Bagong Simula


Ilang buwan na ang lumipas,
Tinanggap ang pagsubok na wagas,
Sinikmura ang mga salitang mapangahas,
Sa paghahangad na maiba ang balangkas.

Ito ang sarili unti-unti ng nakakabangon,
Sa makasariling nagmamanipula noon nakabaon,
Matalas na pananalita laging bibig ay tikom,
Subalit ngayon nakatayo sa gitna ng mga hamon.

Ang buhay na ito ay pag iigihan,
Makikinig sa dikta ng isipan,
Puso ipapahinga ng sapilitan,
Upang wagas na pag-ibig muling makamtan.

Ang ilaw man na hawak kahit aandap andap,
Ito'y magiging liwanag sa dilim ng pangarap,
Aakyat sa tore, dadamhin ang paglingap,
Pangarap aabutin kahit na napakahirap.

Ito ang bagong simula ng isang gumamela,
Mas matapang, matatag at masaya,
Pait iwawaglit at kakalimutan ang kabanatang nauna,
Aasa sa bahaghari andun ang ligaya.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

10 Share your thoughts

naks! felt na felt ko ate ang pagbasa sa tula mo...hehehehe...

maogma ako ta nahihiling takang maogma. maogma ako ta diit diit nalilingawan mo na an mga nangyari tapos nagpapadagos ka sa buhay mo which is iyan talaga ang dapat.

ipadagos mo lang iyan ate...yaon lang ako sa likod mo pirmi pag kaipuhan mo ki kahuron...

...pero dapat sa starbucks kita maghuron para may kape. joke! hehehe...

pero totoo ito ateng sinabi ko...yaon lang ako pirmi sa likod mo :)

ano daw ung last line? pakiexplain!!! lolz!
___________________________

sana'y ito na ang pagkakataong
sarili'y huhugutin sa pagkakabaon
lumakad ka't buong tapang na harapin ang hamon
buhay mo'y aayus din "sa tamang panahon"!

_________________________
ay di ko yan sinasadya... un lang ang ka-rhyme eh! lolz!

dyi, tnx for being such a gud friend....

uragon kita, padagos sana baga...

salamat!

@ azel, tama k nmn tlga eh... in time masasagot lahat...

malay mo sa tamang bahaghari andun ang pot of gold!nyahaha!

na miss ko sumagot sa mga coment!

im bck!

ahlab d' poem.. ang galing at sobrang makatah... at ramdam na galing talaga sa puso... teka.. medyo napa-scan akoh sa ibang post moh at nakitah koh na nabasa moh 'ung twilight... don't u love it?... ahlab it... pinahiram den saken 'ung 2nd and 3rd book and lookin' forward of readin' it soon... d' best daw 'ung last one... nabasa moh na bah lahat?.. parang nawala na akoh sa topic nang post moh... wehe.. so yeah.. ingatz.. Godbless! -di

Dhianz, tnx sa dalaw!

yeah, magnda ang last buk... superb tlga feling ko nga andun ako sa eksena eh, ganun ko ninamnam ung twilight series...

balik ka ulet!

bigla naman akoh na-excite nang sobrah.. now i can't wait to read d' books sobrah... d' first book u know i read it for less than a day... oh my gulay.. graveh.. kakakiligz... kakatuwa... 'la lang... biglang tumaas energy level koh... medyo kc may pinagkakaabalahan akong basahin ngaun.. but when i'm done w/ dat eh 'un ang pagkakaadikan koh... pag nabasa koh nah eh magkwentuhan tayo nang bonggang bongga about it... so u watched d' movie? what'd u think about it? =)

Sa ating paglalakabay sa mahabang daan ng buhay, samut-saring pagsubok ang ating kinakaharap na kung minsan ay kabiguan ang ating nararamdaman. Subalit sa tulong ng Maykapal, ang bawa't kabiguan ay hindi nagtatagumpay.

Paano gugupuin ng kabiguan ang ating buhay kung may naghihintay na bukas mula sa Kanya bilang pag-asa. Huwag mawalan ng pag-asa, mapalad tayo a milyon milyong tao na nasa gitna ng digmaan, kagutuman at malubhang karamdaman.

Matagumpay mong harapin ang bagong simula na may ngiti sa labi, may katatagan sa kaisipan at bagong kasiyahan sa iyong puso't damdamin. Pagpalain ka kaibigan sa pag-abot ng iyong tagumpay.

maraming salamat Pope!

mabuhay tayong lahat!

maraming salamat Pope!

mabuhay tayong lahat!

Ads2