Ma, maligayang kaarawan. Ang tagal ng panahon na 'di kita nakakasama sa oras ng iyong kaarawan. Sobrang pinanabikan ko iyong oras na makasama ko kayo. Ang dami ng Pasko, Bdays na napilas ngunit 'di ko kayo nakakasama. Tinatanong mo ako kung hanggang kailan ako malalayo sainyo, kung hanggang kailan ako hihinto sa pag abroad...siguro malapit na. Nalulungkot ako isang pahina na naman ng kalendaryo ang nalagas ngunit wala pa rin ako sa tabi nyo. Hindi kita maalagaan, hindi kita maipagluto, mapagsilbihan pero kahit po malayo kayo lahat ng 'di ko nagagawa sainyo ginagawa ko sa pasyente, sa inaalagaan ko. Sana makabawi ako pag-uwi ko sa lahat ng oras na wala ako, sana magsama tayo ng matagal. Hindi ko man lagi sinasabi saiyo, pero ikaw po ang sandigan ko, kayo ang nagpapalakas ng loob sa akin. Basta andyan kayo kakayanin ko, magsasakripisyo ako para sainyo...mahal n mahal ko kayo...
Noon ako' y kalong-kalong at hinahagkan,
Pinadadama pagmamahal na walang katapusan,
Kahit itong anak maligaw andyan ka mamsusumpungan,
Dahil sa pag-ibig mong tunay.
Kumislap ang iyong mata, tandang-tanda ko,
Pag akyat sa entablado, karangalang nagpasaya saiyo,
Mga medalyang isinabit ipinagmalaki sa lahat ng tao,
Yapos sa mga bisig sabi mo "ang galing ng anak ko.
Lumaki akong busog sa pagmamahal & iyong kalinga,
Pangangailangan iyong tinustusan at nagpakahirap ka,
Trabahong panlalaki, ginampanan, iyong kinaya,
Pagod na katawan 'di mo ininda.
Naging haligi at ilaw ng ating tahanan,
Mahinahong pakikipag usap sa pagdidisiplina naging batayan,
Hagupit ng pamalo, 'di ko saiyo naranasan,
Kundi init ng iyong yakap naging sandigan.
Sabi mo pakikipagkapwa-tao 'wag kakalimutan,
Matutong magpakumbaba at mgbigay galang,
Apihin man ng iba, wag magmataas, wag gagantihan,
Ipagdasal at ipasa Diyos na lamang.
Maraming beses akong naging sakit ng iyong ulo,
Damdamin sinugatan, damdamin saiyo binato,
Luha'y naging kasama mo sa paglaki ko,
Sapagkat mahal mong anak, minsan matigas ang ulo.
Pagsubok dumagan sa anak mo,
Sariling buhay binalak kong kitlin, ki Kamatayan nakipaglaro ako,
Sapagkat isang trahedya sa akin bumilanggo,
Ngunit pang unawa mo'y sadyang walang makakatalo.
Ako'y natutong sumuway sa mga kagustuhan mo,
Magsinungaling at barkada nakaulayaw ko,
Akala ko kasi matapang at matatag na ako,
Ngunit ako'y nabigo luhaang bumalik saiyo.
Salamat Inay at lagi kang nandyan,
Lakas at tapang mo sa akin binigay,
Init ng iyong yakap muli kong naramdaman,
Lagi kang nag aantay at nag aabang sa ating tahanan.
Inay, maligayang kaarawan,
Nawa'y pagpalain ka ng May Lalang,
Nais kong iparating ika'y minmahal,
Dakila ka at nag-iisang huwaran.

6 Share your thoughts
Wow!
Napaiyak ang puso ko naalala ko tuloy Mama ko kahit andun na sa kabilang mundo, Pero alam ko mahal na mahal tayo ng ating ina kahit gaano pa tayo ka pasaway hehehe. Naalala ko tuloy pag graduation wala akong ribbon pero may medalya ako TANSAN. Kung di nyo alam ano tansan mag tanong kayo sa koka kola or sa pepsi.(hehehe)
Naka inspire talaga ang tula mo bhing just keep it up... nasa sa iyo ang huling baraha. Lagi nakasuporta para sa iyo at swempre kay tol len.
ching
happy bday kay mama mo...
all the best!
nice poem ;) keep it up!
it got me..
kahit maliit pa lang ako wala na ang mama ko di ko naranasanan ang lahat na naranasan mo sa iyong ina i still feel the connection that our mom's brought us in this world... ika nga wala kapantay..
bhing di mo man kasama mo ngayon mama sa importanteng araw sa buhay niya im sure pinagmamalaki ka niya na naging anak niya..
natunaw ang pakabarako ko dito ah sa tula... it got me a teary eye... may ka opismet lang kaya pigil hahahahahha
bhing ganda ng message mo sa mama mo isa kang tunay na mapag mahal na anak sayang nga lang wla na si nanay pumanaw na kaarawan din niya sa darating na march 10 hehehehe nay kong saan man kayo ngayon maligayang kaarawan sa iyo....
happy birthday sa mama mo:) ganda ng tula mo. :)
@ching, salamat sa pagbisita & pagbigay ng coment...amaw kp rin sa baraha ko(hahaha)
@azel, salamat sa pagbati & sa coment, salamat dn sa chat! i enjoy talking to u...
@prof jimbo, kaw p malakas k sa akin. tnx a lot, d ako mapapagod sa pgsabi ng tnx sau... sa logo tnx! madaming tnx!
@sa di ngpakilala n kilala ko(hahaha)salamat sa lht ng oras mo sa akin, sa pakikinig sa senti moments ko, kht my topak anjn kp rn...bsta jn k, d2 lng ako...muaaahh!hugtyt!
@jee, salamat, hup to get to knw u more...