Nangangamba

Kahapon (Good Friday) isang masamang balita ang nagpagulantang sa akin, 12pm naaksidente ang Kuya ko (motorcycle crashed). Sobra akong nabahala, natakot, & nanlumo sa detalyeng binigay nila sa akin. Isinugod daw sa municipal clinic sa aming lugar pero hindi kaya gamutin kaya dinala sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC) kung saan ito na ang pinakamalaki & respetadong hospital sa aming probinsya. Ngunit isang balita pa ang lalong nagpalumo sa akin, 'di nila kayang lapatan ng lunas ang sitwasyon na natamo ng aking Kuya. Hindi rin kayang idala agad sa City sa kadahilanang Holy week, walang byahe ferry boat o maging sa himpapawid. At kung may biyahe man sa eroplano Virac to Manila lang ang ruta. Sa dagat naman aabutin ng 6 to 8 na oras bago makarating sa Legaspi City.

Hindi ako mapakali hanggang ngayon, wala pa akong makausap na makakapagbigay ng detalye sa akin ng totoong sitwasyon pero kahapon sabi ng Doctor expect the worst kc sa left side of the skull ang tama & may bali ang shoulder. Hindi rin nila maampat ang dugo na lumalabas sa tenga ng kapatid ko. Napapraning na ako sa kakaisip.

Aaminin ko may konting gusot kami ng Kuya ko, hindi naman kami nag away pero my cold war (too personal) Ngunit kahapon ng nalaman ko ang nangyari, lahat ng hinanakit ko nawala, napalitan ng pagmamahal, pag aalala, & pagsisi. Lumaki akong Kuya ko ang kasama, nakuha ko sa kanya mga mannerism ko, idol ko 'yon, lahat ng alala biglang sumagi sa aking isipan. Andyan turuan nya ako mg boxing, pakalbo nya ako ng bata pa ako kasi gusto nya lalake ako, madaming memories nun kabataan ko. Nag-iisa ko lng siyang kapatid na lalake. Nalulungkot ako sa nangyayari, sana hindi pa huli ang lahat. Pasensya na sa makakabasa nito, hindi yata maayos ang format ko, nawiwindang pa ako.

Ipinagkakatiwala ko sa Kanya ang lahat. Mananalig kami & mananampalataya sa Kanyang kapangyarihan.

========================================================


April 12, 2009

Nagkamalay na ang Kuya ko. Series of lab test will be done, nasa panganib pa rin pero may assurance ang Doctor na he could make it. So far operation is not yet determine, under observation pa daw. tnx sa lahat ng nakiisa & nagdasal.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

19 Share your thoughts

asahan mo ang aming dalangin para sa 'yong Kuya.

Manalig ka... wag kag mawalan ni katiting na pag-asa!

ate bhing...kasama mo kami sa dasal para sa iyong kuya...

magtiwala ka lang sa Kanya...

Bhing, my prayers goes for your brother's early recovery, may the blessings of Resurrected Christ be with you and your family always that He may guide you in this most difficult times of your life.

I want to inform you also that I am sharing with you the Neno's Award.

A peaceful Easter Sunday to you and your family.

Kasama nyo po ako sa pananalangin para sa inyong kapatid...at pati na rin po sa inyo, para sa kapanatagan ng inyong kalooban.

nakikiisa po ako sa pagdarasal para sa iyong Kuya...

akoy nakikiisa sa pagdarasal para sa mabilisang paggaling ng iyong kuya.

God is good....

kasama din ang aking dasal....

Pogi**
god is good..
ALL THE TIME parekoy!

tnx for all ur prayers! pinalakas nyo ang loob ko, salamat!

Napadpad ako dito dahil kay Azel. Sana bumuti and lahat alang-alang sa kapatid mo.

Hi Bhing, Nabasa ko sa post ni Azel ang tungkol sa Kuya mo. May awa ang Diyos. May the Resurrected Christ breath life and healing to your Kuya.

Kasama mo kami sa pag uplift sa Kuya mo sa panalangin.

Easter blessings to you and your family!

nabasa ko din sa post ni Azel ang prayer for you and your brother. We pray that he will be healed soon, and that you will be comforted in this trying times. Have faith that HE knows and the master of everything.

tnx a lot! d ako magsasawa sa pagsabi ng salamat sa lht ng sumusuporta & nananalangin sa kagalingan ng Kuya.

God bless

Nakita ko from Azel's blog ang prayer request tungkol sa kuya mo. And I'm glad that he's somewhat okay na.

My prayers are with you and your kuya and the family.

Everything will be alright, Risen Christ says.

I want to pass this blog tag awards (NENO's AWARD)to you bhing (kahit meron ka na hehe) whose friendship and support – your constant visits, reading my posts and leaving comments continue to inspire me. With gratitude, I am sharing this tag award with you guys.

Pls visit my blog to find out.

http://pseudomax.blogspot.com

i stumbled upon your site from azel's. let's hope for the better ms. bhing. just keep your faith and everything will be alright. kasama mo ako sa iyong mga dasal...

at napansin ko na kasama pala ako sa iyong mga links. salamat ng marami :)

God bless and happy easter.

In times of crisis, always remember that GOD WILL MAKE A WAY WHERE THERE SEEMS TO BE NO WAY. HE WORKS IN WAYS WE CANNOT SEE, HE WILL MAKE A WAY.

Hi Bhing! Hope all is well... praying for his healing and fast recovery...

God is always good.
Sa gannitong panahon tayo dapat lalong magtiwala sa Kanya. Lahat ng nangyayari sa tin may purpose naman..

Hope all is well with you and your family esp sa bro mo, yes it will be. Hang in there.

God bless!

pag pray ko po ang pggaling ng kuya mo ate bhing.. :)

Ads2