Pagpapasya


Walang permanente sa buhay kundi pagbabago. May mga bagay na gusto nating hawakan, manatili pero sa pag ikot ng araw sadyang umiiba at nagbabago sa ayaw at sa gusto natin. May mga pangakong sinusubok ng pagkakataon, nadadala sa agos ng kapalaran, nabubulag sa ligaw na nararamdaman & siguro may sadyang kahit gaano natin gusto hawakan ang bagay kusa itong aalpas sa ating mga kamay.

Ang makatarungan & masusing pagpapasaya daw ang magiging susi sa payapang kalooban. Sa bawat disisyon na bibitiwan kailangan isang guni sa isip & puso. Milyong beses na pag isipan at pag aralan ang sitwasyon. Ngunit sa sarili kong pananaw mahirap ang magpasaya lalo na kung napaka komplikado ng isang sitwasyon. Iyong pakiramdam na ayaw mo na, gusto mo ng tumalikod ngunit may kirot ng panghihinayang o kaya'y hawak kamay mo na ang isang bagay ngunit andun ang takot na baka magkamali ka ulit. Sabagay paulit-ulit lang nmn daw, madadapa, babangon, sasaya, luluha, may umpisa & wakas.

Nitong nagdaang araw madaming nagpabago sa aking pananaw. Inisip ko bawat anggulo na dapat kung baguhin, talikuran, tanggapin, & dapat kung makasanayan. Dinala ako sa pagkahungkag, agam-agam, at takot. Lahat na yatang emosyon naramdaman ko sa linggong ito. Paano ko ba tatanggalin ang takot? Paano ko ba kakalimutan ang kirot? Sabi ng isa dyan, kng nagmamahal ka daw ng totoo, ung pagmamahal na iyon ang magdadala sa akin sa assurance na gusto kong maramdaman. Ngunit sabi naman ng kaibigan ko, bakit ka susugal ulit kung nagdududa ka pa rin?" Iyang duda na yan makakasira ng lahat, magtiwla ka."sabi naman ng akin puso pero iyong isip ko minsan natatalo talaga ng puso. Naalala ko tuloy sa librong nabasa ko, PAANO DAW KUNG ANG PUSO MAY SARILING UTAK, O KAYA'Y ANG ISIP MAY SARILING PUSO? Di ba pwedeng gamitin sila ng pantay?

Paano ba magmamahal, masasabing tunay ang nararamdaman? Sabi ng kausap ko kagabi, ang pagmamahal daw ay pagpaparaya. Kahit gaano daw nya kamahal kung hihingin ang paglaya bibigay nya. Napa wow ako kasi bibihira ko marinig ang sagot na ganun, ngunit habang hinihimay ko napaisip ako. Nagmamahal nga ba siya para masabi iyong ganun O sadyang malalim lang ang pang-unawa nya sa salitang pag-ibig? Sa isang relasyon ba kung bibitaw na ang isa kailangan bang umayaw na rin ang isa? O kailangan pang ipaglaban? Alam ko sasagot nyo depende.

Siguro ito ang hiwaga ng buhay na hindi natin masasagot hanggat wala ka sa sitwasyon. Ito ang hiwagang dapat kung tuklasin na sadyang panahon lang makakapagsabi sa akin kung aling landas ang dapat kong tahakin. Sabi naman ng Mama ko sa bawat pagpapasya na aking gagawin dapat kaya kong panindigan, iyong daw ang magsusukat ng totoo kong karakter, ng aking pagkatao.

Sa lahat ng aking pagkalito, sa lahat ng pinagdadaan ko, alam ko 'di ako bibitaw basta basta kasi andyan ang aking pamilya.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

8 Share your thoughts

sino naman ang kausap mo kagabi? aheks! peace out!

"Nagmamahal nga ba siya para masabi iyong ganun O sadyang malalim lang ang pang-unawa nya sa salitang pag-ibig?"

oo depende sa sitwasyon. ganon kase ako. kung gusto ng kalayaan, ibinibigay ko lalo na kung "TAMA" ang kalayaang hinihingi! hindi ko pinipigilan, pinapakawalan ko hindi dahil hindi ko sya mahal kundi dahil tama na 'yon.

Alam kong mahirap intindihin... dahil kadalasan ay hindi ako naiintindihan sa puntong yan. bakit ganon na lang kadali sa akin ang bumitaw kapag hiniling. Hindi ko daw ba ganon kamahal?

Minsan sana maisip nyo ang sakit ng magpalaya para sa inyong ikaliligaya at ikatatahimik... Hindi namin iniinda kahit masakit dahil ganon kami magmahal! dakila... mapagparaya....awtsss!

very nice post...
ang bawat pagpapasya eh kailangang pagisipan mabuti at anu man ang maging kalabsan eh dapat pangatawanan..

pero kung sa pag-ibig na ito inaapply, madalas Hindi na nasusunod yung tama lalo na kung hindi tutugma sa kagustuhan ng Puso at pag-ibig..

ang masasabi ko dun, normal lang minsan ang magkamali PEROOOO! dapat magkamali ka man, kaya mo pa rin itong harapin at mapangatawanan...
diba?
diba?
hhehehe

pasensya na sa epal..
kitakits

Giving someone all your love is never an assurance that they'll love you back...don't expect love in return; just wait for it to grow in their heart but if it doesn't, be content it grew in yours.

Love till it hurts,and true love causes pains. Don't be afraid to love pain, just like a child's first walk, he'll stumble and get hurt. But he'll learn his lesson and will continue to grasp, stand and walk.

Let us search for God's love first and everything will follow according to His will, and never give up on loving, for your family is always there loving you unconditionally.

Sometimes the true love that we are looking for is just in front of our very eyes.

saludo ako sainyo...tnx sa lahat ng coments... na inspire ako...god bless!

sana lang manatili tayong gising sa mga pagsubok na dumarating s atin kase kahit anong lalim ng pagkatao natin at di natin kayang hawakan ito ayon sa sarili natin ay di tayo magtatagumpay kung anuman ang ating gusto sa buhay at lalo na sa pag ibig..

kung umiibig ka tama si kausap mo dahil nagpaparaya ang tunay na pagmamahal at di sakim..

kung anuman ang pinagdadaanan mo sa ngayon tama ka dahil andyan lang ang pamilya mo na gagabay sayo kahit ano pa ang mangyari

@payatot, salamat!

sabi ko nga dun sa kausap ko, napaka lalim ng pang-unawa nya sa salitang pag-ibig kc sabi nya sa akin TRUE LOVE MEANS FREEDOM.

BOW ako sainyo!

tnx!

"PAANO DAW KUNG ANG PUSO MAY SARILING UTAK, O KAYA'Y ANG ISIP MAY SARILING PUSO?"

sana nga ano...pero sa palagay ko mukhang alien ang magiging itsura nun...ahahaha...juks...

pero maging puso man yan o utak..mak kanya-kanyang gamit yan...nasa atin na kung pano natin ito gagamitin...sa anumang pagpapasya, mahalaga ang pagiging balanse...utak para gawin ang dapat...at puso kung nasa damdamin...sa palagay ko wala naman maling desisyon...nagiging mali lag ito kung hindi napapanindigan... :)

@gulaman, nice! nasa atin pa rin ang huling desisyon... NAGIGING MALI LANG TLGA KNG 'DI NATIN KAYANG PANINDIGAN.

tnx!

Ads2