Anino Sa Dilim

Andito sa tuktok ng gusali,
Tahimik na humihikbi,
Sa obligasyon nakatali,
Ang aninong nagkamali.

Naaaninag ang bitag,
Ang liwanag ay malat,
Sa dilim nakalatag,
Tanikalang di natitinag.


Kinikimkim ang talim,
Ng salitang sakim,
Iginiya sa madilim,
Binalot ng takimsilim.

Kakarampot na pang-unawa,
Idinulog sa nagluluksa.

Ngunit

Nunukal ang dugo,
Nalunoy,
Nalublub,
Naharuyo sa maling hinagpis.

Sumibol ang paghihiganti,
Sa nalagas na talulot.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

8 Share your thoughts

ang lalim ng tagalog, grabe! sinisisid ko pa..:D

@ Mc Coy, himala nag iwan ka ng bakas. ^_^

@ kIKO, salamat for always visiting my paradise lol!

anlalalim naman nung mga talinghaga na yun....

anu yung "naharuyo"...lolz!

ingat!

@rhyckz,adik! hahaha!

naharuyo - nahalina

take care too!

Nunukal ang dugo,
Nalunoy,
Nalublub,
Naharuyo sa maling hinagpis.

---- ate bat ang pait-pait ng dating saken ng parteng yan? was it suppose to be like that? o unstable lang talaga ako at ganyan ang pagkakakuha ko?

@yanah, parehas tayong unstable. hahaha! ang pait tlga ng di tama, pero darating ang sobrang saya :)

Ads2