Declaration of War

Arvin de la Pena's post on Mukhang Pera is a discriminate, reckless, foolish, rash and irresponsible post of one who claimed to be an ex-OFW. It is a barefaced ridicule and contempt of the sacrifices of the Filipino Expatriates and Overseas Filipino Workers by branding them as money-faced, unprincipled, and good for nothing slaves for money in other more progressive countries.

Whether it was a satire or whatever figure of speech he may have wanted to portray in his post, he failed to achieve it. He may have added the statistics of visitors to his blog but it was done in a very distasteful manner.

He is one blogger who has overstepped the bounds of sensitivity and responsibility of a decent mind of an accountable and responsible blogger.

We therefore declare a blog war against this person who continuously persist in exploiting, abusing, and maligning the Overseas Filipino Worker.

This declaration of blog war will only be lifted upon this person's retraction and an apology for his irresponsible blogpost!
I am one of them, asking for understanding and kindness. Being an OFW is not an easy task. Please visit DESERT AQUAFORCE for more details on this matter. Thanks a lot!
Read More »


Siya si Ann kinakapatid ko, close friend from Milan Italy
Batang makulet, sandalan ko sa oras ng tuliro,
Tagapayo ngunit minsan mali mali ang turo, (lol)
Batang masungit pagmeron at batang makulet araw araw
Thank you for being my shield in times that i needed it most,
For being a good listener, for carrying my burden along w/ your own struggle,
Thank you for molding my spirit in times that i thought its giving up,
Above all thank you for sharing your undying concern, for being my family


Si Lenon isang mabuting kaibigan sa Iraq

THANK YOU SO MUCH FOR TOUCHING MY LIFE IN UNEXPECTED WAYS. HAPPY BIRTHDAY!
Read More »



OFW kami, isang dakilang manggagawa,
Talino at dunong dala sa ibang bansa,
Pilipino kami sa isip, sa salita at sa gawa,
Kami ba'y dapat pang humingi ng pang-unawa?

Hirap ang kalooban na iniwan ang pamilya,
Dinudurog ang puso sa paglayo sa bansa,
Ngunit masisisi ba kami kung mangarap ng laksa?
Kung ang pangarap ang tatawid sa nahihikahos na bansa?

Sabihin ng lumuwas para lang sa sarili,
Para magliwaliw at sumabay lang sa biyahe,
O kaya'y dahil sa nais makamit perang marami,
Tama bang kaming husgahan at kapwa lahi pa ang umapi?

Hindi kami perpekto at mas lalong hindi santa,
Subalit may mga tao pa ring hangad ay maganda,
Nanatiling mabuti at tapat sa sinumpaan sa dambana,
Kaya hiling namin pagmamahal at pang-unawa.

Masama bang mangarap na umunlad?
Masama bang ibigay ang buhay na may dignidad?
Respeto ang aming sigaw at hangad,
Sa kababayan na tila ba nakapinid ang utak.
Read More »


Ilang buwan na ang lumipas,
Tinanggap ang pagsubok na wagas,
Sinikmura ang mga salitang mapangahas,
Sa paghahangad na maiba ang balangkas.

Ito ang sarili unti-unti ng nakakabangon,
Sa makasariling nagmamanipula noon nakabaon,
Matalas na pananalita laging bibig ay tikom,
Subalit ngayon nakatayo sa gitna ng mga hamon.

Ang buhay na ito ay pag iigihan,
Makikinig sa dikta ng isipan,
Puso ipapahinga ng sapilitan,
Upang wagas na pag-ibig muling makamtan.

Ang ilaw man na hawak kahit aandap andap,
Ito'y magiging liwanag sa dilim ng pangarap,
Aakyat sa tore, dadamhin ang paglingap,
Pangarap aabutin kahit na napakahirap.

Ito ang bagong simula ng isang gumamela,
Mas matapang, matatag at masaya,
Pait iwawaglit at kakalimutan ang kabanatang nauna,
Aasa sa bahaghari andun ang ligaya.
Read More »



Kahapon may nagpadala ng mensahe sa akin sa YM, tinatanong niya ako kung nakuha ko na daw ang badge. Hindi ko maintindihan ang sinasbai niya kasi una hindi ako aware na makakatanggap ako o mapapasali sa mga mapipili nila. Ang daming deserving na matagal na sa blogshere pero sobra akong natuwa na napasama ako.

