Madaming nagtatanong sa akin, bakit daw sa dami ng bulaklak pinili ko ang gumamela. Bakit nga ba? Siguro naisip ko iyong gumamela may pagkakahawig sa akin at sa aking personalidad. Tulad ng gumamela, hindi ako kagandahan, hindi ako napapansin. Simple, ordinaryo lng, may sariling mundo subalit kung papapasukin nyo ako sa mundo nyo marunong akong tumanaw ng utang na loob & magpahalaga sa mga bagay na binibigay sa akin. Ang gumamela kadalasan nilalaro ng mga bata, walang magagalit kahit pitasin sa bakuran kasi makalipas ang ilang araw may bulaklak na naman, ganun din ako, I AM A SURVIVOR! Madami akong pinagdaanan sa buhay pero hanggang ngayon lumalaban pa rin ako para sa aking pamilya & mga taong nagmamahal sa akin. Ang gumamela walang tinik, ganun din sa personalidad ko, madali akong magtiwala na kadalasan dun ako napapasama.
Maraming tawag sa akin, iyong iba 'di ko na matandaan...sa makakabasa ito lang ang nakahalukay ng aking utak: ( special mention kay BOMZZ-IN-IRAQ kasi xia nag tagged sa akin, xia din nag push na gumawa ako ng blog)
BUNSO ang una kong narinig na palayaw ko, pero noong magpipitong taon na ako 'di na daw ako pwd tawagin na bunso kasi may paparating na kapaitid ko. Natatandaan ko umiyak ako nun kc nakasanayan ko na ang bunso pero inagaw n sa akin ang trono.
BING ito ang nakalakihan kong tawag sa akin sa loob ng bahay namin, musika sa tenga ko, hanggang ngayon pag umuuwi ako & nakikita ko matatanda sa amin natutuwa akong kilala pa rin nila ako. Ako lang kasi ang Bhing sa lugar na yun, pero ngayon ang dami na.
ATE BABY tawag ng bunso kong kapatid & mga pamangkin. Ewan pero nakasanayan na ng mga pamangkin ko na tawagin akong ate hindi tita.
BING-BING tawag ng mga kalaro ko, childhood friends & relatives.
KULABING pag gusto nila akong asarin, pag gusto nila akong umiyak or mapikon.
GEMMA yan ang totoong pangalan ko, yan ang tawag sa school & work. Ang layo sa nakagisnan kong palayaw. Tinanong ko sila Mama dati bakit bing ang nagi kong palayaw, kasi may laro sa amin tawag BINGKAY, hilig ko dw ung, kaya nabansag sa akin ang Bing.
GEM tawag ng mga close na classmate ko.
CASPER alyas ko ng nagsusulat pa ako
ATE B yan ang tawag ni Lei Lahabitan sa akin, hanggang gumaya na rin ung ibang Private Closet Members.
Babes ang tawag ng taong nagmamahal sa akin, siguro kasi mataba ako kaya yan ang tinatawag nya. (Babe the movie, baboy)
Fast Fact (humahagibis na katotohanan)
1. Loner ako, mababaw ang luha, mahilig magbasa at magsulat.
2. Hindi ako naninigarilyo o umiinom ng alak
3. PUP activist ako dati, (makabayan kuno pero naninilbihan sa banyaga)
4. Mahilig ako sa pusa
5. Mahilig ako sa milk chocolate
6. Never akong sumubaybay ng soap opera
7. Lumaki ako malapit sa dagat pero 'di ako marunong lumangoy
8. Bicolana ako pero 'di ako kumakain ng maanghang
9. Comfort fud sa akin ang pizza & chicken
10. Mahilig ako magluto, mag-ayos sa bahay pero ang maglaba ibang usapan (kaya nga nauso ang washing machine)
11. Consistent honor student ako
12. Matigas ulo ko ( i can give a hard fight if my principles are on the stake)
13. Organisado ako sa gamit (super, ayaw ko ng kalat)
14. Malambot puso ko sa matatanda ( i am a volunter in World Vision)
15. Maliit pa ako nawala na si Papa
16. Wala na akong masyadong pangarap, mapatayuan ko lang ng bahay magulang ko tama na yun sa akin. kasi napagtapos ko na kapatid & mga pamangkin ko.
3 Share your thoughts
Bhing una salamat muna pinatulan mo tag ko ha..
You really have a good heart Bhing no wonder maraming kang kaibigan..
mapa net mapa totoong buhay man
at
salamat espicial child lagi ako sa blog mo hahaha
keep on blogging keep on chatting lol's keep on going bless you and us always...
ako ang dapat ng mapa tnx sainyo, madami akong narealize tru sa help nyo, mga desisyon na magpapagabo ng buhay ko...
salamat!
sana makita ko kau ng personal sa pinas...sana!
ako nga pla si Jr.Hipon..minsan ng nagkamali kay gumamela,pero napatawad pa rin nya ako...kla ko katapusan ko na sknya pero iba si gumamela!
Gifted ako kc meron akong "GUMAMELA" na nakilala..
LOVE YOU MOM B...
Godbless U!...
P.s!
wla na ako sa fb mo,kya d2 nmn ako sa blogs mo
ahahahaha...
peace po..