Ang kalangitan ay maaliwalas,
Nahawi na ang makapal na ulap,
Ang mga bituin kumikislap ng may galak,
Liwanag ng buwan ay niyayakap.
Ang talang nagniningning nagtatanong,
Buwan ay malaya at matayog,
Sa gabi naghahari ngunit bituin nalulungkot,
Kapwa tala buwan ay dinudumog.
Sinag ng buwan tala ay natatabunan,
Bituin nakaharang sa daanan,
Buwan gustong lapitan subalit nag-aalangan,
Sa estado ng buhay bituin isang hamak lamang.
Sa isang iglap buwan ay namasyal,
Kanyang kaharian tiningnan at dinalaw,
Ang talang nag-iisa biglang nilapitan,
Doon nagsimula magandang pagkakaibigan.
Ang buwan ay makwento at madaldal,
Ang daming tanong at gustong matuklasan,
Nawili sa pakikipag usap, masasalamin kasiyahan,
Umusbong daw ang paghanga at pagmamahal.
Hindi masagot ng bituin ang dinudulog,
Kailangan pag-aralan ang lahat ng kilos,
Bituin nag-iingat ayaw ng maging marupok,
Minsan ng nadaya, pagkatao natupok.
4 Share your thoughts
awww..ang galing galing mo namn ate kumatha ng tula...
kep on writing teh..
nagenjoy po ako sa blog nyo..:))
ang ganda naman ng tula. para kanino?
napadaan po ang taong gala. :)
http://kwentoniwaltz.wordpress.com/
@ jay, salamat! unang dalaw mo yta sa blog ko. Happy weekend!
@waltz, salamat din sa pagbisita. added u in my blogroll!