Magic 8

ito ang sagot ko sa tag sa akin ni Jenskie, salamat may pinagkaabalahan ako. Ito rin ang pang 50th post ko.


8 things I'm looking forward to:

1. makauwi ng Pinas
2. makita ko family
3. maging positive ang results ng application ko papunta ng ibang bansa ulet
4. makita kong graduate na lahat sa college mga pamangkin ko
5. mapagawa ang bahay sa probinsya
6. maging malaya sa sariling anino
7. mabago ang rules & regulations ng OCW dito sa Taiwan
8. matuloy ang Macau


8 things I did yesterday:

1. chatting
2. nanood sa You tube
3. nag active sa group (ULA)
5. nag lunch out kasama relatives ng pasyente ko
6. pumunta sa dental clinic
7. nagpadala ng Mother's Day Card
8. nagligpit ng papabagahe para sa pamilya ko sa Bicol


8 things I wish I could do:

1. sana may power ako masulusyunan ang kahirapan
2. sana magawa kung maglet go & makalimot
3. sana mayakap ko si mama ngayong Mother's Day
4. sana naipaglaban ko ang aking karapatan bilang isang taong humingi ng hustisya
5. sana madama ko ang pag-ibig na dalisay (naks)
6. sana mafeel ko iyong INNER PEACE sa kabila ng dagok
7. sana patuloy kong makita ang mensahe galing sa Kanya
8. sana habambuhay kong mapangatawanan na hindi tumanggap ng pera sa oras ng eleksyon

8 shows I watch:

1. T.V Patrol
2. HBO
3. Anderson Cooper 360
4. Fab Five
5. Oprah Winfrey Show
6. Britain's Got Talent
7. Project Runway
8. Wowowee


8 people i tag:

1. Lenz
2.
Bomzz
3.
Kitchiee
4.
Jersey
5. The Pope
6.
Bino
7. Rhodey
8.
Enjoy
Read More »

Buwan ng Pebrero taong kasalukuyan ako nag-umpisa magblog, ang entry ko mas madami ang tula, kasi iyon ang way-out ko sa frustration ko sa buhay. Madami akong tanong, o sadyang mahilig lang talaga ako magtanong ng mga bagay-bagay na walang katuturan. Minsan naman sabi nila masyadong malalim na sa bawat sagot na aking nakukuha mas lalong sumasanga pa ang tanong. Sa pamamagitan ng blog nailalabas ko ang aking nasasaloob na hindi natatakot na baka kutyain ng kapwa ko. Dito rin sa blog nailabas ko kung sino ako at kung gaano kahirap ang landas na aking tinatahak.


Ito ang kauna-unahang award na nakuha ko, maraming salamat kay Bino sa kanyang patimpalak mas lalo pang dumami ang naisulat ko.


Ito naman ay galing kay Azel. Hindi ko inaasahan na madaming magdarasal para sa kaligtasan ng aking Kuya. Tinatanaw kung malaking utang na loob sa lahat ng nakiisa sa oras ng aking pag-aalala. Nasa stage na ng recovery ang kapatid ko.



Si Prof. Bomzz ang isa sa nag inspire sa akin magblog kasama si Dagang Mapanglaw. Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sila ang taga ayos ng blog ko dati kasi hindi ako marunong(lol!) Sa kanya galing ang BloggyWood! Prof, salamat sa lahat pati na sa mga logong ginawa mo.



Mula kay Pope, Uber Amazing Award (the pink edition)

Kay Pope ulet, Neno's Award

Kay Pope ulet
Si Pope ay isa sa hinahangaan ko sa mundo ng Blog. Bawat entry niya hindi ko pinapalampas na basahin. Na inspire ako ng husto sa way ng pagsusulat niya, may magandang ideas & concern sa mga nangyayari sa paligid. Sa blog din nya nakita ako ang link ng Courage Philippines na araw-araw kung pinupuntahan lalo na kapag inaatake ako ng lungkot at sobrang depresyon.
Mula kay Zysa, maraming salamat!


Maraming salamat, galing naman ito kay Jee.


Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nagbabasa, pumupuna, tumatambay, at bumibisita sa aking pahina. Madami akong nakilalang kaibigan sa pamamagitan ng blog, sabi nga ni Jee certified blog addict!
Ipinapasa ko ang aking awards kina Makulay ang Buhay sa Bahaghari, Bomzz-in-Iraq (kahit na iyong iba meron na siya) Angelpotnic, at Planetang Jupiter.
Read More »
Bakas ng Kahapon

Kalangitan dumadagundong nagbabagya ng ulan,
Malakas na ihip ng hangin nararamdaman,
Matarik na burol, makitid na daan nilalakbay,

Hudyat ng pagsubok hindi pagagapi, hindi manlulupaypay.

Pagod na sarili naghihingalo patuloy na lumalaban,
Tagaktak ng pawis hirap pilit nilalabanan,
Sa matinding hinanakit, nakagapos dapat makalimutan,
Masaklap na nangyari, nayanig ang sangkatauhan.

Hiwaga ng buhay hindi maarok, hindi mabatid,
Gaano man katatag sa laro ng buhay minsan isip kumikitid,
Sa udyok ng tukso, dunong bumabaliktad, nawawaglit,
Hinagpis nakikiayon, kinikitil tamang pag-iisip.

Sa isang banda mahiwagang tinig naulinigan,
Samo't saring emosyon, sumasayaw at nag aawitan,
Ngunit nangangatal na katawan, wala ng kasiyahan,
Sa matinding takot hudyat ng isang karimlan.

Mahigpit na pagkakahwak nagpupumiglas na damdamin,
Malakas na nakaambang pader, naigupo hindi nakayanan,
Dumausdos na katawan, tumarak na bagay kapighatian,
Sa masukal na paraan krimen ay nakasanayan.

Likidong umalpas batik sa sangkatauhan,
Brutal na pagpasok kaluluwa sumisigaw,
Bakit kayamanan kinuha ng sapilitan,
Sa rurok ng puso galit at poot humihiyaw.
Read More »
Nangangamba

Kahapon (Good Friday) isang masamang balita ang nagpagulantang sa akin, 12pm naaksidente ang Kuya ko (motorcycle crashed). Sobra akong nabahala, natakot, & nanlumo sa detalyeng binigay nila sa akin. Isinugod daw sa municipal clinic sa aming lugar pero hindi kaya gamutin kaya dinala sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC) kung saan ito na ang pinakamalaki & respetadong hospital sa aming probinsya. Ngunit isang balita pa ang lalong nagpalumo sa akin, 'di nila kayang lapatan ng lunas ang sitwasyon na natamo ng aking Kuya. Hindi rin kayang idala agad sa City sa kadahilanang Holy week, walang byahe ferry boat o maging sa himpapawid. At kung may biyahe man sa eroplano Virac to Manila lang ang ruta. Sa dagat naman aabutin ng 6 to 8 na oras bago makarating sa Legaspi City.

Hindi ako mapakali hanggang ngayon, wala pa akong makausap na makakapagbigay ng detalye sa akin ng totoong sitwasyon pero kahapon sabi ng Doctor expect the worst kc sa left side of the skull ang tama & may bali ang shoulder. Hindi rin nila maampat ang dugo na lumalabas sa tenga ng kapatid ko. Napapraning na ako sa kakaisip.

Aaminin ko may konting gusot kami ng Kuya ko, hindi naman kami nag away pero my cold war (too personal) Ngunit kahapon ng nalaman ko ang nangyari, lahat ng hinanakit ko nawala, napalitan ng pagmamahal, pag aalala, & pagsisi. Lumaki akong Kuya ko ang kasama, nakuha ko sa kanya mga mannerism ko, idol ko 'yon, lahat ng alala biglang sumagi sa aking isipan. Andyan turuan nya ako mg boxing, pakalbo nya ako ng bata pa ako kasi gusto nya lalake ako, madaming memories nun kabataan ko. Nag-iisa ko lng siyang kapatid na lalake. Nalulungkot ako sa nangyayari, sana hindi pa huli ang lahat. Pasensya na sa makakabasa nito, hindi yata maayos ang format ko, nawiwindang pa ako.

Ipinagkakatiwala ko sa Kanya ang lahat. Mananalig kami & mananampalataya sa Kanyang kapangyarihan.

