapagkat mahal mong anak, minsan matigas ang ulo.

Pagsubok dumagan sa anak mo,
Sariling buhay binalak kong kitlin, ki Kamatayan nakipaglaro ako,
Sapagkat isang trahedya sa akin bumilanggo,
Ngunit pang unawa mo'y sadyang walang makakatalo.

Ako'y natutong sumuway sa mga kagustuhan mo,
Magsinungaling at barkada nakaulayaw ko,
Akala ko kasi matapang at matatag na ako,
Ngunit ako'y nabigo luhaang bumalik saiyo.

Salamat Inay at lagi kang nandyan,
Lakas at tapang mo sa akin binigay,
Init ng iyong yakap muli kong naramdaman,
Lagi kang nag aantay at nag aabang sa ating tahanan.

Inay, maligayang kaarawan,
Nawa'y pagpalain ka ng May Lalang,
Nais kong iparating ika'y minmahal,
Dakila ka at nag-iisang huwaran.

Sunday, March 1, 2009

Apat na Daga sa Himpapawid

Isang kwento ng apat ng makakaibigan, iba-iba ang personalidad pero sila ay nagkakaintindihan, sama-samang nilalakbay ang hiwaga ng pagiging OFW, nagkakaisang binabagtas ang daan malayo sa pamilya at bayang sinilangan.

Una kong nakilala si Dagang Mapanglaw. Sa confe yata un ng isang grupo. 'Di ko alam nagmamasid lang pala siya, nakikiramdam. Tapos tinanong nya ako if pwd makuha ym, sabi ko naman "feel free to add me" pero 'di ko expected na makulet pala siya. Nakipag usap siya sa akin, araw-araw, sa una tinarayan ko pa siya pero sa kalaunan ang dagang mapanglaw naging masaya. sabi nya mag blog ka, "sa isip ko anu un" binigay nya sa akin ang link, iyon ang simula na adik na yata ako sa blogging.

Una kong dinalaw ang blog ni Dagang Tatay, hanep! nakita ko si Debed Kuk, kasama nila sa pictures, natawa ako sa way ng pagdeliver nya ng ideas, nakakawala ng stress, sa kalaunan naging ka blog ko na, taga puna, taga ayos ng page ko. Siya din naka hot seat sa akin, point blank-blank. Sa kalaunan tinatawag ko ng Prof Jhimbo.

Sumunod si Dagang Vietkong, tahimik. misteryoso ang dating. Bihira magsalita, pero may laman ang sinabi sa akin AMAW DAW AKO! "di ko alam ano ibig sabihin ng salitang yon, pero okey lang at least unique sa pandinig ko. Anu man ibig sabihin nun flaterd ako (hahaha).

Pang apat kong nakilala si Dagang Matinik (hahaha). Makulet, super! madaldal, mag pm nya sa akin gumugulong na tawa tapos madaming hahahahaha. Sabi nya binata daw siya pero apat na ang anak puro panganay (may misis uno,dos,tres & kwatro). Sabi nya mahal nya ang pamilya, iba daw ang original, dun at dun pa rin siya babalik. May bago akong natutunan sa kanya ing-ing naman daw ako. 'di ko rin alam ano ibig sabihin pero ayos lang basta sila lang tatawag ng ganun sa akin kasi pag iba na 'di na ako flaterd baka sapuk ang abot sa akin (as if kaya ko naman).

Nakilala ko sila sa 'di sinasadyang pagkakataon, sa panahong 'di ko rin inaasahan ngunit nagpapasalamat ako dahil buong puso nila akong tinanggap, tinuring na kaibigan. Magaan ang loob ko sa kanila, feeling ko anuman at sinuman pwede kong sabihin sa knila. Ang apat na eto magiging kaibigan ko 'di lang sa blog,'di lang sa chatroom kundi kaibigan ko sa aking puso, sa totoong salitang barkada. Sila ang bumubuo ng blog world ko, sila nagbibigay inspirasyon pag malungkot na ako. Nararamdaman ko ang totoong concern nila sa akin, spoiled nga yata ako sa kanila (baka masanay na ako).


Saludo ako sa apat na daga sa himpapawid, nagbibigay pugay ako sa lahat ng oras na binibigay nila sa akin. Sa kanila hindi ko kailangan makinig lang, sa kanila hindi ko kailangan itago ang tunay kong nararamdaman at hindi ko pa sa kanila narinig ang salitang mali ka o masama yan. Lagi nilang pinalalakas ang loob ko pag ako'y pinanghihinaan. Paano ko ba sila 'di pahahalagahan, araw-araw sila kausap ko, until midnight may time sila sa akin. Pinapatawa nila ako, sila na halos bumubuo ng araw ko. Hindi ako mahilig makipagkaibigan sa lalake pero sila nakuha nila ang loob ko siguro dahil totoo silang tao.

May kokontra ba? Magbasa lang kayo, blog ko 'to! (hahaha)


Salamat!