Una, matagal kung binasa ang mga nanalo & saang kategorya sila napabilang, iyong iba hindi ko kilala kaya minarapat kung bisitahin ang kanilang pahina. Maraming beses ko pinag-isipan ang nakuha ko INSPIRING BLOG...Dinala ako sa malalim kung pag-iisip ito ba ay isang sign na galing sa KANYA o sadyang nagkataon lamang? Sa hirap ng pinagdadaanan ko naisip ko ng huminto magsulat o mag blog. Kaya napatanong ako sa sarili ko sa dami ng pwedeng mapunta sa akin na kategorya bakit sa INSPIRING BLOG PA.

Ang totoo minsan pag nag-iisa ako masyado na akong pinanghihinaan ng loob. Maraming kawing-kawing na katanungan sa aking isipan na patuloy kung hinahanapan ng sagot. Kaya noon makita ko ang award, sobra akong natouched. Sa kabila pala ng mga nangyayari may magandang bagay pa akong dapat ng ipagpunyagi dahil may mga taong naniniwala pa rin sa aking kakayahan. May mga taong handang magpasaya sa akin at bigyan ng katuturan ang munting bagay na naiaambag ko sa blogsphere.

Ako ang nainspire nyo, ako ang nabigyan nyo ng pag-asa na ituloy ang nasimulan. Aking hahawakan ng mahigpit ang lakas na inyong binigay at patuloy na pagbubutihan ang pagsusulat. Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng KABLOGS. Isa kayo sa magsisilbing inspirason ko para ipagpatuloy at mas lalo pang pag-igihan ang pagsusulat. Tinatanaw kung malaking karangalan ang mapabilang sa ganitong klase ng patimpalak.

Mabuhay tayong lahat!
Read More »



Ilang linggo na ba akong nawala? Pakiramdam ko ang tagal na...

Nagpahinga ako saglit sa pagnanais na makapag isip ng maayos, iniwan ko muna pansamantala ang blogging dahil gusto kung 'wag magpaka emo sa mga post ko. Habang wala ako sa mundo ng blogsphere nagpaka busy ako sa pagbabasa ng TWILIGHT SERIES, inayos ang mga box na aking ipapadala sa Pilipinas at nagtapon ng mga gamit na hindi ko na kailangan pa.

Ang iba dito may konting idea siguro sa pinagdadaanan ko, ang iba naman sa pamamagitan lang ng sinusulat ko pinagtatagpi-tagpi nila ang nangyayari.

Nagbabalik ako na may masayang pananaw. Mahirap ngunit kailangan kung kayanin para sa mga taong naniniwala sa akin at nagmamahal. Sa mga kaibigan ko na walang sawang sumusuporta sa akin kahit na sila mismo nahihirapan na rin sa katigasan ng ulo ko ngunit hindi nila ako binigo at hindi nila pinaramdam sa akin na nag-iisa ako. Maraming salamat sa mga unexpected friends na hindi ako iniwan. Sila ang aking inspirasyon ngayon. Sila ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin na sa kabila ng lahat ng sakit na aking naramdaman, may mga bagay pa akong dapat ma cherish.

Ang taong buong tapang na dumamay sa akin sa Gitnang Silangan. Maraming salamat, ramdam ko nahihirapan ka rin intindihin ang mga dahilan na sinasabi ko ngunit patuloy ka pa rin naniniwala na lahat magiging maayos. Kapag masaya ako hindi kita masyadong napapansin ngunit sa panahong kailangan ko ng karamay ikaw ang unang taong nagbigay ng kalinga at taos pusong pagmamahal. Salamat sa pagtitiwala at sa tapat ng pagkakaibigan.

Sa bawat butil ng luha na pumatak sa aking pisngi hindi ko pinagsisihan dahil lahat ng nangyari nagbigay sa akin ng madaming pagkakataon para makita at mapahalagahan ang mga bagay na pansamantala kung nakalimutan. Akin ng hahawakan ang aking buhay at mas lalo kung pagtitibayan na abutin ang mga pangarap na aking nakaligtaan.


Katulad ng gumamela sa itaas, mag uumpisa akong baon pa rin ang good values na aking kinamulatan. Pag-iigihan ko pa rin na gumawa ng mabuti sa kabila ng pinaramdam sa akin at pagsisikapan kung abutin lahat ng pangarap ko sa mabuting paraan. Sisikapin kung mapalawak ang aking pakikipagkapwa. Alam ko walang imposible sa KANYA.


"I WILL TRUST HIM"
Read More »

Ads2