========================================================


April 12, 2009

Nagkamalay na ang Kuya ko. Series of lab test will be done, nasa panganib pa rin pero may assurance ang Doctor na he could make it. So far operation is not yet determine, under observation pa daw. tnx sa lahat ng nakiisa & nagdasal.

Read More »

1. Father, forgive them for they know not what they do
2. Today you will be with me in Paradise


3. Behold your son: behold your mother



4. My God, my God why have you forsaken me



5. I thrist
6. It is finished




7. Into your hands I commit my spirit





SI HESUS ANG SAGOT


Buhay ko'y litong-lito, gulong-gulo,
Walang mapuntahan dito sa mundo,
Pagsubok at unos tila ba bagyo,
Pangarap na kay ganda nawala't naglaho.

Kalungkutan damang-dama sa pag-iisa,
Kaluluwa'y lumilipad parang saranggola,
Siphayo't hinanakit ay dala-dala,
Bigat ng problema 'di na makaya.

Sinong pagkakatiwalaan, sinong lalapitan?
Kaibigan pinabayaan at iniwanan,
Piping dalangin sarili'y naway matagpuan.
Sa landas ng pakikibaka si Hesus ang daan
Si Hesus ang sagot sa bawat unos,
Siya'y handang tumanggap at tumulong,
Bukas palad ang kamaynoon, at magpahanggang wakas,
Pag-ibig Niya'y busilak at 'di nasusukat
Kanyang pangako buhay na magpakailan man,
Manalig at umasa sa Kanyang kapangyarihan,
Tanggalin ang duda at pag aalinlangan,
Sapagkat si Hesus ang katotohanan.

Si Hesus ang sagot sa bawat kabiguan,
Sa Kanya may tunay na tagumpay,
Kababaang loob at pagsisi ang Kanyang hinihintay,
Upang pagpapatawad Kanyang maibigay.
Si Hesus ang tanging daan,
Ang tugon sa ating pangangailangan,
Buhay Niya inilaan
Kapalit ng kalayaan natin sa kasalanan.
Read More »


Heto na naman ako naglalakbay, nananaginip, nagdurusa, umiiyak, nananaghoy & naghahanap ng bagay na hindi ko hawak. Semana Santa, dapat 'wag akong maging makasarili, dapat iisipin ko ang mga bagay na ginawa Niya para mailigtas ako sa kasalanan, dapat makuntento ako kung ano meron ako, kung ano ang status ko sa buhay pero sa aking puso andito ang lungkot & naghahanap ako ng yakap ng aking mga mahal sa buhay. Siguro, sadyang namimimiss ko lang sila, lalo na summer, reunion ng batch ko mamayang gabi, tapos get together ng relatives ko sa Manila.

Hays, kakainis iyong ganitong pakiramdam. Lagi nalang ako wala sa okasyon na dapat andun ako, sabi naman nila magsaya daw ako kasi may magandang trabaho, malaki ang sweldo kumpara sa Pinas pero pera nalang ba talaga ang mahalaga, na pag nagsabi ako ng tunay kong nararamdaman lagi ko nalang naririnig maswerte ka kumikita ka ng malaki. Hmmp! kakainis! Gusto ko ipakita na nanghihina ako, nawawalan ng gana ngunit ayaw kong biguin ang pamilyang nagmamahal sa akin. Sa akin sila sumasandal, sabi nga ni Mama ako ang kanilang pag-asa, bibiguin ko ba sila?

Kagabi, umiyak ako. Iyong impit na pag iyak na walang sapat na dahilan, basta tumulo lang ang aking luha. Malapit na ang death anniversarry ni Papa. Namimiss ko siya.

Bakit ganun gusto nila lagi sila ang inuuwa? Hindi naman ako si Superwoman, tao din ako naghahangad, nagkakasala, & mahina. Kakapagod na maging matatag, maging matapang, pero wala naman akong pagpipilian kundi tumayo at lumaban. Pakiramdam ko nga nag-iisa ako, (may kasama naman pala pero ang layo) mali palang sabihin na nag iisa kasi laging andyan Siya. Ngunit nahihiya na rin ako humingi kasi paulit ulit lang naman ako nagkakamali.

Madami akong gustong sabihin, pero hindi pa yata ito ang tamang panahon kasi nararamdaman ko pa ang pagdududa... tsaka na lng siguro. Hayss, sana malapit na...
Read More »