Bakas ng Kahapon

Kalangitan dumadagundong nagbabagya ng ulan,
Malakas na ihip ng hangin nararamdaman,
Matarik na burol, makitid na daan nilalakbay,

Hudyat ng pagsubok hindi pagagapi, hindi manlulupaypay.

Pagod na sarili naghihingalo patuloy na lumalaban,
Tagaktak ng pawis hirap pilit nilalabanan,
Sa matinding hinanakit, nakagapos dapat makalimutan,
Masaklap na nangyari, nayanig ang sangkatauhan.

Hiwaga ng buhay hindi maarok, hindi mabatid,
Gaano man katatag sa laro ng buhay minsan isip kumikitid,
Sa udyok ng tukso, dunong bumabaliktad, nawawaglit,
Hinagpis nakikiayon, kinikitil tamang pag-iisip.

Sa isang banda mahiwagang tinig naulinigan,
Samo't saring emosyon, sumasayaw at nag aawitan,
Ngunit nangangatal na katawan, wala ng kasiyahan,
Sa matinding takot hudyat ng isang karimlan.

Mahigpit na pagkakahwak nagpupumiglas na damdamin,
Malakas na nakaambang pader, naigupo hindi nakayanan,
Dumausdos na katawan, tumarak na bagay kapighatian,
Sa masukal na paraan krimen ay nakasanayan.

Likidong umalpas batik sa sangkatauhan,
Brutal na pagpasok kaluluwa sumisigaw,
Bakit kayamanan kinuha ng sapilitan,
Sa rurok ng puso galit at poot humihiyaw.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

12 Share your thoughts

haaayssss...

wala po akong masabi..

kitakits nalang...

keep blogging!

ganda po ng tula mo ate bhing.. :D ang lalim..

hayzzz... (sigh)

nakigulo lang ako sa iyong peyds ate bhing. tiningnan ang mga gumamela baka sakaling hindi ako antukin sa buong maghapon. hehehe.

ingatz lage :)

UU nga ang lalim... Ganda ng pagkakagawa...Ano kaya ang underlying statement?! Mukhang malungkot ka ata ngayon?! OK ka lang ba?!

i miss reading your poems ate bhing.. welcome back... i should say!

continue writing...

Kay lalim parang pasipiko
nais kong sisirin baka ako'y mabigo
sapagkat ang may akda lamang
maka abot sa kaibuturan nito..


dahil may bitbit siyang Oxygen sa Likuranan nito wahahahahahah.....

Na expired este! inspired tuloy mag sulat ng Tula...wahahah Lol's lang....

Nice Post....

napaka lalim nga nag tula nakakalunud hndi ko maarok. saan mo ba pinag kukuha ang iyong tula hehehheh malapit na rin akong maging makata...

isang dapithapon ang gustong takasan,
ngunit susi ng kanyang selda hndi matagpuan,
anung panghahawakan, sa mundo ng pag-aalinlangan
kundi ang diwa ng isang kumonoy na patuloy na ibinabaon.

salamat sa lahat ng coments!

This comment has been removed by the author.

napagandang tula. maganda ang pagkakasulat at pinagaralan ang bawat salita. Magaling! ^^

Beautiful poem, puno ng damdamin, purihin ka Bhing.

Ads2