Marka Ng Latigo

Naliligalig bunga ng maskara ng nakaraan,
Pilit na kinokontrol nagrerebeldeng kalooban,
Kinalalagyan, nakakasakal, lipunang ginagalawan,
Makasariling motibo nasira ang pagkatao 'di namalayan.

Tawa & halakhak yari sa poot at hinanakit,
May nakudlit bahagi sa damdamin nakaukit,
Sensitibong pahihirap pati kaluluwa nahagupit,
Lumampas sa pisikal tanong ngayon bakit?

Ito ba ay isang pangitain o katotohanan,
Ito ba'y sinadya o daloy ng kapalaran,
Paano mapapawi lason sa katauhan,
Kung nakaimbak sa memorya , sugat sa isip at dangal.

Hatid ay poot at sindak, marka ng latigo,
Masakit na pilat hininga halos mapugto,
Nagpapalahaw, damdaming itinago,
Gustong isigaw at ilabas hinanakit sa puso.

Tensyon at pagkalito, hampas ng lumipas,
Pagkasuklam umugat sa lamog na laman,
Sikdo ng paghihinagpis, nangangatal buong katawan,
Matinding parusa, likidong pumasok, kamandag ng kalupitan.

Madilim na lihim lagablab ng apoy - pangamba,
Higanteng tanikala nakaposas ang mga paa,
Ibinilanggo ang sarili ngunit walang selda,
Araw at gabi, hagulhol at luha ang kasama.

Marka ng latigo, balintataw ng kahapon,
Bumabalik, dinadaklot sugat na pinaghihilom,
Sumasalakay emosyong puro tanong,
Kailan ba sasapit ang dapithapon?

Hinangad na paglaya kabiguan ang bunga,
Hinatak na muli dinala sa umpisa,
Katawan nadarang sa hiya at pag aalala,
Pag-asa nawala sa isa pang trahedya.

Marka ng latigo ibinaon ang mga pangarap,
Kaligayahang inasam, sadyang napakahirap,
Tambol & pintig ng puso kinikitil ng maagap,
Ibayong pag-iingat upang hindi maigupo ng paghahangad.

Pagtitiis pinapatay ang katatagan,
Hinugot na hininga plano dapat maisakatuparan,
Karaniwang ruta 'di na dadaanan,
Tumigil pag-inog ng mundo, isang kamatayan.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

7 Share your thoughts

grabe…

gusto kong sumagot ngunit hindi ko magawa

sa mga nabasa ko, biglang natulala

hinanakit na sa puso nagmula

para bang natuyuan ng luha

grabe…

gusto kong sumagot ngunit hindi ko magawa

sa mga nabasa ko, biglang natulala

hinanakit na sa puso nagmula

para bang natuyuan ng luha

malalim....

tila nakakulong at hindi na makawala

nagtitiis ng sakit sa isip at damdamin

nag latigo bang iyan ang siyang iyong hawla?

dumaan lang po at napabasa.. humanga at nagiwan ng bakas..

magandang araw po...

sa sobrang galing mo'ng gumawa ng tula

hindi ko maiwasan ang matulala at humanga

sa isang katulad mo na nandyan sa Taiwan

ikinalulugod ko'ng ika'y aking isang kaibigan



:)

@ the psalmist, salamat for always dropping by. happy weekend!

@istambay, welcome to my page. i added you in my blogroll. tnx!

@Bino, salamat sa pagbabasa ng aking mga sinusulat. :) wish to see you when i go home.

Ads2