Milya ang nilakbay lahat sinuong mo,
Pakikibaka, pagtityaga tagumpay ba'y matatamo?
Daang tinatahak, ito ba'y landas ng pagbabago?
OFW saan ka nga ba patungo?
Pikit-matang iniwan mga mahal sa buhay,
Luha'y pinigilan, sa isipan pag-asa ang ikinintal,
Sa ibang bansa, kinabukaasan kikinang magiging luntian,
Pangarap matutupad, mga anak makakapag-aral.
Pagbaba sa eroplano, pag-apak sa banyagang bayan,
Samut-saring damdamin ang naramdaman,
Takot, kaba at pag-aalinlangan nag uumapaw,
Kontrata kayang kayanin & mapagtagumpayan.
Minsan, kapalaran 'di nakikiayon, daan napakakitid,
Sa paanan nakahilera ga bundok na balakid,
Trabaho'y napakahirap, amo pa'y sobrang lupit,
Kung ituring basahan, katumbas lang ng isang gamit.
Pagal na katawan nagpupuyos na damdamin,
Impit ng pag-iyak, kaluluwa'y nasasaid,
Panaghoy ba'y maririnig, daing ba'y masasambit,
Kung sa bawat kilos may nakabantay, may umaaligid.
Babatahin lahat kahit pag-asay pusikit,
Manggagawa'y magtitiis sapagkat nababatid,
Ginagawang sakripisyo ginhawa ang balik,
Sa pamilyang minamahal, sa anak na iniibig.
Pagsubok man bumuhos, bumagyo pa ng unos,
Mangagawa'y lalaban, 'di susuko o padadala sa agos,
Diskriminasyon araw araw, hagupit man nito'y masakit,
OFW titindig sa Poong Maykapal kakapit.
Mangagawa bayani sa bansang sinilangan,
Pag asa ng lipunan, ekonomiya nakasalalay,
Sana naman hinaing namin marinig
Nang gobyernong sa amin nakasandig.