Kaway ni Bb. Gumamela


Madaming nagtatanong sa akin, bakit daw sa dami ng bulaklak pinili ko ang gumamela. Bakit nga ba? Siguro naisip ko iyong gumamela may pagkakahawig sa akin at sa aking personalidad. Tulad ng gumamela, hindi ako kagandahan, hindi ako napapansin. Simple, ordinaryo lng, may sariling mundo subalit kung papapasukin nyo ako sa mundo nyo marunong akong tumanaw ng utang na loob & magpahalaga sa mga bagay na binibigay sa akin. Ang gumamela kadalasan nilalaro ng mga bata, walang magagalit kahit pitasin sa bakuran kasi makalipas ang ilang araw may bulaklak na naman, ganun din ako, I AM A SURVIVOR! Madami akong pinagdaanan sa buhay pero hanggang ngayon lumalaban pa rin ako para sa aking pamilya & mga taong nagmamahal sa akin. Ang gumamela walang tinik, ganun din sa personalidad ko, madali akong magtiwala na kadalasan dun ako napapasama.

Maraming tawag sa akin, iyong iba 'di ko na matandaan...sa makakabasa ito lang ang nakahalukay ng aking utak: ( special mention kay
BOMZZ-IN-IRAQ kasi xia nag tagged sa akin, xia din nag push na gumawa ako ng blog)

BUNSO ang una kong narinig na palayaw ko, pero noong magpipitong taon na ako 'di na daw ako pwd tawagin na bunso kasi may paparating na kapaitid ko. Natatandaan ko umiyak ako nun kc nakasanayan ko na ang bunso pero inagaw n sa akin ang trono.

BING ito ang nakalakihan kong tawag sa akin sa loob ng bahay namin, musika sa tenga ko, hanggang ngayon pag umuuwi ako & nakikita ko matatanda sa amin natutuwa akong kilala pa rin nila ako. Ako lang kasi ang Bhing sa lugar na yun, pero ngayon ang dami na.

ATE BABY tawag ng bunso kong kapatid & mga pamangkin. Ewan pero nakasanayan na ng mga pamangkin ko na tawagin akong ate hindi tita.

BING-BING tawag ng mga kalaro ko, childhood friends & relatives.

KULABING pag gusto nila akong asarin, pag gusto nila akong umiyak or mapikon.

GEMMA yan ang totoong pangalan ko, yan ang tawag sa school & work. Ang layo sa nakagisnan kong palayaw. Tinanong ko sila Mama dati bakit bing ang nagi kong palayaw, kasi may laro sa amin tawag BINGKAY, hilig ko dw ung, kaya nabansag sa akin ang Bing.

GEM tawag ng mga close na classmate ko.

CASPER alyas ko ng nagsusulat pa ako

ATE B yan ang tawag ni Lei Lahabitan sa akin, hanggang gumaya na rin ung ibang Private Closet Members.

Babes ang tawag ng taong nagmamahal sa akin, siguro kasi mataba ako kaya yan ang tinatawag nya. (Babe the movie, baboy)

Fast Fact (humahagibis na katotohanan)

1. Loner ako, mababaw ang luha, mahilig magbasa at magsulat.

2. Hindi ako naninigarilyo o umiinom ng alak

3. PUP activist ako dati, (makabayan kuno pero naninilbihan sa banyaga)

4. Mahilig ako sa pusa

5. Mahilig ako sa milk chocolate

6. Never akong sumubaybay ng soap opera

7. Lumaki ako malapit sa dagat pero 'di ako marunong lumangoy

8. Bicolana ako pero 'di ako kumakain ng maanghang

9. Comfort fud sa akin ang pizza & chicken

10. Mahilig ako magluto, mag-ayos sa bahay pero ang maglaba ibang usapan (kaya nga nauso ang washing machine)

11. Consistent honor student ako

12. Matigas ulo ko ( i can give a hard fight if my principles are on the stake)

13. Organisado ako sa gamit (super, ayaw ko ng kalat)

14. Malambot puso ko sa matatanda ( i am a volunter in World Vision)

15. Maliit pa ako nawala na si Papa

16. Wala na akong masyadong pangarap, mapatayuan ko lang ng bahay magulang ko tama na yun sa akin. kasi napagtapos ko na kapatid & mga pamangkin ko.

Broken Vow

A gracious hands appear,
Gradual vision through my tears,
Melancholy music,

a shield
a light
a promise

My life i shall command,
Can it be right to give my all?
To live on, still in love but yet in vain

comfort long
through love eternity
happiness i feel

Love me for love sake that forever more
I'm just human w/ imperfections,
To fail so,beside of love, the end of love,

sad memories
a shade of grief
a shadow

But love justified
Loving in silence
With my soul, my everything

Pain
Isolate Spirit
A long despair

Will that light come again?
I did not wrong myself
The hope vanished

lonely
abandoned
lose hope in life

From innocent play, i miss the clear
At last i can answer now
I did my very best 'till the end

distorted
decietful desire
false self

If there is love i wonder why?
Why can't be forever?
Why a broken vow?