Anong sakit makulong sa bilangguan ng kahapon,
Mahapdi, makirot, mahirap pigilin pag-usad ng panahon,
Sabi nila mataas ang antas ng aking talino & dunong,
Ngunit bakit ako'y nagpapatalo sa kahapong 'di ko ginusto.
Pangyayaring yumanig sa buo kong katauhan,
Naging kalawang at buto ng pag-asa at aking kinabukasan,
Hindi ako makatakas sa bilangguang selyado ng mapait ng karanasan,
Naiisip kong kumilos, gumising at baguhin landas ng aking bukas,
Ngunit lagi akong bigo sa mapaghamong kapalaran.
Mabuti pa ang buhay ng tunay na nasa piitan,
Nakakatulog kahit pa mandin may ginawang kasalanan,
Hawak nila ang buhay buong pagkatao kanilang nananamnam,
Kalayaan pwdng mapasakamay depende sa determinasyong magbagong buhay.
Sino nga ba ako? Ano nga bang misyon ko?
Kung ang ilaw na gumagabay, nawala andito ako sa madilim na mundo,
Ginusto ko bang mangyari ang lahat ng ito?
Kung bawat himaymay ng aking pagkatao pinandidirian ko.
Sa tuwing ako'y bumabangon unti-unti akong hinihila,
kinukulong sa bilangguan ng kahapon,
Pilit kong inaabot, makisabay sa agos ng panahon,
Pero paano? tanglaw at pag-asa ni wala n ako,
Pumanaw na ang liwanag, kasabay ng masaklap kong
karanasan sa pangil ni kamatayan?
Tatawirin ko ba ang tulay kong alam kong sa kalagitnaan ako'y mabubuwal?
Susubukan ko pa kayang umakyat sa pangalawang baitang kung walang katiyakan?
Akin bang susundan ang mga yapak na aking nakikita
Kung 'di ko alam saan ang patutunguhan?
Sa kislap ng aking mga mata masasalamin,
Ang tigib lumbay na aking naranasan,
Ako bay obra maestra nililok ng MAykapal?
Ako ba'y minahal nya ng walang kapara,
Bakit sa isang iglap akoy napadpad
Sa kumunoy ng buhay, puro pait, ako'y napapagal,
Kaluluwa ko'y nasa loob ng kwadro,
Nakakulong, nakagapos, di makawala,at 'di makaalpas.
Ako ba'y biktima lamang ng masamang sanlibutan?
Nang taong ang kaligayahan nasa pita ng laman?
Tanong ko noon, ngayon at habang ako'y nabubuhay,
Bakit ako pa ang sinubok ng pagkakataon, sa paraang wla akong laban?
7 Share your thoughts
ano ba ito tula ba? makata ka ata masyado ha....musta ka naman dyan sa taipei, ok ka lang ba?
trying hard lng po na maging makata...
tnx sa coment!
ok lng ang taipei...
Nadarama ko rin pighati't kalungkutan,
Luha ang ninamnam sa dusang nakamtan,
Ang tanong lamang ng aking isipan,
Mahina ba'ng tiwala sa ating LUMALANG?
Kung tatarukin ng isip at puso,
Ang lahat ay may hangganang totoo,
Kayanin mo iyan, huwag kang patatalo,
Sa dulo ng tulay, naroon ang panalo!
Ang pangako sa iyo ng Diyos na Bathala,
Walang hanggang buhay hanggang sa kabila,
Kung nais marating ang ligaya't tuwa,
Kailangang magtiis upang guminhawa.
Ngunit laging itanim sa loob ng utak,
Ang ibig ng Diyos maligtas ang anak,
Kaya sumunod ka sa utos na tumpak,
Maliligtas ka sa pagkapahamak!
Ang layon ko lamang ay maiparating,
Ang Diyos, dinirinig mga panalangin,
Hindi natutulog lagi siyang gising,
Magdasal sa umaga hanggang sa paghimbing!
ang balintataw ngpapahina ng kalooban,
tiwala sa Maykapal aking sinandigan,
ngunit minsan madami akong tanong,
ito bay tugon? yan ang 'di ko alam.
tutuklasin ko ang buhay n bigay,
kht n mahirap, tatayo't lalaban,
ngunit ang pagsuko, akin ng nararamdaman,
gunitang 'di ko ginusto,marka ng kapalaluan.
sa dulo ba ng tulay may nag aabang?
ako bay hihinto, o susugod lamang?
aasa bang muli sa katiting na pagmamhal?
mamalimos ba ng awa o ako'y susugal?
mahal kong kaibigan, isa n lamng ang aking hiling,
pagpapatawad ibulong sa akin,
kitilin ang pait, alaala ko'y ipinid
dhil marka ng lumipas, alalaang 'di nawawaglit.
Aha!!!Andito pala ang mga makata!!!
Patambay at nang may matutunan :D
malalim pro natumbok ko ang ibg mng ipahwatg..
preho tyo ng pngdaanan.