Kasunduan




Ligalig na isipan, sarili panay ang buntong hininga,
Nakangiting mukha ngayo'y tinakasan ng sigla,
Sakit ng loob hindi maaring pahirin ng pamana,
Kasunduang ibinuyag, umagaw sa karapatang magpasya.

Kayamanang nasa paanan walang halaga,
Langit sa lupa nararanasan, tinatamasa,
Hindi napapagod, hinahangaan ng madla,
Ngunit hinahanap likidong papawi sa pagdurusa.

Sarili naipagkasundo mula pa pagkabata,
Kasulatang kapag nilabag may kakabit na parusa,
Mapupulaan ang sarili buong angkan isusumpa,
Maramot na pagkakataon, sinisisi ang tadhana.

Munting tinig nanunulsol, nanunukso sa magkabilang tainga,
Lumayo at tumakasa habang maaga pa,
Upang pakpak magamit, maikampay ng malaya,
Sa sarili makakapagdesiyon, walang magmamanipula.

Pastilyong binabaybay kahit na may babala,
Nakakasalubong sa mga mata may mababasa,
Bawat isa nagtatanong ng may paghihinala,
Dalangin sa sarili sana'y pinto makita.

Nilalakaran mas lalong dumilim pa,
Bintana at pinto nakasarado, nakasara,
Pagod na katawan bumagsak sa lupa,
Sana buhay bawiin na ng Lumikha.

Diwa naglakbay 'di tiyak saan napunta,
Narinig mahiwagang boses, nagsasalita,
"anak, 'wag kang mapagod at malapit na"
Manalig ka lamang at manampalataya.




Published in Barkadahang Re-Union Newsletter

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

Ads2