Heto na naman ako naglalakbay, nananaginip, nagdurusa, umiiyak, nananaghoy & naghahanap ng bagay na hindi ko hawak. Semana Santa, dapat 'wag akong maging makasarili, dapat iisipin ko ang mga bagay na ginawa Niya para mailigtas ako sa kasalanan, dapat makuntento ako kung ano meron ako, kung ano ang status ko sa buhay pero sa aking puso andito ang lungkot & naghahanap ako ng yakap ng aking mga mahal sa buhay. Siguro, sadyang namimimiss ko lang sila, lalo na summer, reunion ng batch ko mamayang gabi, tapos get together ng relatives ko sa Manila.
Hays, kakainis iyong ganitong pakiramdam. Lagi nalang ako wala sa okasyon na dapat andun ako, sabi naman nila magsaya daw ako kasi may magandang trabaho, malaki ang sweldo kumpara sa Pinas pero pera nalang ba talaga ang mahalaga, na pag nagsabi ako ng tunay kong nararamdaman lagi ko nalang naririnig maswerte ka kumikita ka ng malaki. Hmmp! kakainis! Gusto ko ipakita na nanghihina ako, nawawalan ng gana ngunit ayaw kong biguin ang pamilyang nagmamahal sa akin. Sa akin sila sumasandal, sabi nga ni Mama ako ang kanilang pag-asa, bibiguin ko ba sila?
Kagabi, umiyak ako. Iyong impit na pag iyak na walang sapat na dahilan, basta tumulo lang ang aking luha. Malapit na ang death anniversarry ni Papa. Namimiss ko siya.
Bakit ganun gusto nila lagi sila ang inuuwa? Hindi naman ako si Superwoman, tao din ako naghahangad, nagkakasala, & mahina. Kakapagod na maging matatag, maging matapang, pero wala naman akong pagpipilian kundi tumayo at lumaban. Pakiramdam ko nga nag-iisa ako, (may kasama naman pala pero ang layo) mali palang sabihin na nag iisa kasi laging andyan Siya. Ngunit nahihiya na rin ako humingi kasi paulit ulit lang naman ako nagkakamali.
Madami akong gustong sabihin, pero hindi pa yata ito ang tamang panahon kasi nararamdaman ko pa ang pagdududa... tsaka na lng siguro. Hayss, sana malapit na...

5 Share your thoughts
awwww! wala na pala si Papa mo. pero don't worry, lagi sya anjan para bantayan ka.
ganon talaga pag Bagong Bayani. Akala nila we are happy that we are earning much overseas.. di nila alam na ang hirap ng feeling na malayo sa family lalo na pag reunion moments, christmas at special occasion.
lagi mong tandaan... mas mabuti ng ikaw ang umuunawa kase ikaw ang unawain. ikaw ang magbigay kesa ikaw ang bigyan.
wag mong questionin ang nangyayari sa buhay mo... dahil kahit napapgod ka na, isang ngiti lng ng mga mahal mo sa buhay.. tanggal ang pagod na un.
ok lng yan... ISHMAYYYLLL!!!
Kadramahan na nman daw si dodong may sabi niyan.....hehehe
na homesick kalang Bhing...
lika confe tayo..lol's
keep the faith...
Bomzz (Prof)
oiisssttt.. pasali sa confe... kedadaya.. nagsasarili!!!
tawa na nga lng ako,lol!
confe ba, sige pag gawa kau hatak nyo nlng ako.
tnx!
Sa pag-inog ng ating buhay, may mga bagong pagsubok tayong kinakaharap na hindi maaaring basta talikuran, at nangangailangan ng ating pagsasakrapisyo sa ilang bagay na ating nakasanayan.
Kadalasan, habang tayo ay nagma-mature, ang mga hamon sa ating buhay ay naka-focus sa pagsasakripisyo para sa ikaaangat ng buhay hindi lamang natin kundi ng ating mga magulang at mga kapamilya.
Ito ang tunay na pag-ibig sa kapwa, ang pagharap sa hamon, hindi para sa ating personal na kasiyahan kundi sa kapakanan ng ating mga mahal sa buhay.
Have a blessed Holy Week.