Apat na Daga sa Himpapawid

Isang kwento ng apat ng makakaibigan, iba-iba ang personalidad pero sila ay nagkakaintindihan, sama-samang nilalakbay ang hiwaga ng pagiging OFW, nagkakaisang binabagtas ang daan malayo sa pamilya at bayang sinilangan.

Una kong nakilala si Dagang Mapanglaw. Sa confe yata un ng isang grupo. 'Di ko alam nagmamasid lang pala siya, nakikiramdam. Tapos tinanong nya ako if pwd makuha ym, sabi ko naman "feel free to add me" pero 'di ko expected na makulet pala siya. Nakipag usap siya sa akin, araw-araw, sa una tinarayan ko pa siya pero sa kalaunan ang dagang mapanglaw naging masaya. sabi nya mag blog ka, "sa isip ko anu un" binigay nya sa akin ang link, iyon ang simula na adik na yata ako sa blogging.

Una kong dinalaw ang blog ni Dagang Tatay, hanep! nakita ko si Debed Kuk, kasama nila sa pictures, natawa ako sa way ng pagdeliver nya ng ideas, nakakawala ng stress, sa kalaunan naging ka blog ko na, taga puna, taga ayos ng page ko. Siya din naka hot seat sa akin, point blank-blank. Sa kalaunan tinatawag ko ng Prof Jhimbo.

Sumunod si Dagang Vietkong, tahimik. misteryoso ang dating. Bihira magsalita, pero may laman ang sinabi sa akin AMAW DAW AKO! "di ko alam ano ibig sabihin ng salitang yon, pero okey lang at least unique sa pandinig ko. Anu man ibig sabihin nun flaterd ako (hahaha).

Pang apat kong nakilala si Dagang Matinik (hahaha). Makulet, super! madaldal, mag pm nya sa akin gumugulong na tawa tapos madaming hahahahaha. Sabi nya binata daw siya pero apat na ang anak puro panganay (may misis uno,dos,tres & kwatro). Sabi nya mahal nya ang pamilya, iba daw ang original, dun at dun pa rin siya babalik. May bago akong natutunan sa kanya ing-ing naman daw ako. 'di ko rin alam ano ibig sabihin pero ayos lang basta sila lang tatawag ng ganun sa akin kasi pag iba na 'di na ako flaterd baka sapuk ang abot sa akin (as if kaya ko naman).

Nakilala ko sila sa 'di sinasadyang pagkakataon, sa panahong 'di ko rin inaasahan ngunit nagpapasalamat ako dahil buong puso nila akong tinanggap, tinuring na kaibigan. Magaan ang loob ko sa kanila, feeling ko anuman at sinuman pwede kong sabihin sa knila. Ang apat na eto magiging kaibigan ko 'di lang sa blog,'di lang sa chatroom kundi kaibigan ko sa aking puso, sa totoong salitang barkada. Sila ang bumubuo ng blog world ko, sila nagbibigay inspirasyon pag malungkot na ako. Nararamdaman ko ang totoong concern nila sa akin, spoiled nga yata ako sa kanila (baka masanay na ako).


Saludo ako sa apat na daga sa himpapawid, nagbibigay pugay ako sa lahat ng oras na binibigay nila sa akin. Sa kanila hindi ko kailangan makinig lang, sa kanila hindi ko kailangan itago ang tunay kong nararamdaman at hindi ko pa sa kanila narinig ang salitang mali ka o masama yan. Lagi nilang pinalalakas ang loob ko pag ako'y pinanghihinaan. Paano ko ba sila 'di pahahalagahan, araw-araw sila kausap ko, until midnight may time sila sa akin. Pinapatawa nila ako, sila na halos bumubuo ng araw ko. Hindi ako mahilig makipagkaibigan sa lalake pero sila nakuha nila ang loob ko siguro dahil totoo silang tao.

May kokontra ba? Magbasa lang kayo, blog ko 'to! (hahaha)


Salamat!

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

5 Share your thoughts

Ang Po pogi, guapong guapo, romantiko,lastiko! hehehehe ginawa lang kaming daga hahaha

bhing salamat din na itunuring mo kaming mga kaibigan kahit sa kaulap ulapan ng himpapawid(buttered kami)flattered ba yun? at may pagpupugay pa..hehehe

basta masaya kayong dalawa suportahan namin kayo....hanggang sa dulo ng ng walang hanggan,pangako sa yo, betty la fea..
hahaha di kasama yan sinabi ko lang ang title kasi di ka nag susubaybay ng teleserye hahahah..

Aba!!!Ayos ah!!!San ba makikita ang mga dagang yan? sana nilagyan mo links lolz

hehehe nakatuwa basahin ang mga daga mong kaibigan. sa ganun paman isa ka namin kabarkada, kapamilya at kapuso. Sa araw araw na mainit ang puwit mo sa kaupo lagi anjan ang mga daga walang buntot para masaya ka. kabilang mo kami sa suporta mo sa ano man bagay na kaya namin para lang sa iyo.

Lagi mo lang ingatan ang tol namin nakita na namin paano naging masaya ang mukha niya...hehehe smile dagang mapanglaw... (hahaha) gulong dagang matinik kahit wala kang tinik.

Bhing ingat nalang lagi....

thanks,

ching

bhing, ito na ang isang pang kaibigan...huminto lng sa trabaho para lang mabasa ang makadamdamin mong sinulat

ang ganda ng ginawa mo makakaintig tagos hanggang puso..pero ganun pa man nand2 lng kami..nand2 lng talaga kmi kc hindi naman pweding pumunta jan hehehe go..go...g0 bhing nandito lng kami para sa inyo..


ingat..god bless..

rodel...
good boy in IRAQ

Hi there! saludo ko sa isang OFW na katulad mo! keep up the good work. Isa ako sa libo libong mga pilipino na naghahangad makapngibang bansa but honestly speaking bigo ako sa aking pangarap na makapagtrbaho sa dako paroon. Well, that is called life... god bless you and your family... I hope we can be friends so we can exchange ideas. Thanks for the opportunity. bye!

Ads2