Bukas Na Katotohanan


Kahapon, kumain kami sa Brother Hotel & Restaurant around Taipei. Umorder ako ng gusto kong pagkain, ganun din si Yiyeh iyong alaga ko ( 96yrs old) a cancer patient pero nagchechemo siya. So far, sabi ng Doctor he's stable kaya allowed kami gumala ng alaga ko.

Masaya ako kasi nakikita ko ang eagerness ng alaga ko na makita ulit ang ibang sorroundings, makapamasyal, after 6 months confinement sa Hospital. Nakakain na niya lahat ng gusto nya, nakakapnta kami sa bookstores, library, parks & mall.

Pero kahapon iyong saya ko nabahiran ng lungkot dahil sa nakita kong kapwa ko OFW. Paano siya tratuhin ng boss nya. 'Di ko malunok ang pagkain, mga fav ko na pagkain sa harapan ko, awa ang nagingibabaw sa akin. Isang Filipina, nakatayo sa gilid ng table ng nagkakasayahang pamilya. Parang posteng nakatayo lang, hindi maalok ng pagkain samantalang ang dami naman pagkain sa table nila. Hindi ko lubos maisip bakit ganun ang treatment nila, tao din iyon, may pakiramdam, nahihiya, nasasaktan & may pride din naman. Gusto ko siyang lapitan, alukin ng pagkain pero 'di ko magawa kasi baka pagmulan pa iyon ng sanga-sanga niyang problema.

Isipin nyo nalang, nakatayo siya sa isang tabi, buti sana if pinaupo man lang, kahit tea di rn mabigyan ng mga waitress. Kapag inuubo iyong alaga nya lalapit siya, pupunasan, tulad ng pagmamalasakit ng isang nagmamahal na kasambahay pero siya asan ang konsiderasyon ng kanyang Amo? Alam kong Pinay siya kasi pasimple ko siyang tinanong, tumango lang siya & pasimpleng ngumiti pero sa ngiti niya mababanaad ang takot na baka mahuli ng amo.

Napaisip ako ng husto, ito ba talaga ang realidad na dapat pagdaanan ng ibang OFW para maibigay ang magandang kinabukasan sa pamilya? Kapalit ba ng dolyar ang dignidad bilang isang tao? Alam ba ng pamilya sa Pilipinas ang tunay na pinagdadaan o sadyang itinatago lamang sa larawan na nakangiti, magandang kasuotan at pekeng halakhak kapag sila'y nakakausap? Hindi ko lubos maisip na may ganito pala talaga, nakita ko. OO, madami akong nababasa na mas masahol pa dito ang sitwasyon, ngunit iba pala sa pakiramdam na ikaw mismo ang nakasaksi, nakakita. Ramdam ko ang dinadala ng taong iyon. Nasa publiko na nga silang lugar ganun pa siya ituring paano na kaya kung nasa loob ng bahay? Iyong walang nakakakita, anu pa kaya ang pagtrato nila? Tanging siya lang ang nakakaalam...

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

6 Share your thoughts

nakakalungkot nga yun parekoy...
pero ganun daw talaga magtrato yung mga ilang singkit na nilalang eh..akala nila, sila ang hari ng mundo... kahit sa singapore, hongkong at ibang bahagi ng middle east eh ganun daw..

pero dito sa Canada, way better naman dito... minsan nga hindi mo na kailangang tapusin ang trabaho mo... kapagtapos na yung shift mo o yung duration ng oras ng trabaho mo eh sumipat ka na..oks lang!

haaaaaaaaaayssss.
Buhay OFW nga naman.. parang Trip Ni Kosa.. Baku-baku..hehehe
pero look at it on its bright side! may mga masasayang oras ka rin naman sa pagiging ofw eh.kaya ayus lang... tiis tiis..darating din ang swerte.

kitakits

Nabasa ko ang post mo down sa panalangin kay yanah...thanks for your thoughts and for sharing. I have added your site to KABLOGS, at http://thoughtsmoto.blogspot.com under Asia and the Pacific region. Happy Blogging!

sabi nga nila, basta sunod sa luho ang mga mahal ko sa buhay na nasa pinas, kahit ano gagawin ko...

Ang matindi pa, di mo ito ipapaalam sa kanila para di na sila mag alala...

OFW nga nman no...

dati rin akong tambay diyan sa Taipei at nasaksihan ko rin ang paghihirap na dinanas ng mga kapatid natin diyan. sana nga gumanda ang trato sa kanila ng kanilang mga amo.

@ kosa, malaki tlga pagakaiba ng laws & regulations jn sa canada. madaming galing ng taiwan jn ang ruta nila.

@mr. thoughtskoto,tnx sa pagdalaw. add n dn kita

@Lord Cm, tama k jn, hnggat maari ayaw ntin sabihin ang hirap sa mahal ntin sa buhay.

@ ryo, harsh reality nga d2 ung treatmnt nila sa ibng OFW. may discrimination tlga. kulang ang pagpapahalaga sa karapatn ng foreign workers.

Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!

Ads2