Walang Hanggang Pasasalamat

Buwan ng Pebrero taong kasalukuyan ako nag-umpisa magblog, ang entry ko mas madami ang tula, kasi iyon ang way-out ko sa frustration ko sa buhay. Madami akong tanong, o sadyang mahilig lang talaga ako magtanong ng mga bagay-bagay na walang katuturan. Minsan naman sabi nila masyadong malalim na sa bawat sagot na aking nakukuha mas lalong sumasanga pa ang tanong. Sa pamamagitan ng blog nailalabas ko ang aking nasasaloob na hindi natatakot na baka kutyain ng kapwa ko. Dito rin sa blog nailabas ko kung sino ako at kung gaano kahirap ang landas na aking tinatahak.


Ito ang kauna-unahang award na nakuha ko, maraming salamat kay Bino sa kanyang patimpalak mas lalo pang dumami ang naisulat ko.


Ito naman ay galing kay Azel. Hindi ko inaasahan na madaming magdarasal para sa kaligtasan ng aking Kuya. Tinatanaw kung malaking utang na loob sa lahat ng nakiisa sa oras ng aking pag-aalala. Nasa stage na ng recovery ang kapatid ko.



Si Prof. Bomzz ang isa sa nag inspire sa akin magblog kasama si Dagang Mapanglaw. Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sila ang taga ayos ng blog ko dati kasi hindi ako marunong(lol!) Sa kanya galing ang BloggyWood! Prof, salamat sa lahat pati na sa mga logong ginawa mo.



Mula kay Pope, Uber Amazing Award (the pink edition)

Kay Pope ulet, Neno's Award

Kay Pope ulet
Si Pope ay isa sa hinahangaan ko sa mundo ng Blog. Bawat entry niya hindi ko pinapalampas na basahin. Na inspire ako ng husto sa way ng pagsusulat niya, may magandang ideas & concern sa mga nangyayari sa paligid. Sa blog din nya nakita ako ang link ng Courage Philippines na araw-araw kung pinupuntahan lalo na kapag inaatake ako ng lungkot at sobrang depresyon.
Mula kay Zysa, maraming salamat!


Maraming salamat, galing naman ito kay Jee.


Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nagbabasa, pumupuna, tumatambay, at bumibisita sa aking pahina. Madami akong nakilalang kaibigan sa pamamagitan ng blog, sabi nga ni Jee certified blog addict!
Ipinapasa ko ang aking awards kina Makulay ang Buhay sa Bahaghari, Bomzz-in-Iraq (kahit na iyong iba meron na siya) Angelpotnic, at Planetang Jupiter.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

7 Share your thoughts

Dami mong awards ah!!! :) Congrats!!!

tnx for sure ung iba jn galing dn sau na ipinasa sa akin...

tnx a lot1

wow... andami-dami..lols

congrats...

you deserve it all!

Maraming salamat sa mga papuri, subalit mas naaayon ang mga papuri kay Bro, na syang dahilan kung bakit tayo gumagawa ng blog - upang maibahagi sa iba ang ating mga talento sa sining at experiences upang magbigay aral at inspirasyon sa ating mga kapwa.

Maraming salamat sa patuloy mong pagbibigay kasiyahan at inspirasyon sa aming mambabasa, you deserve all these awards.

maraming salamat, kayo ang inspirasyon ko sa pagsusulat!

tnx!

huwaw...dami naman niyan. sana ako dn mraming gnyan,hehe

congrats. iba na ang magaling,hehe

Ads2