Hay, buhay talaga!
Lagi nalang akong nalilito sa mga bagay-bagay sa mundo
May mga sitwasyon na pinagdisisyunan ko na
Ngunit makalipas ang isang linggo
Confused na naman
Parang gustong ayaw, masayang-malungkot
Na gustong maalala at malimot
Basta ang gulo
Back to basic na naman
Mag-iisip, manghihinayang, maiinis
Madedepress, magagalit, magseselfpity,
Sakit ko na yata ito
Iyon bang parang sirang plaka daw,
Paulit-ulit, pare-pareho, 'di nagbabago
Minsan naisip ko nga kailan kaya ako lalaya
Sa suliranin, sa nakaraan, sa kasalanan,
Madami namang sagot o solusyon
Pero bakit napakahirap makita ang tama
Wala bang short cut?
Iyong kapag may problema may solusyon agad
Iyong 'di na dadaan sa katakot -takot na trial & error
Dapat diretso tama
Iyong 'di ako masasaktan or magsisisi
Pero di ba wala namang perpekto?
Ngunit bakit kailangan natin himayin ang mga kilos
Ang buong pagkatao, eh wala naman palang perpekto
May pa etikit etikit pa tayo
Na papraning na nga ako
Akala ko bagay lang ang plastik
Hindi pala, pati tao plastik na rin, retokada
May tupperware, orocan, at simpleng cellophane
Alin kaya ako doon? bahala na
May pagkakataon naman cross my heart hope to die, promised, i swear
Pero lintek 'yan kumurap lang ako
Sumipsip ang linta, makakaubos na ng dugo, kapit-tuko,
Pero ayaw talaga paawat, pumapapel, umeeksena,
Kahit cut go on pa rin
Ang iba naman mala octupos, ang daming galamay,
May pagkabampira at manananggal
Tinatanggal ang reputasyon & kredibilidad ng ibang tao
Sana maskara ang hinubad,
Ipakita ang patas, humusga ayon sa batas
Pero 'di pa nakuntento,naging ganid, talamak
Lahat inaring kanya, pati pribelihiyo kanya rin
Hindi patitibag, kahit dumaan pa ang pison
Aatras lang, parang may super power
May trapo, may corrupt, may madyekiro, may mandaraya
Teka, nakita ko si Juan dela Cruz
Naghihirap, naghihikahos, namamalimos
Si Tatang nagalit, nakapagmura
Letseng buhay 'to,kara cruz na ang laro sa gobyerno
Uso na daw ang balimbingan, turuan, at gamitan
Sa pula o sa puti
Ang masaklap lahat ginamit pati ako nagpapagamit
Propaganda, pulitika
May napanood ako sa T.V may isiniwalat na baho si Anu
Sa una maniniwala na sana ako
Wait sablay pa rin, publicity lang pala iyon
Gusto pumapel,gusto lang mag artista
Pero mga 'tol keri niya ang drama
Pati ang nasa pinilakang tabing nakisawsaw na rin
Ang gulo mababaliw na yata ako
Pati sagradong institusyon nasakop na rin
Nakigulo na rin ang religious group
Nakisunod sa uso, rally dito, rally doon
Hay, mas lalong gumulo ang isip ko
Hindi ko na alam ang tama & totoo
Siguro iisa nalang natitirang tunay sa pagkatao ko
Ako ay isang Pilipino.
3 Share your thoughts
kakatua naman ang post mo na to, di mo alam kung ano ang patutunguhan pero nasa ayos pa rin kahit na ganun...andyan ang malito ka at magtanong kung saan ba dadalhin ang wento mong ito..ehehehe
ahhhhh..sinabi mo pa. nakakawindang talaga. paiba iba ang ihip ng hangin.
@payatot & jez
nakakalito tlga, pati ako nalito dn!
tnx sa dalaw!