Landas pinagtagpo sa 'di inaasahang pagkakataon,
Mundo ko'y malungkot sa pagsubok 'di makabangon,
Puso'y nangungulila, tunay na damdamin ang tugon,
Sa munti mong ngiti, pait tuluyang naibaon.
Salamat at ako'y iyong napansin,
Araw-araw nag aabang na sana ikaw ay dumating,
Pag-ibig na pinapangarap nawa'y danasin,
Saiyong kamay, doon mahihimlay, pag uusig lulupigin.
Ngayong nandito ka na buhay ko'y naging makulay,
Isip naging kampante saiyo nakasalalay,
Daang binabagtas kasama ka sa paglalakbay,
Pangarap pilit aabutin, saiyo iaalay.
Huwag mong isipin na ako'y magbabago,
Huwag mong isipin na ako'y magloloko,
Sapagkat sa puso ko'y isa kang sagrado,
Pakaiingatan hanggang sa katapusan ng mundo.
Tukso sa paligid, magkahawak kamay nating aabutin,
Hindi tayo susuko patitibag o kayang pabubuwal,
Dumating man ang panahon tuluyan kang panghinaan,
Ika'y aking aabutin,pag-ibig ko saiyo gagabay.
Sa dako roon patuloy akong mag-aantay,
Kahit pa umabot sa dapithapon, 'di ako mapapagal,
Pag-ibig mong dalisay doon ako mahihimlay,
Sa dako roon, sa pag ibig mo ako sasandal.

3 Share your thoughts
Ang tamis ng pag-ibig niligis ng tula
Tila nag-abang ang pusong dakila
Sa liwanag ng wagas na pagdaralita
Ikaw na babae, ay may gantimpala!
Iyong minamahal na sa iyong puso,
Hintayin ang kapiling sa pagkasiphayo,
HUwag ngang hayaan na siya’y malayo,
Yakapin nang lubos kaniyang pagkatao.
Pag-ibig anila'y bulag ang kahambing,
Hindi nakakikilala ng pangit at matsing,
At kahit pa nga magdildil ng asin,
Duling na sa gutom, maligaya pa rin!
Ganyan bang pag-ibig... martir at dakila?
Sa wari'y bayani't sundalo ng digma,
Sugatan ma't lumpo, lalaban ng kusa
Ipakikibaka bansang sinisinta.
Walang pasubaling ganyan ang katulad
Ng magkasintahang nasa isang pugad,
Hindi papipigil harangan man ng sibat,
Pagkat alipin na ng pusong bumihag!
Ngunit kung minsan nga'y iba ang pag-ibig,
Humugis na talim - gahaman at ganid,
Kumikitil ito, sa buhay pasakit,
Luluha ka lamang ng dugo at putik!
At magkaminsan pa'y hatid nito'y sama,
Kasalanan ang siyang dala nitong bunga,
Buhay ng pag-ibig wala ngang kapara
Salimuot ng gulo, magulong dakila!
Magaling kang makata, Binibining Gumamela,
Naging inspirasyon ko sa paggawa ng talata,
Sana ang hiling ko’y tumula nang tumula,
Upang mapagyaman, ating literatura!
Mike avenue isa kang makata,
Salamat obra ko'y iyong binasa,
Ako'y nagalak,puso'y sumaya,
Sa tula mong gawa isang maheka.
Lahat ng iyong sinabi ay katotohanan,
Sa larangan ng pag-ibig walng nakakaalam,
Pait o saya pwdeng maramdaman,
Ngunit akoy payayakap sa pag-ibig kht wla akong katiyakan.
Ako'y nagpupugay saiyong komento,
Paulit-ulit kong binasa ito,
Saltitang binitiwan umarok sa puso,
Salamat ng madami, obra pgbubutihin ko.
akoy nalilito sa mga letrang binitawan ninyo
kay lalim parang poso
pilit kong hinimayhimay
utak koy na gutay gutay
di ako nagkamaling iniidolo ko kayo
mga blogistang hinahangaan ko
patuloy kayo sa mga obra niyo dahil inspirasyon kayo
sa taong katulad ko
kahit ako'y makulit at maluko
may puso at isipan na gustong matuto
kahit nasa dako pa roon ang edad ko
alam ko hindi ito nasusukat sa taon ko dito sa mundo,
ito'y nasa kaibuturan ng balon balonan ng puso ng tao
haayyy! nag kandaloko loko na ako
sa tingin ko'y tama na ito
patuloy lang mga AYDOL ko...